Kabanata 35

2292 Words

Grigori’s POV Hindi ako pumasok ngayong araw. Okay lang naman kahit um-absent ako, may Miss Tati naman ako na kakampi sa school. Nagpasya kasi akong sundan si Ava ngayong araw. Talagang ibubuhos ko ang lahat ng oras ko sa kaniya ngayong buong araw. Hindi ako uuwi nang walang natutuklasan na alas sa kaniya. Nakita kong lumabas na siya sa apartment na inuupahan niya. Basa ang buhok at suot-suot na naman nito ang damit na magsasabi kung ano ba ang trabaho niya. Kahit sinong tao ata kapag tinignan siya ay alam na kung ano siya at kung ano ang trabaho niya. Kung maglakad pa siya ay akala mo nasa fashion show. Kung ikembot niya ang baywang ay grabe. Kaya naman hindi puwedeng ‘di siya titignan ng mga tao kapag naglalakad na siya. Tuwang-tuwa naman ito kapag naaagaw niya ang atensyon ng mga tao.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD