Tatiana’s POV Kinailangan kong pumunta sa Manila para sa tita kong na-hospital. Hindi nakasama si mama dahil biglang sumakit ang paa niya. Mataas na naman ang uric acid kasi. Narito na ako sa tricycle at papunta na sa paradahan ng jeep paluwas ng maynila. Walang pasok ngayon kaya sumakto naman itong lakad na ito. Sayang nga eh, dapat maghapon akong tatambay lang sa bahay nila Grigori. Kainis naman at sumabay pa itong pagka-hospital ng tita ko. Akala mo naman napakainam na tao itong pupuntahan ko. Oo, kadugo ko ito, pero isa kasi ito sa dating nagmalupit sa amin noong walang-wala pa kami ni mama. Isa ito sa dating naririnig ko na minamaliit ang mama ko, lalo na ako noong nag-aaral pa ako at nanghihingi kami ng tulong sa kaniya para sa gastusin ko sa school. Nagbibigay naman sila, kaya la