Grigori’s POV Parang binibiyak ang ulo ko pagkagising ko. Mabuti na lang alas sais na ng umaga nang magising ako, kung hindi, baka na-late ako nang pasok sa school. Hindi ko na naintindihan kung anong nangyari kagabi at kung paano ako nakapasok sa loob ng kuwarto ko. Paglabas ko ng kuwarto, malinis na ang lahat tapos nadatnan kong nagtitimpla na ng kape si Boris. “Puta, anong nangyari, Boris?” tanong ko agad sa kaniya. “Ano pa ba, eh ‘di nalasing tayong dalawa,” natatawa niyang sagot. Lumapit siya sa akin at saka inabot ang tasa ng kape. “Salamat.” Napatingin naman ako sa lamesa sa may sala ng bahay ko. May nakita akong libro roon kaya nilapitan ko ito. “Anong libro ito, Boris?” tanong ko tuloy sa kaniya. “Malay ko, pagkagising ko kanina nariyan na ‘yan sa sofa eh,” sagot niya. Nang