Grigori’s POV Pauwi na ako kanina nang makita ko kung paano nilalaro nila Ara, Kristine at Roanne si Miss Tati. Akala ko nga ay sasaktan pa nila ito, mabuti at hindi nila ginawa. Kasi kung makita kong sinaktan nila si Miss Tati, baka lumapit ako bigla at tulungan ko na si Miss Tati. Hindi sa nahuhulog na ako sa kaniya, para sa akin, kaunting respesto lang sana kay Miss Tati kasi kapwa sila mga babae at isa pa, professor nila ang binu-bully nila. Mas matanda ito kaysa kanila kaya sobrang mali nang ginagawa nila. Napailing tuloy ako nang makita kong binigyan ni Miss Tati ng pera ang mga ito. Mapepera at mamayaman naman sila kaya’t bakit gusto pa nilang perahan si Miss Tati. Ang mga mayayaman talaga, kakaiba rin mag-trip. Hanggang pag-uwi ko dito sa bahay, isip-isip ko ‘yon. Nakunsensya pa