Tatiana’s POV “Napakarami naman niyan, Tati!” Agad akong tinulungan ni mama nang papasok na ako sa bahay habang buhat-buhat ang kahon na binigay sa akin ni Vero at pati na rin ang mga damit, bag, shoes at mga pagkaing pinamili namin sa mall. Sobrang daming gastos kanina ni Veronika sa akin sa mall. Lahat ata ng pagkaing masasarap ay natikman namin. Masyado niya akong binusog kanina. “Si Veronika po lahat ang nagbigay niyan,” sagot ko. “Grabe, talagang mag-bestfriend nga kayo.” Binaba niya ang mga paperbag sa living area namin. Habang ako naman ay buhat-buhat ang malaking kahon, “pero, teka, wala manlang bang binigay sa akin si Veronika?” tanong pa ni mama. Sabi na eh, itatanong niya ‘yon. Iyon kasi ang meaning kaya tinutulungan niya akong magbuhat ngayon. “Wala siyang nabanggit, pero