"Hanapin niyo, hindi pa iyon nakakalayo rito!"
Narinig ko ang boses ng isang lalaki. Ewan ko ba kung bakit ako napagkamalang si Patricia. Hindi ako si Patricia, ako si Lorna. Isang florist at kilalang writer. Pero sa penname ko nga lang, hindi sa tunay kong pangalan.
Naawa na ako sa sarili ko. Jusmiyo naman, ang isang sandals ko nasira pa. Naligo na rin ako sa sariling pawis.
"Sino ba kasi si Patricia?" nakangusong kausap ko sa sarili.
Sumilip ako, nang makitang umalis na ang mga hindi kilalang lalaki, saka ako umalis sa aking pinagtataguan. Napayakap sa sarili. Siguradong hinahanap na ako ng client ko.
Patungo sana ako sa isang Italian restaurant para makipagkita sa isang kliyente, kaya lang sa malas ay bigla akong hinabol ng isang sasakyan, at para maiwasan ang mga ito. Siyempre, pina-arangkada ko ng takbo ang kotse na hiniram ko sa kaibigan kong si Lalaria. Pilit kasi akong tinatawag ng mga goons na Patricia. Hanggang sa hindi sinasadyang naibangga ko ang kotseng ginamit. Mabuti na lamang at nakalabas ako agad bago pa man iyon sumabog.
"Ay, tae!" sigaw ko nang marinig ang malakas na busina ng isang sasakyan.
Napahawak ako sa banda kung saan naroon ang aking puso. Nagulat ako nang makita ang isang magarang black Ferrari. Umibis doon ang isang gwapo, hot, at matangkad na lalaki. Salubong ang dalawang makakapal nitong kilay. Awtomatiko namang tumaas ang isa kong kilay. Aba't, hindi ako patitinag sa lalaking ito. Pero aaminin kong pamilyar ang mukha nito.
"Are you out of your mind?" sarkastikong tanong nito sa akin.
Magsasalita na sana ako nang mapadako ang tingin ko sa mga lalaking humahabol sa akin. At dahil sa sobrang pagkataranta, at sa sobrang bilis nang pagtibok ng aking puso. Awtomatikong hinawakan ko ang kabilang braso ng gwapong nilalang at walang-sabing hinila patungo sa kotse nito.
"Mamaya ka na magalit sa'kin, sa ngayon kailangan ko ang tulong mo. Please, maawa ka sa akin. Papatayin ako ng mga taong 'yon," pagsisinungaling ko rito.
Ang totoo, hindi ko pa alam kung ba't hinahabol ako ng mga naka-itim na mga lalaki.
Napalingon ito sa mga lalaki. Nang mapansin siguro nitong may dalang mga baril ang mga ito. Mabilis itong sumang-ayon. Narinig ko ang marahas nitong buntong-hininga.
"Salamat," saad ko rito. Tila para akong nakahinga ng maluwag. At mabilis na pumasok ako sa front seat ng mismong kotse nito.
"May bayad ang pasasalamat mo sa akin, since wala akong maipakilala na girlfriend sa pamilya ko, kailangan mong magpanggap na girlfriend ko," tugon nito. "Kung gano'n, iyong kotse na sumabog kanina, sa iyo ba 'yon?"
"Sure, sisiw lang 'yan. Ako pa! Hindi iyon akin, t'saka, wala akong kotse," nakangiting saad ko rito na may halo pa ring pagsisinungaling.
"Really?" Bakas sa mga labi nito ang mapaglarong ngiti. Ngiti pa lang ng damuho, makalaglag panty na. Aaminin kong ang hot nito, pero hindi ako pwedeng maakit agad sa karisma nitong taglay. Aba, hard to get yata itong ate niyo.
Napasulyap ako sa aking mga paa. Naawa ako sa aking isang sandals. Bigay pa naman iyon ng yumao kong ama. May value sa akin ang bawat bagay na natatanggap ko mula sa mga taong malapit sa puso ko.
"Ano bang nangyari? Bakit ka hinahabol ng mga lalaking iyon?" tanong nito.
"Hindi ko rin alam, tinatawag nila akong Patricia," sagot ko rito.
"Ano bang pangalan mo?" tanong nito sa akin.
"Callyrose," pagsisinungaling ko ulit dito.
Napansin ko kaagad ang pagkunot ng noo nito sa front view mirror.
"Callyrose?" saad pa nito.
"Oo."
"Iyong totoo," ani pa nito.
"Oo nga, gusto mo ng NSO? Isampal ko pa sa pagmumukha mo," nakangiting sagot ko rito.
Nailing ito sa sinabi ko. "You know what, I like you."
"Ang bilis, a! You like me na agad? Ako'y huwag mong pag-tripan dahil kahit gwapo ka at hot, hindi ako papatol sa'yo. May pangarap pa ako sa buhay at wala pa akong planong pumasok sa sinasabi nilang relasyon," palatak ko rito.
"By the way, I'm Lord Montenegro. Nice meeting you, Ms. Callyrose."
Napatanga ako sa aking kinauupuan. Lord Montenegro. What the heck!
"Hey, natigilan ka yata?" nakangiting puna nito sa akin. Masuyong isinara nito ang medyo nakabuka kong bibig.
"Baka pasukin ng langaw," ani pa nito.
Maagap ko namang isinara ang aking bibig na bahagyang nakanganga. Nang makahuma ay hinarap ko ito.
"Lord Montenegro," halos bulong kong sabi.
"Yeah, I am."
Bigla kong naalala si Lawrence Albert Montenegro. Ang one and only crush ko na siyang kapatid nito.
"Kumusta na nga pala si L.A.?" tanong ko rito.
"Why are you looking for him?" tanong nito sa akin.
"Ang totoo.... siya kasi ang one and only crush ko," pag-amin ko rito.
Napansin ko ang pagsilay ng pilyong ngiti sa mga labi nito. Ang alam ko, hindi marunong ngumiti ang isang Montenegro, pero iba ang awra ng isang ito.
"I see," simpleng sagot nito. Nasa kalsada ang atensyon nito habang nagmamaneho.
"Teka, kailan ba ako magpapanggap na girlfriend mo?" tanong ko rito.
"Ngayong gabi, siyempre. Sa ngayon, dadalhin kita sa aking condo since maaga pa naman," saad nito.
"Sandali, ang bilis mo naman yata. Hindi pwede 'yan, Mr. Montenegro. Kung inaakala mong easy to get akong babae. You're pretty wrong!" palatak ko rito.
Nagulat ako nang marinig ang malutong nitong halakhak. Awtomatikong kumunot ang noo ko sa reaksyon nito.
"Don't worry, Ms. Hindi ako ang tipo ng lalaki na pwersahin ang isang babae. Nasanay akong sila mismo ang maghain nang kanilang sarili para sa akin."
Napanguso ako. Oo nga naman, Montenegro nga pala ito. "Sabagay, nakalimutan kong isa ka nga pa lang Montenegro."
Hindi naman nagtagal ay dumating kami sa sarili nitong condo unit. Nakasunod lang ako rito. Napangiwi ako nang makita ang ilang sugat sa aking mga paa. Napasulyap ako sa aking mga braso, gano'n din ito. Palibhasa'y, tumakbo kasi ako kanina sa isang gubat hanggang sa marating ko ang labasan. Swerteng nagkita kami nitong si Lord.
Pumasok kami sa loob ng condo unit nito. Napalingon ito sa akin. "May first aid kit sa loob, come in."
"Salamat," sagot ko rito.
Pumasok na kami sa loob. Naupo ako sa couch. Sinuri ko ang ilang sugat sa aking mga paa. Bwesit talaga ang mga lalaking iyon. Natatakot ako, paano kung mag-krus ulit ang landas namin ng mga goons na iyon?
"Here."
Nag-angat ako ng tingin sa seryosong mukha ni Mr. Montenegro. Ibinigay nito sa akin ang first aid kit na siyang tinanggap ko naman.
"Ba't ang dami mong sugat?" tanong nito sa akin.
"Loading ka rin, ano?" mataray kong turan dito.
"What?!" takang-tanong nito sa akin.
"What-what-tin mo 'yang mukha mo!" asik ko rito.
"Excuse me?" Salubong ang kilay nito. Pinakatitigan ako ng mariin. Halatang hindi naintindihan ang baliw kong ugali.
"Hello, kanina pa tayo nagkita ni hindi mo man lang ba napansin ang hitsura ko? Grabe ka naman, Mr. Montenegro," palatak ko.
"Malay ko bang mukha kang hinalay ng sampung lalaki," birong tugon nito sa akin.
Nagpanting ang dalawang-tenga ko sa narinig mula rito.
"Hoy, for your information never been kiss and never been touch pa ako. Ang kapal ng mukha mo!" inis kong tugon dito. Para akong Tigre na handang mangalmot sa mga oras na iyon.
Napansin kong napa-o ang bibig nito sa narinig mula sa akin. Pagdakay, sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi nito.
"Huwag na 'wag kang ngingiti riyan at baka ipakain ko sa'yo ang Betadine kong hawak," banta ko rito.
"I really like you, you know?" nakangiting saad nito sa akin. "Totoong tao at walang kiyeme. Hindi tulad ng mga babaeng nakikilala ko. Mga clout chaser."
"Then, I don't like you!" asik ko rito.
Narinig ko na namang muli ang malutong nitong tawa. Inis na pinukol ko ito ng matalim na tingin. But deep inside, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Maybe, dahil first time kung pumarito sa mismong condo ng isang lalaki. Ano nga ba ang gagawin kapag babae at lalaki ang nasa loob ng condo? Alangan namang maglaro kami nito ng Lato-lato?
"Gusto mo bang tumawag ako ng doktor?" tanong nito sa akin.
Nag-angat ako ng tingin dito. Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang masilayan ang six pack abs nito.
"Jusmiyo! Naku, mag-damit ka nga, Mr. Montenegro," utos ko rito.
Awtomatikong pumikit agad ako sabay yuko. Muli, narinig ko na naman ang malutong nitong halakhak. Ang alam ko, si Lord Montenegro ay binansagang suplado at snob. Pero bakit malayo ito sa mga naririnig ko patungkol dito?
Inis na tumayo ako mula sa kinauupuan. Ayokong makakakita ng abs. Nakakatukso, at baka mahipo ko pa ng wala sa oras. Pinipigilan ko ang mapangiti. Nanatili akong nakasimangot.
"Hey, where are you going?"
"To the moon," maagap kong sagot.
Naramdaman kong nakasunod si Lord sa akin. "Ang mabuti pa, maligo ka muna bago mo gamutin iyang sugat mo, okay? May ilang damit ako sa taas, pwede ko iyong ipahiram sa'yo."
"Alam mo, may tama ka rin. Mabuti pa nga," sagot ko rito na hindi pa rin tumitingin sa gawi nito.
"Don't worry, nagsuot na ako ng damit."
Napasulyap ako rito. Pinukol ko ito ng galit na tingin. "Mabuti naman kung gano'n, hindi ako sanay. Lalo na at tayo lang dalawa ang narito sa condong ito. Alam mo bang sabi ng Lolo ko sa Lolo ng Lolo ko na hindi maganda ang ganitong naiwan tayong dalawa lang sa iisang kwarto?" palatak ko rito.
"Whatever it is, I don't have any comments regarding that thing, Ms. Callyrose."
"Then, you need to listen. Para naman may alam ka sa mga tradition noong sinaunang panahon," saad ko rito.
"I'm starving already, I need to cook. What do you want?" tanong nito sa akin.
Siyempre, nagulat ako. Marunong itong magluto? "You know how to cook?!" gulat kong tanong dito.
"Of course, my mom teach us on how to cook."
"Wow, ha? Ipagluto mo na lang ako ng tinolang isda. Paborito ko 'yon," sagot ko rito. Pagdakay, tuluyan na akong pumasok sa banyo.
Nagmamadaling naligo ako, ginamit ko na ang shampoo at sabon ni Lord. Aba, ang bango talaga ng mga gamit ng mga mayayaman. Halos nangalahati ang shampoo nito dahil naadik ako sa amoy, sobrang bango.
Pagkatapos kong maligo, kinuha ko ang puting towel, ibinalot ko iyon sa aking kahubdan. Binuksan ko ang pinto ng banyo, sumilip ako roon.
"Lord, nasaan na ang damit mo?" tanong na sigaw ko rito para marinig ako nito.
Halatang nasa kusina ito nagluluto. Natakam ako sa amoy nang niluto nito. Kasabay nang pagtunog ng aking sikmura. Napangiwi ako. Ramdam ko ang gutom.
"Lord!" sigaw kong muli.
Wala akong choice, lumabas ako ng banyo. Naglakad ako patungo sa kusina ng naka-towel lang.
"Lord, ang damit na sinabi mo nasaan na?" pukaw ko sa atensyon nito.
Lumingon ito sa gawi ko. Nakaramdam ako ng labis na pagkapahiya, first time na may lalaking nakakita sa akin na naka-towel lang. Pinamulahan agad ako ng mukha. Aaminin kong hindi ako sexy dahil hindi naman ako mahilig mag-gym, ang lahat ng atensyon ko ay ibinuhos ko sa pag-aalaga sa ilang mga bulaklak. Part time ko naman ang pagsusulat sa isang online platform.
"Tapos ka na pala?" tanong nito sa akin. Pinasadahan nito ng tingin ang aking katawan. Pinukol ko agad ito ng nakamamatay na tingin. Sumilay lang ang pilyong ngiti sa mga labi nito.
"Kanina pa ako sigaw nang sigaw, ba't ba may pagkabingi ka?" palatak ko rito.
"Nakita mo naman siguro nagpi-prito ako ng isda. Maingay, kaya hindi talaga kita maririnig agad. By the way, how about boxer shorts?"
"Sa tingin mo ba magkakasya sa akin ang ilang boxer shorts mo?"
"Oo naman, bakit naman hindi? Isa pa, maliit ka lang namang tao. Hanggang balikat nga lamang kita."
"Hoy, 5'3 ako. Hindi ako duwende, ha?!" inis kong tugon dito.
"May sinabi ba akong duwende ka?"
"Hindi ako bingi, Mr. Montenegro. Sinabi mo kanina, maliit na tao?"
"Alam mo, ikaw lang iyong matapang na sobrang liit," pang-aasar nito sa akin.
Ngumuso ako sa inis. Salubong ang makakapal kong kilay. Mas nainis akong lalo nang bigla nitong pingutin ang matangos kong ilong.
"You makes me laugh, you know?" nakangiting saad nito sa akin. Pagdakay, pinatay nito ang gas range at hinarap akong muli.
"Let's go sa taas," nakangiting turan nito sa akin.
Sumunod ako rito. Hindi ko maiwasan na pagmasdan ang sexy back nito. Gusto kong tusukin ang mata ko at itapon dahil sa pagiging makasalanan nito.
Pumanhik kami sa taas patungo sa mismong kwarto nito. Hindi na ako pumasok, bagkus ay mas pinili na lamang na maghintay sa labas ng pintuan.
"Here," ani nito. May ibinigay ito sa akin na isang damit at boxer shorts.
"Salamat," saad ko at mabilis na tinalikuran ito.
"Pumasok ka sa katapat na kwarto. Diyan ka matutulog, iyan ay kung nais mong dito muna mag-stay," ani nito sa akin.
"Pwede ba akong makahiram ng cellphone? May tatawagan lang sana ako."
"Sure."
"Salamat," sagot ko rito.
Tumalikod na ako mula rito at pumasok sa katapat na kwarto. Isinandal ko ang aking likod sa pinto ng naturang kwarto.
Nagmamadaling isinuot ko ang damit at boxer shorts na bigay nito. Pagdakay, nilapitan ang malambot na kama.
Napahikab ako. Nakaramdam ng sobrang antok. Wala akong choice kundi ang pumikit. Hinila ang throw pillow, niyakap iyon. Hanggang sa hilahin na nga ako ng antok.
Nagising lang ako nang marinig ang katok sa pinto. Napasimangot ako. "Natutulog pa ang tao, e," reklamo ko pa.
"Open this door, Cally."
Inis na tinakpan ko ang aking dalawang-tenga gamit ang throw pillow.
"I'm sleepy," sagot ko pa.
"May lakad pa tayo mamaya, kailangan na nating maghanda para sa birthday party ng mommy ko. Inaasahan ni mommy na may ipapakilala akong girlfriend," saad nito. Napangiwi ako.
"Oo na," sagot ko na lamang.
Inis na bumangon ako mula sa malambot na kama. Pupungas-pungas na tinungo ang pinto, binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang nakangiting si Lord. Kung ganito man lang ka gwapo ang makikita ko palagi, ang ganda naman lagi ng gising ko. Pero agad ko ring sinaway ang sariling isipan.
"I saw your two mountain, standing proud at me, honey," ani nito. Awtomatikong isinara ko ang pinto ng kwarto, ngayon ko lang naalala na hindi pala ako nakapagsuot nang bra. What the!
"Ouch!" Narinig kong daing ni Lord. Paniguradong natamaan ang matangos nitong ilong. Buti nga rito. Napangiwi ako nang mapansin ang suot kong damit. Nakakahiya!