Si Lorna Monsanto ay isang kilalang florist sa larangan ng pag-aayos ng bulaklak at bilang writer. Ang kanyang mga nakaka-engganyong kwento ay nakakuha ng malaking atensyon sa iba't ibang online platform. Ngunit isang araw, hinahabol siya ng ilang armadong lalaki at tinatawag siyang Patricia. Sa pagkakataong iyon, nakilala niya si Lord Montenegro na siyang nagligtas sa kanya sa panganib, ngunit may kapalit—kailangan niyang magpanggap na kasintahan nito.