Grant del Blanco is having the best time of his life. Successful career, money, intelligence, wit, and good looks. Masasabing nasa kanya na ang lahat. He is on top of everything. Nasa roofdeck siya ng isang multi-million yacht na dinisenyo niya mismo para sa isang billionaryong French client. Isa lang iyon sa mga customized yachts na gawa ng sarili niyang kumpanya. Customized ang mga produkto nila. Base sa personality, katayuan sa buhay at preference ng tao ay lumilikha siya ng design. Kadalasan ay agad na nagugustuhan ng sinuman ang mga iyon, mas lalo pa kung natapos na. Ang anumang nalaman niya sa Architecture ay dito niya ginagamit. Sa loob ng sampung taon, he has made quite a mark in the industry.
Celebrities, royals, mayayamang negosyante- ang mga kliyente niya.
Gusto niya ang karerang pinili. He is his own boss at nagagawa pa niyang marating ang saan mang dako ng mundo. It is pleasure and business combined. Kaya nang imbitahan siya ng ina na pamahalaan ang kumpanya, tinanggihan niya. What for when he has made an empire of himself?
Ayaw niya sa Pilipinas. Masyadong madrama ang buhay na naiwan doon. Isa pa, over the years, he has built resentment towards his father and that woman.
Nagdaan na naman ang nakatagong galit sa dibdib niya at ang kaakibat na sakit.
“Grant, why don’t you join the crowd? The Bahamas is all yours to enjoy.”
Ang paglapit ni Desmond ang nagparam sa pagraragasa ng mga alaala. Faces that he longs to forget. Desmond’s presence is just what he needed for a perfect distraction.
“And we have plenty of women here.”
Si Desmond na bumulong sa kanyang tenga. Pumailanlang kasi sa ere ang pinaghalong regae at hiphop music na pinatutugtug ng DJ.
“I am just enjoying the view.”
“Oh, come on, Grant. Get your f*****g ass out there and party till your last breath.”
Mas mabuti pa ngang sundin ang suhestiyon ng kliyente. Inisang lagok niya ang natitirang laman ng beer at nakiisa sa mga taong walang patumangga kung gumiling. Buhay na buhay ang party spirit sa paligid. Wild ang crowd na sumabay sa beat na nilikha ng isang international DJ na hinire ng PR officer ni Desmond. Naghalo ang amoy ng pabango at pawis sa paligid. Idagdag pa ang amoy ng alak at sigarilyo.
Sa nakalipas na mga taon, ito ang buhay niya- partying and womanizing. Pero sa tuwina ay maingat siya, ayaw niyang mahawaan ng karamdaman mula sa pakikipagtalik. He is what his closest friends say a selective womanizer.
“Hi handsome! Wanna go for a wild ride?”
Si Yvette, isang half-Brazilian, half-Croatian model na isa sa mga VIP guests ni Desmond. Her body language is suggestive of s*x. Minsan na niya itong naikama at simula noon ay hinahanap-hanap na nito ang karanasang kaya niyang ibigay. “You’re her for the party, right?”
Nilagok niya ang beer at tinitigan ito mula ulo hanggang paa.
“Come on. You know very well why I am here.”
Walang patumanggang hinila na ni Yvette ang braso niya.
Mahabang panahon din ang ginugol niya sa pagbuo ng yate ni Desmond. Mula sa pag-conceptualize ng disenyo hanggang sa pag-materialize ng plano. Sa pagiging metikuluso nito ay kung saan-saan pa niya in-import ang ibang materials para sa interior at exterior ng sasakyan. Hindi birong pagod at panahon ang binuhol niya. He needed release after all those tiring days.
Sumakay sila sa tugboat at nagpahatid sa mismong yate niya na nakadaong lang sa marina. ‘Di pa man tuluyang nakakapasok ng yate ay kusa nang sinimulan ng babae ang pagpapainit sa katawan niya. In the end, he satisfied her cravings for wild s*x.
It was just pure s*x. Walang kakabit na damdamin. Walang pananagutan. Salat sa pagmamahal.
Sinimulan niyang magbihis ulit. He is not in the mood for a second serving at the moment.
“Get dressed,” utos niya kay Yvette na hanggang ngayon ay nakahubad pa rin habang nakahiga sa kama.
“Your mind is wandering somewhere else, Grant. Your body may be fiery as hell, but your soul is empty.”
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Nagsindi siya ng sigarilyo at humitit-buga.
“Well, that makes us two.”
Inagaw ni Yvette ang sigarilyo sa palad niya at humitit din. Seductively, ibinuga nito sa mukha niya ang usok bago kumandong sa kanyang hita at sinimulang paiinitin na naman ang kanyang pakiramdam. “We’re not yet done.” Isa-isang tinanggal ni Yvette ang butones ng polo na kasusuot pa lang niya at sinibasib ng halik ang kanyang dibdib habang ang isang palad naman ay naglakbay patungo sa kaumbukan niya.
Nag-iinit na siyang muli nang siyang pagtunog ng cellphone.
“Don’t answer it,” anito na tinangka pang agawin ang phone mula sa kamay niya.
“I need to take this.” Answering the phone is his best excuse to avoid her. Padabog na umalis sa pagkakakandong sa kanya ang babae. Tiningnan niya ang nakarehistro sa screen. It was a long distance call. “Hello!”
“Grant del Blanco, is this he?” tanong ng lalaki sa kabilang linya. Napaayos siya ng upo. Binanggit ang pangalan niya. This must be something significant.
“Yes, speaking.”
Tumayo siya at inayos ang pantalon na nabuksan na ni Yvette.
“I am your company lawyer. You have to come home as soon as possible. Your company is in bad shape.”
Alam niyang naaksidente ang ama, itinawag ng ina niya at laman ng mga balita ang mga pangyayari. Pinakiramdaman niya ang sarili. Surely, may pag-aalalang bumabangon sa kanyang puso pero naroroon din ang timitimping galit. Tinimbang niya ang sasabihin pati na rin ang damdamin pagkatapos ay nagwikang: “I may come home.”
He may come home. Handa na nga ba siyang umapak muli ng Pilipinas? Images keep playing on his memories. Ngunit kaagad niya iyong isinalya sa kanyang isipan. He couldn’t afford to go back there. Never will he.