7 - Envious

1364 Words
Sa sumunod na mga araw ay ganoon nga ang scenario. Hatid siya ng binata sa sakayan at nag-aabang naman ito kinahapunan. Sobrang saya niya na ito ang kasama. Parang laging napupuno ng hindi maipaliwanag na tuwa ang puso niya. Ang ngiti niya ay hindi mawala-wala sa kanyang mga labi. Bigla ay tila naging makulay ang paligid. Ewan, basta gano’n ang pakiramdam niya. Nakapanlulumo lang na sa araw na ito ay walang Grant na sumundo sa kanya. Ang tamlay tuloy ng pakiramdam niya. Kahit yata ang paghakbang niya patungo sa sakayan ng jeep ay ang bigat din. “Becca, Hija!” Bahagyang nawala ang lungkot niya nang makita si Tito Gener lulan ng kotse nito na papahinto sa kalsada, Kumakaway ito mula sa nakabukas na binta. “Tito Gener!” Patakbo niyang tinungo ang kinaroroonan nito at buong higpit niya itong niyakap. Nagagawa lang niya ito ng malaya kapag silang dalawa lang. Kapag nasa paligid si Margarette ay 'di siya halos lumalapit rito. Tumitikwas kaagad ang kilay nito. “Na-miss ko po kayo.” Kapag nandiyan si Tito Gener ay nababawasan kahit papaano ang pangungulila niya sa ama. Parang tatay naman kasi ito sa kanya lalo na kapag wala si Margarette. Pakiramdam niya, malaya siyang maglambing. “Kadarating ko lang at tyempo naman na mukhang labasan na ng eskwela kaya inantabayan kita.” Tutol ito sa ideyang mag-isa siyang nagpupunta sa eskwelahan ngunit katwiran ni Margarette, “she has to adapt.” Noon namang binalak siyang regaluhan ng cellphone, “It will distract her from studies,” ang katwiran naman ni Margarette. “Umuwi na po ang anak ninyo,” imporma niya rito nang magkatabi na sila sa upuan, sa likurang bahagi ng sasakyan. “I know, nagkausap kami sa phone.” Inabot nito ang spot ng isang fastfood chain sa kanya. “Wow! French fries.” Sinunggaban niya kaagad ang pagkain. Naghugas naman siya kanina sa public washstand sa school. “Mana ho pala sa inyo ang anak ninyo, Tito.” “Paanong nagmana?” Nakikikukot na rin ito sa kinakain niyang French fries. “Pareho po kayong matangkad at mukhang matalino.” At saka gwapo. Napatda siya sa naiisip. Gwapo nga naman talaga ito. Wala na yata siyang nakikitang mas popogi pa kay Grant. “So, kumustang studies mo?” “Okay lang po. Masaya po.” At ganado siya sa pag-aaral. Napuno ng masayang kwentuhan ang biyahe nila pauwi. Parang tatay na excited itong makibalita sa kaganapan ng buhay niya. Pansamantala nga niyang nakalimutan ang yamot sa dibdib. Hanggang sa marating nila ang bahay ay todo tawanan sila ngunit ang ngiting nakapagkit sa kanyang mukha ay dagli ring naglaho sa naratnan. Paano ba naman kasi, nasa pool si Grant at may kasamang mga kaibigan. May mga babae pa na ang isa ay halos pumulupot na sa leeg nito at sumayad na ang malalaking dibdib kay Grant. Inis ang nararamdaman niya sa nakita. Nais niyang hablutin si Grant mula sa sexy at magandang babae na kahit teenager lang ay dalagang-dalaga na. Malaki ang hinaharap at 'di tulad sa kanya na maliit lalo at payatot siya. Baby bra nga ang gamit niya hanggang ngayon. Ano ba ‘yan, nakukuha pa niyang pansinin kung anong meron sa iba at kung anong wala siya. “Becca, pumasok ka na muna sa loob at kakausapin ko lang ang anak ko.” Buti pa nga at nang ‘di niya nakikita ang tagpong literal na kinaiinisan niya. “Bakit nakabusangot ka?” si Nanay Rosa na naratnang naghahanda sa kusina. Padabog niyang inilapag ang bag sa countertop at parang hapong naupo sa isa sa mga bar stools. “Nabutlog ho ako, Nanay,” nasabi na lang niya kahit na perfect naman siya sa exams niya sa science. “Nabutlog?” Kumunot ang noo ni Nanay Rosa. Halatang nalilito sa dialect na ginamit niya. “Na-zero ho. Lumagapak, bumagsak,” si Flor na ang sumagot dahil kapwa Bisaya niya rin ito. Siya ay taga-Iligan at ito naman ay taga-Cordova sa Cebu. “Gano’n ba? Na hala sige para mawala 'yang yamot mo ay magbihis ka na muna at kumain pagkatapos. Ang dugyot mo kaya.” Ang rumi nga niya. Paano'y nag-outdoor activity sila sa MAPEH. ‘Di gaya no'ng babae sa labas na sobrang makinis at maputi. Kapag itinabi siya roon baka magmukha siyang uling at basahan. Inubos niya ang champorado at tinatamad na pumanhik sa silid nila ni Flor. Pasalyang binalibag ang bag sa ibabaw ng kutson. Tumalbog pa nga iyon. Saka niya sinimulang hubarin ang MAPEH shirt. Isinunod niya ang jogging pants hanggang sa ang high-waisted na bulaklaking panty na lang at baby bra at puting medyas na lang ang natira. 'Di sinasadyang napalingon siya sa salamin ng aparador. Pinasadahan niya ng tingin ang sarili. Ang liit talaga ng dibdib niya. Wala sa isip na kinuha niya ang panyo sa bulsa ng jogging pants at isinuksok sa baby bra. Umumbok kahit papaano ang harapan. Napangiwi siya. Ang sagwa ng may malaking hinaharap pero payatot naman. “Hayst!” Inis na itinuloy niya ang pagpapalit. Nang makapagbihis ay binalikan niya si Nanay Rosa. Inutusan siya nitong ihatid ang kape para kay Tito Gener na nasa study. Tumalima siya. “Ito namang platter ng chips at inumin magkatulong ninyong dalhin ni Flor sa pool,” muling utos ni Manang pagkabalik niya sa kusina. Ano, makikita na naman niya 'yong babae? Ayaw niya sanang sumunod pero ano bang magagawa niya kung para na rin naman siyang katulong sa set-up niya. Mahigpit na tinutulan ni Margarette ang ideyang iadopt siya. Mas nangingibabaw ang boses nito kesa kay Gener. Isa pa, masyadong nakakahiya kapag 'di siya nakikitulong sa mga gawaing bahay. “Bakit naririto ang mga ‘yon, Manang? Ang iingay nila, eh.” Sobrang ingay. Nangingibabaw pa ang malanding tili ng babaeng iyon. “Sino?” “’Yong mga kaibigan ho ni Señorito Grant.” Hanggang dito sa kusina ay dinig ang ingay. “Kaya nga pinapapunta ni Sir Grant ang mga 'yan para magkaroon naman ng ingay itong bahay. Nakagawian na nila kada weekends noon, at ngayon kapag naririto sa Pilipinas si Sir. Kapag sila-sila lang na mag-anak ang naririto, ang lungkot nitong bahay. Ang tahi-tahimik.” Nauunawaan niya naman maski papaano. Ang ikinaiinis lang talaga niya ay ang babaeng 'yon. ‘Malandi talaga.' “Sige na at nang makapaghanda naman tayo ng hapunan.” Magkaagapay na dinala nila ni Flor ang meryenda sa pool. Ganoon na naman ang inis niya nang makitang tahasan nang humalik sa pisngi ni Grant ang babae at halos magkayakap na sa tubig ang dalawa. Hindi ba ito tinuruan ng tamang asal ng magulang? Ang landi, sa isip niya. Pero ang mas nakakalungkot pa ay di man lang siya pinansin ni Grant. Masyado yatang engrossed sa pakikipaglandian. Buong atensyon nito ay nasa babae at sa mga kaibigan. Nagngingitngit tuloy ang kalooban niya. “Hoy, Becca, tara na.” Saka pa lang siya tuminag nang sikuhin siya ni Flor. Kanina pa pala siya nakatitig kay Grant. Dali-dali siyang tumalikod at nagpatiunang maglakad sa takot na baka pag-isipan siya nito ng masama. “Huwag mong sabihing gusto mo ring makiligo sa kanila.” “’Di, ha. ‘Di naman tayo bagay doon.” Nanulis pa ang nguso niya. “Buti at alam mo.” Hindi naman niya nakakalimutan ang papel niya sa bahay na ito. Araw-araw na ipinapaalala iyon ni Margarette, hindi verbal ngunit sa mga kilos at ekspresyon nito. Isang araw lang siyang naging prinsesa sa pamamahay na ito. A princess for a day, a pauper for the rest of her life, ayon nga sa kasabihan. Halos hatinggabi na nang umuwi ang mga bisita. Buti na lang at pinapasok na siya ni Nanay Rosa para mag-aral, 'di na niya kailangang mag-serve sa mga ito sa hapunan. Pero habang nasa loob ng kwarto ay umuukilkil sa kanyang utak ang ayos ni Grant at nong babae. Bigla-bigla na lang sumusulpot sa imahinasyon habang nagbabasa at nagri-review siya para naman sa pasulit kinabukasan. Kahit noong ipinikit niya ang mga mata upang matulog ay mukha pa rin ni Grant at ng babae ang nakikita niya. ‘Di mangatngat kahit niyugyog na niya ang kanyang ulo. Hayst! Nakakainis lang talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD