3 - Silip

955 Words
It’s nice to be home again. Kahit gusto niya ang Boston iba pa rin talaga ang Pilipinas. It may be chaotic but he loves the vibes of his country. The chaos and disorder always excite him. “So, where to, Grant?” Ang kaibigang si Marcus ang mas pinili niyang sumundo sa kanya sa airport. Bagama’t alam ng mga magulang na darating siya, hindi siya nag-abiso ng eksaktong oras ng pag-uwi. “Sa inyo na lang muna.” Total ay maaga pa naman at wala rin naman siyang mararatnan sa bahay kundi ang mga katulong. Mabuburyong lang siya sa bahay. Isinandal niya ang ulo sa sandalan ng upuan ngunit sa labas nakatuon ang pansin niya. He is looking right at a family. Abalang naglu-load ng mga bagahe ang sa tingin niya’y asawa ng babaeng katabi nito na ubud-tamis na ngumiti sa lalaki. Kalong nito ang isang bata. Ang saya lang tingnan ng mga ito. “Inggit much?” “Gago!” Narinig niya na lang na pumailanlang sa loob ng sasakyan ang maingay na awitin ng Engine Down. Natatawang binuhay ni Marcus ang makina. “So, sa bahay na talaga?” “Kulit.” Ipinatong niya sa dashboard ang dalawang paa at buong bigat na isinandal ang katawan sa upuan. “Ayos, magtatawag ako ng tropa. Pero mamaya hinihintay ka ng parents mo. ‘Yong Ducati mo nga pala, hinanda ko na ‘yon.” Nilingon niya ito at tumaas ang isang bahagi ng bibig at mapaklang napangiti. “Dude, sa tingin mo may mararatnan ako sa bahay maliban sa maids?” Sigurado siya, busy sa mga social gatherings ang ina habang subsob naman sa trabaho sa opisina ang ama. Kaya nga siguro siya pinag-aral sa America upang bawas sa responsibilidad. Kung pwede nga lang ay sa America na lang muna siya o ‘di kaya ay sumama sa tour ng mga kaibigan sa Europe. “Mas mayaman ka pero mas gusto mong tumatambay sa amin.” Totoo ‘yon. Pag-aari ng pamilya niya ang isa sa pinakamalaking construction firm sa bansa. Kaya nga siguro architecture ang kinuha niya dahil nakatanim na sa subconscious niya na balang araw, sa kumpanya ng pamilya siya magtatrabaho. He is the sole heir to that empire. He is the good son he is ought to be. “Ang gulo sa bahay namin. Lalo na ‘yong mga kapatid kong maliliit.” “That’s even better.” At least, kina Marcus ay masaya. Hindi siya nabibingi sa katahimikan. Theirs is a picture of a happy family lalo na sa harap ng mga larawang naka-imprinta sa mga magazines, pero sa likod niyon ay ang hindi niya maunawaang differences ng mga magulang. Hindi vulgar na mga bangayan, walang eskandalosong pagtatalo pero habang lumalaki siya ay nauunawaan niyang may dysfunctional family siya. And his mother, no matter how he adores her, she remains cold. Mas warm pa nga ang ina ni Marcus. Bumuga siya ng malalim na buntunghinga at itinutok sa labas ng bintana ang pansin. Imbes na isaksak sa utak ang mga nangyayari sa bahay ay mas pipiliin niyang ituon niya sa mga kaibigan ang ilang araw na bakasyon. ******* “Minda, pakiligpit ng mesa,” utos ni Margarette sa katulong. Pagkawika non ay umakyat na ito sa itaas. Namamangha siya na hanggang ngayon ay poised pa rin si Margarette kahit alam niyang naiinis na ito. Sinisilip-silip niya ito mula sa kusina. ‘Di niya mapigilang titigan ang kagandahan nito. Parang artista talaga. Napadako ang mga mata niya sa orasang nakasabit sa dingding sa kusina. Alas nueve na. Alas siete daw ang karaniwang dinner sa pamamahay ng mga del Blanco pero dalawang oras na rin kasi silang naghihintay. Ni anino ni Grant ay hindi dumarating. Grabe naman ang Grant na ito. Naatim ba namang paghintayin ang nanay. Siguro nga salbahe rin ito. Pinagkakaabalahan pa naman nilang lutuin lahat ng paborito nito ngunit ni anino ay hindi dumating. Pero sana mabait ito. Mukhang excited kasi ang mga katulong at bukambibig ito sa kwentuhan. “Pagtulungan ninyo ni Flor ang pagliligpit niyan at itsi-tsek ko lang ang silid ni Sir.” “Para namang uuwi talaga yon, ‘no, Flor?” kausap niya ito. Ayaw magpatawag ng ate at tumatanda raw ang pakiramdam nito. Apat na taon din ang agwat nito sa kanya. “Masanay ka na kay Sir Grant. Mas madalas iyon sa labas kasama ng mga kaibigan kesa pumirmi rito sa bahay.” “Bakit naman?” Nakakapagtaka talaga ang mga mayayaman. Ang laki-laki na nga ng bahay, ayaw namang pirmihan. Kung siya ang may bahay na ganito, hindi talaga siya maglalakwatsa. “Gusto niya lang.” Nagkibit-balikat siya. Itinuon ang pansin sa mga nahugasang mga pinggan. Kasalukuyan na niyang tinutuyo ang mga hinugasan habang si Flor ay nagtungo sa likod-bahay nang marinig ang ugong ng papahintong motorsiklo. Sa pakiwari niya ay sa garahe iyon. Bitbit ang dish towel at puting Corell na sumilip siya sa gawing main door. Nakabukas iyon at ilang sandali pa ay ikinahon ang matangkad na lalaki na may malapad na pangangatawan. Naglalakad itong tila walang pakialam sa mundo. Nakatungo ito at tila may binabasa sa cellphone habang bitbit ng kaliwang kamay ang helmet. Hanggang sa tuluyan na itong nakaakyat ng hagdanan ay nakasunod pa rin siya ng titig sa lalaki. Ngayon ay tanging ang malapad nitong likuran ang nakikita, ni hindi man lang niya nasilip ang mukha nito. Nakasuot ito ng hoodie jacket at natatabingan ang mukha. ‘Yon na kaya si Grant? Sayang at ‘di man lang niya nakita ang mukha nito. Naroroon na naman ang excitement na lumukob sa kanyang puso. ‘Di niya maunawaan na basta na lang umigpaw ang puso niya sa kanyang dibdib. Tila ba nagwawala na hindi niya makontrol. Nakapagtataka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD