Late ako nag punta sa school dahil foundation day, si Sam ay maaga pumasok dahil kasama sya sa nag organize sa both ng department namin. Puno ng buhay ang school ngayon ang saya ng bawat students, bukod kasi sa mga pakulo ng bawat department ay may mga guest celebrity na pupunta. Mamayang after party merong lokal boyband na mag pe-perform at kasama doon ang banda nila Marcus. Naglalakad ako sa hallway nang may biglang humarang sa akin, nabigla ako dahil may mag abot ng isang tangkay ng red rose. Tinanggap ko naman ito pero nang pagkaabot sa akin ay umalis din ito agad, tumingin ako sa paligid dahil parang ang weird nito. Nang nakailang hakbang pa ako may sumalubong ulit sa akin at nag abot ulit, hanggang sa sunodsunod na silang nag bigay ng bulaklak. Pagdating ko sa department namin nabigl