Naisipan naming mag grocery ni Sam dahil na ubosan na kami ng stocks sa bahay, napagpasyahan na sa mall nalang kami mamili para makapasyal nadin. Nang matapos kami sa supermarket ay nilagay muna namin sa sasakyan ang mga pinamili at bumalik ulit sa loob ng mall para doon na kumain, titingin din ako kung anong magandang bilhin na pasalubong para sa mga pamangkin ko. Napag usapan na kasi namin ni Marcus na gusto ko syang isama sa pag-uwi sa probinsya, nag agree naman ito at excited din daw syang makilala sila ng personal. Kumain lang kami sa isang fastfood at nag shopping na, habang nag iikot kami bigla nalang akong hinila ni Sam nagtaka naman ako sa kilos nito. " Sam ano ba! saan mo ako dadalhin? " tanong ko sa kanya, tumigil naman ito at may tinuro. Tinignan ko ang direksyon ng kamay nya