Chapter 1 Ghost

1159 Words
"Love speaks thousands of feelings and brings immense joy to both lovers, but when you are broken the definition became the antonyms of what's written from the beginning." Ewan basta yan ang na isipan kong sabihin noong tinanong ako ng professor ko sa English Literature subject namin. Malay ko sa love na yan hindi ko pa naman kasi naranasan ang sabi lang nila na kung gaano ka tindi ang saya kapag inlove ka, pero pag na brokenhearted ka ganun din ang tindi ng sakit nito. Pero kahit ano pa yan gusto ko maranasan ang mainlove at mahalin katulad ng nakita ko sa aking mga magulang. Saksi ako sa kanilang pagmamahalan na kahit maaga nawala si mama ay hindi na nagawang mag asawa pa ni papa dahil ayaw nya palitan sa puso nya si mama. Nag ring na ang bell hudyat na tapos na ang classe namin. Inaayos ko ang mga gamit ko at noong ok na ay lumabas narin ako ng room namin, nasa labas lang nag aabang sa akin ang aking kaibigan, pagkakita nya sa akin ay biglang ngumisi ito nakatingin sa akin. May something sa babaeng ito kaya nagtaka ako at na conscious naman ako bigla sa aking hitsura baka may dumi ako sa aking mukha, napaka mapang-asar pa naman ng isang ito. Tatanoning ko pa sana sya kung may dumi ba ako sa mukha nang may biglang inabot ito sa akin na isang paper bag. Nagtaka naman ako kaya tinanong ko kung para kanino ito. " Para sa akin ba ito? kanino galing? " tanong ko sabay tingin kay April na kaibigan ko. " Galing yan kay Jay..ayeeee..taray mo teh may pasalubong pang nalalaman, dumaan sya dito nahiyang i-abot ng personal sayo nag mamadali na daw kasi sya may praktis pa daw sila sa basketball. Patingin anong laman?" sabay hila saakin para tignan ang laman nito habang nag lalakad kami papuntang gate ng school. " Sayo ba binigay bakit mas excited ka pa sa akin?" " Ito naman na curious lang kung anong binigay nya sayo, at baka chocolate laman sa loob kaya pahinge ako. " sagot nya na may malawak na ngiti, ang kulit talaga ng babaeng ito, pero kahit ganito ang ugali ni April ay magkasangga kami sa kalukohan at kasiyahan. Maituturing syang totoong kaibigan dahil hindi nya ako iniwan at hindi din kami kaylan man nag away, nagkakaintindihan kami halos sa lahat ng bagay marami akong kaibigan pero sya talaga ang maituturing ko na pinaka malapit sa akin. Bunuksan ko na nga ito para tignan ano ba ang nasa loob nito at nakita ko may mga strawberry at ube jam may strawberry na naka cling wrap pa at may keychain na may naka engrave na pangalan ko, napa ngiti ako sa saya dahil sa effort nya. " naku.. naku.. kinikilig ka teh! " inaasar na naman ako ni April, malapit na kami sa gate kaya tumigil muna kami saglit. " Sino naman hindi kikiligin ikaw nga nakiki usyoso lang kinikilig ka nga din.." sabi ko sakanya sabay kurot ng mahina sa tagiliran nya na ikina hagik-gik naman nya. " Oo na! sino namang hindi kikiligin partida di pa talaga sya sayo official na nanliligaw pero ganyan na mga damoves nya sayo..Sana all nalang talaga." napangiti naman ako sa sinabi nya, totoo nga naman di pa talaga sya nanliligaw sa akin pero kinikilig na talaga ako sa mga ginagawa nya. Binigay ko ang isang jam kay April para tigilan na nya ang kakaasar sa akin at naghiwalay na kami para sumakay ng tricycle pa uwi. Kakatapos ko kang gumawa ng assignment namin at naka upo ako ngayon sa study table ko sa kwarto. Nakita ko sa gilid ang bigay ni Jay saakin na keychain ang cute nito may malaking heart ito may nakalagay na Baguio city sa kabila at sa likod naka ukit naman ang aking pangalan at may katabi itong heart pa na maliit. Galing pala sila nga Baguio ng mama nya para bisitahin ang tita nya na maysakit at kakauwi nalang nila kahapon. Masasabi kong si Jay talaga ang ultimate crush ko, ilang besis narin sya nagbibigay ng regalo at cards sa akin, at may mga nakasulat doon na gusto nya ako pero hinihintay ko na sabihin nya ito ng personal sa akin, at kapag nag tapat na sya oramismo walang patumpik-tumpik ay sasagotin ko na sya agad. Ganoon ko sya ka gusto, hindi lang dahil magaling sya sa basketball o dahil matangkad at maputi ito, bunos nalang ang mga iyun kasi ang totoo matalino sya at mabait yun ang mas nagustohan ko sakanya. Di ko na namalayan nakatulog na pala ako, pagkagising ko kinaumagahan kinuha ko ang binigay nyang keychain at sinabit ko ito sa bagpack ko, para pagnagkita kami sa school mamaya ay makita nya na ginamit ko ito. Lumipas na ang ilang araw pero hindi na nag paparamdam si Jay sa akin, nagkita kami saglit pero tinangoan nya lang ako. Nagtataka man ay hinayaan ko nalang hanggang sa tumagal na talaga at sa tuwing nag kikita kami dahil minsan nag pupunta sila sa bahay namin dahil doon sila nag me-meeting about sa laro nila. Hindi sya lumalapit sa akin, ngumingiti lang sya at tumatango, hindi ako makanahap ng tyempo para kausapin sya dahil parang umiiwas sya saakin. Coach nila sa varsity's team ang kuya ko kaya minsan andoon sila sa bahay namin. " My friend di ko na napapansin si Jay, hindi ba kayo nagkikita? " nagkibit balikat lang ako " nakita ko sya noong nag punta sila ng team sa bahay pero nginitian lang nya ako, di na kami nakapag usap kasi busy sila. " pero last three weeks pa yun, nagtataka nga ako mukhang iniiwasan nya ako kasi mostly naman nagkikita talaga kami sa school o nilalapitan nya ako para batiin. " Naku my friend mukhang na ghost ka na..di paman kayo nag uumpisa ay break na agad kayo. " Napaisip naman ako sa sinabi nya, " Satingin mo ganun yun? na realize nya na ayaw na nya ako i-pursue kaya bigla nalang syang di mag paparamdam walang sabi-sabi at biglang maglalaho nalang ng parang bula? " " Eh ano satingin mo ang reason bakit bigla nalang syang di nagparamdam, dati naman kahit may away game sila nag sasabi sya sayo kahit pa walang kayo pero parang boyfriend na nag papaalam sa girlfriend nyan. " Bumontong hininga ako ayaw ko mag overthink pero sa tingin ko may kinalaman dito ang kapatid ko. Ayaw nya kasi mag boyfriend ako, kung ano man ang totoo well, hayaan ko nalang mahirap naman na tanongin ko sya bakit di na sya nag paparamdam, kung sa umpisa palang ay wala naman kaming label na dalawa. Hindi ko na din tinanong pa ang kuya ko baka malaman pa ito ni papa. Nakaka sad man ayaw ko maghabol hahayaan ko nalang baka di talaga kami para sa isat-isa. At si Jay nga ang masasabi ko na isa sa mga what if ko sa buhay..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD