Chapter 2 New Friend

1144 Words
Sabado ngayon kaya nasa bahay lang ako at nagkukulong sa aking kwarto nang biglang may kumatok sa pinto, pagbukas ko si Pamela pala ang aking matalik na kaibigan at kababata nag-aaya itong magmeryenda kami sa labas. Nakatambay kami sa ihaw-ihaw sa kanto malapit lang sa bahay namin kasama ko ang iba pa naming mga kababata at kaibigan, nagkasalubong lang kami sa labas kaya nagka-yayaan na kumain at para magkamustahan nadin dahil matagal narin kaming hindi nagkikita-kita. Nag ku-kwentohan lang kami habang hinihintay ang order namin na maluto, biglang dumating ang isa naming kababata na si Win, lumapit ito saamin at maytinawag ito sa likoran nya. Nagulat naman kami nang lumapit sa table namin ang taong tinatawag nya. Nagpakilala ito sa amin at nakipagkamay pa isa-isa sa amin , " Hello sa inyo ako pala si Jasper Santos , pinsan ako ni Win. " nakangiti nyang sabi. " Naks naman... parang tumatakbo lang ng konsehal ah." pabirong sabi ni Pamela na ikinatawa namin, hindi talaga ito nahihiya sasabihin nya talaga kung ano ang nasa isip nya. " Win pare di mo sinabi na pinsan mo pala ang anak ng vice mayor natin, bigatin ka pala samanatalang water boy kalang dito sa barangay natin. Dito ka pare upo ka samahan mo kami sakto mag memeryenda kami ngayon at nag tuturoan pa kung sino ang magbabayad. " sabi ni Amer, lalo naman umingay ang table namin dahil nag biroan na sila. " Okay lang ba dito umopo? wala bang magagalit? " sabi ni Jasper at tumabi sa akin, narinig naman ito ng mga kasama namin, " Naku walang magagalit sayo, baka sya pa magalit kapag hindi ka sakanya tumabi " pang aasar ni Pamela. Nginitan ko lang si Jasper at tumango hutyat na ok lang na umopo sya sa tabi ko. Dumating na ang inorder namin, pinagdagdagan pa ito ni Jasper at nag paluto ulit. Masaya naman at nabusog ang lahat ang kulit ni Pamela at ni Win, silang dalawa ang ang aasaran tapos sumasabat naman ang iba naming kasama kaya tuwang tuwa naman si Jasper sa closeness namin magkababata. Iba-iba kasi kami ng school pinapasokan, pero pag hindi kami busy at may bakasyon ay lagi kami magkakasama at namamasyal lalo na maligo sa talon at sa dagat. Pinapayagan naman ako ni papa kasi kilala na nya ang mga ito mula pa kasi noong maliliit pa kami ay magkakilala na kami sabay kaming lahat lumaki, kaibigan din ni papa ang mga magulang nila. " Ang sarap nyo naman kasama, walang boring kasi lahat nakaka aliw at madal-dal." sabi ni Jasper sa akin, kami lang nag uusap busy na ang iba sa kanya kanyang mga agenda. " Oo naman masarap yan sila kasama kahit minsan maingay at nag aasaran, solid parin at hindi nagtatampohan. Bakit ka pala na pasyal dito sa lugar namin? " wala akong ibang masabi kaya yun nalang ang tinanong ko sakanya. " May pinabibigay kasi si mommy sa mama ni Win, at meron din kasi akong gusto makita kaya sumama ako kay Win noong sinabi nya magkikita sila ng mga kababata nya. Sakto naman nandito ka kaya di na ako nahirapan pa. " sagot nya na nakatingin mismo sa akin, na conscious naman ako sa titig nya kaya naglihis ako ng tingin ko. Di ko ma gets yung sinabi nya kaya nagtanong ako ulit. " Anong ibig mong sabihin? " " Ano kasi Brianne... pwede ka bang maging kaibigan, at pwede ko ba makuha ang number mo para makapag kwentohan tayo minsan kahit sa text or tawag lang? " sabi nya medyo nahihiya pa sya sabihin yun dahil napakamot sya ng batok nya, natawa naman ako sa kilos nya kaya tumango lang ako at binigay ko yung number ko sa kanya. Sabi ko sa inyo palakaibigan ako eh, may something na akong nararamdaman pero ayaw ko mag assume. Dahil nadin sa na experience ko kay Jay ay hindi na agad ako nag a-assume dahil mahirap umasa. Sinave na nya agad ang number ko, at bumalik na ulit kami sa pakikipag usap sa iba naming kasama sa table, pero visible sa mukha nya na mas masaya sya ngayon na makipag usap sa kanila. Bigla naman may kumalabit sa akin na isang chismosa at nag tanong, " hoi! nakita ko yun napalitan kayo ng number ni Jasper, ano yun crush ka nya? " inirapan ko muna sya bago sinagot " alam mo ang malisyosa mo, sya ang manghingi ng number ko hindi ko kinuha ang number nya at anong crush di ba pwedeng nakikipag kaibigan lang yung tao. '' " Asos.. ganun nadin yun at doon nadin yun papunta. Kaya nanghingi ng number sayo kasi type ka nya, at balak kang ligawan kasi kung pakikipag kaibigan lang pala eh bakit sayo lang nanghingi at sa amin hindi. " inirapan ko ulit sya at di na sumagot . " Basta pag nangligaw sayo sagotin mo ha para may manlibre lagi sa atin ng meryenda " sabi nya sa akin sabay kindat pa. Nakapa talaga ng babaeng ito ginawa pa akong pain para makalibre lang. " Wag muna tayo mag assume friend dahil kilala natin ang lalaking yan marami yang babae nahirap na, baka isama pa tayo sa collection nyan. " napaisip naman sya sa sinabi ko. Nag pasya na kami na umowi na dahil maggagabi na, hinatid nila ako sa bahay namin naglakad lang kami dahil malapit lang naman, sumama din si Jasper sa paghatid ok lang daw sya maglakad dah gusto nya din daw malaman kung nasaan ang bahay namin. Nang nasa tapat na kami ng gate ay nag pasalamat na ako sa kanila at pumasok na ako sa loob. Naghahanda na ako para matulog nang biglang tumonog ang cellphone ko, tinignan ko naman ito at isang Unknown number ang nag appear. " Hi " with smiley face. Hindi ko sana papansinin kasi hindi ko kilala sino ang nag message nang biglang tumonog ulit ito. " Matutulog ka na ba? si Jasper pala ito. Please reply ka naman " " Hello Jasper good evening, nag hahanda palang ako para matulog." reply ko sa kanya. Hindi na namin namalayan ang oras at inabot kami ng ilang oras sa pag te-text. Mag go-goodnight na sana ako nang biglang nag ring. Jasper calling.... Nagdadalawang isip akong sagutin pero baka marinig nila papa ang ingay ng cellphone ko kaya sinagot ko nalang din. " Hello.. bakit ka tumawag? " " Gusto ko kasi marinig boses mo at Itatanong ko lang din sana kung magsisimba ba kayo bukas? napangiti naman ako sa sunabi nya . " Oo magsisimba kami ni ate bukas, bakit mo natanong, magsisimba din ba kayo? " " Oo sasama ako kanila mommy bukas. " " Ganun ba, maganda yan na sasama ka sa mommy at daddy mo bukas na magsimba. " hindi ko na pinahaba ang usapan namin at nag goodbye na ako, inaantok narin kasi ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD