" College acceptance letter? " basa ni papa sa inabot ko na sobre sa kanya, tiningnan nya ako ng may pagtataka bago binasa ang laman ng sulat.
" Congratulations anak natanggap ka sa school na gusto mo, pero ang layo ng manila kaya mo bang magisa doon? "
" Pa, alam nyo na gusto ko talaga doon mag aral, chance ko na ito at isa pa malaki na ako time na rin para matuto akong maging independent. " napaisip sya sa sinabi ko.
" Kung yan talaga ang gusto mo, susuportahan kita basta magaral ka ng mabuti at mag-iingat ka lagi, hindi kami agad agad makakapunta sayo kaya ingatan mo ang sarili mo doon " niyakap ko si papa ang saya ko sa sinabi nya hindi manlang ako nahirapan i-convince pa sya. Tutol pa noong una ang mga kapatid ko malayo daw at baka mahirapan ako, pero dahil pumayag na si papa kaya wala narin silang magawa pa.
Tinutulongan ako ni ate Denise sa panghanda ng mga kaylangan ko, kahit may ilang bwan pa naman pero sinabi nyang mas maigi naang maghanda ng maaga.
Mahal na mahal ko talaga ang family na ito, nandyan sila laging naka alalay sa akin, kahit hesitant sila noong una dahil magaaral ko sa malayo at ako lang magisa pero sinuportahan parin nila ako sa pangarap ko. Mabuti nalang din na nagasawa na ang panganay naming kapatid hindi na sila gaanong mahihirapan kapag nasa manila na ako dahil may mag aaliw sa kanila ang aking cute na cute na pamangkin, spoiled ito kay papa kaya kampante ako na hindi sya masyadong malulungkot.
Nasa school kami ngayon at inaayos na ang clearance namin, naglalakad kami ng kaibigan ko nang may biglang humarang sa amin.
" Brianne can we talk? " si Gregory pala ang aking ex. Pagkatapos ng break-up namin ni Jasper it takes year bago ulit ako nag boyfriend, mabait naman itong si Gregory kaya lang isa rin itong lalaking marupok. Madalas ko itong nahuhuling may kaharotan sa text na mga babae, at habang hindi pa ganoon ka lalim ang aking nararamdaman ay nakipaghiwalay na ako sa kanya.
" May kaylangan ka ba Greg? may gagawin pa kasi kami. " sagot ko,
" Wala naman, kakamustahin lang sana kita at gusto ko rin sanang sabihin sayo na magtitino na ako bigyan mo lang ako ng chance "
tinignan ko sya at nag buntong hininga muna bago nagsalita.
" I'm sorry Gregory pero ayaw ko na talaga, maghanap ka nalang ng iba yung mas bagay sayo. Good luck sa pagiging sundalo mo, I wish you well... Bye! "
pagkasabi ko ay naglakad na kami papalayo sa kanya hindi na ako lumingon pa.
Nauna kaming umalis pa Manila ni ate Denise para mag pa enroll at maghanap ng matitirhan ko. Masyadong mapili si ate at ayaw nya sa mag boardinghouse dahil crowded daw at siksikan, ayaw din nya sa apartment dahil hindi daw ganoon ka secured ang area. Masyadong advance magisip si ate kaya ang naging desisyon namin ay kumoha nalang ng condo, pero noong nag pa enroll kami may nakilala ako at naging kaibigan na si Samantha naghahap din sya ng place kaya napagdesisyonan namin na magshare nalang sa isang unit para may kasama ako sakto naman dahil same course lang kaming dalawa.
Settled na ang lahat kaya lumowas na ang buo kung pamilya para makapag bonding muna kami bago mag start ang klase. Sinulit ko ang ang time kasama sila dahil alam kong matatagalan pa bago ulit kami magkikita, tinignan din nila ang condo na tutuloyan namin maayos naman ito at secured kaya approved kay papa dahil may mga guards at hindi basta basta nagpapapasok ng ibang tao.
Pinamili na nila ako ng mga bagong gamit at iba pang mga ka-kaylanganin ko, pinag i-enroll narin ako ni kuya ng driving lesson para daw sa susunod hindi na ako mag commute dahil kahit taxi ay hindi laging safe. Namasyal pa kami sa tagaytay at pinasyalan din namin ang mga pinsan ni papa na nasa manila nakatira, sinulit talaga nila ang bakasyon.
Nagkaiyakan kami noong pauwi na sila, si ate Denise ay humagol-gol pa talaga hindi kasi sya sanay na malayo kami sa isat-isa, panay sila paalala at mga bilin ng mga dapat kung gawin at paulit-ulit nyang sinasabi sa akin na wag na akong kilos pagong iba na daw kasi ngayon dapat alam ko na paano i-handle ang oras.
Ang bilis lang ng araw at bukas ay 1st day of school na, nakapag ayos na kami ng gamit at may mga subject na magkaklase kami ni Sam kaya ang saya namin.
" Sam ready ka na para sa pasukan bukas? "
" Ako pa ba! reading ready na ako pati mag boy hunting ready na ako.. outfit check nadin ako fir the whole week kaya on the go ako for " nakangising sagot nya na may pataas baba pa ng kilay, taga La Union si Sam malinis sya sa bahay at magaling magluto, masaya syang kausap at kasama, medyo prangka lang magsalita at umiinom din sya kaya may stock na agad kami ng beer sa ref vitamins daw nya ang mga yun sabi nya. Open minded naman ako kaya sa tingin ko ay magkakasundo kaming dalawa.
Maaga kami nagising dahil parehas kaming dalawa excited sa first day of school, orientation pa naman ngayon pero ito talaga ang inaabangan ng mga freshmwn na katulad namin. Wala kaming school uniform kaya lahat ng students at expected na fashionista talaga manamit, ang sabi ni Sam marami daw anak ng mayayaman at mga artista na nag aaral sa school namin. Nag daydream pa na sana ay makahanap sya ng atistang majo-jowa, kahit maka one night stand lang ay ok na daw sa kanya. Napaka talaga ang bibig ng babaeng ito, unti-unti narin akong nasasanay sa kanya parang si Pamela lang sya pero times 3 ang bunga-nga. Tumawa nalang ako sa mga pinagsasabi nya, well anything can happen tignan nalang natin kung meron nga syang ma bibingwit mamaya.
Nasa harapan ako ng salamin at tinitignan ang sarili ko. It's a new journey for me to take, living alone and being independent is a challenge so I will absolutely make this memorable ang fun but of course without causing repercussions in my studies.