" Bri, marami daw pogi sa Engineering department, pasyal tayo sa building nila mamaya "
" Ayaw ko ikaw nalang magpunta, hindi naman ako naghahanap ng pogi mas gusto ko yung faithful. " umirap ito sa sinabi ko, " Arte mo teh!... taasan mo naman standards mo yung babagay naman sa mga mukha natin humanap ka ng pogi at faithful na lalaki yun mas maganda. Pero ang tanong kung makakahanap ka, kasi pogi marami faithful wala na extinct na sila. " natawa ako sa sinabi nya, andito kami sa cafeteria ngayon nakatambay. Nasa cellphone lang ang attention ko nagbabasa ng mga latest trends, napaangat ako ng ulo dahil kinakalabit ako ni Sam. Pag tingin ko sa kanya meron syang tinuro , doon ko lang na realize na may nakatayo palang lalaki sa tabi ko at may hawak itong food tray.
" Hi girls, would you mind sharing your table? " nakangiti nyang tanong sa amin, naka upo kami sa pang apatang table lumingon pa ako sa paligid para tignan kung may bakante ba at puno nga at wala nang bakante, saakin sya nakatingin kaya tumango ako hudyat na pumapayag ako. Umopo agad ang kasama nya at sumonod din naupo ang lalaking nagtanong, saktong magkatapat kaming apat. Tahimik lang kami ni Sam, kanina lang busy sya sa paghahap ng pogi ngayong nasa harapan na nya biglang natahimik ang maingay na babaeng ito.
" Are you freshmens? anong course nyo? " tanong ng lalaking tsinito
" Ah,yes we are IT ang course namin " hindi makabasag pinggang sagot ni Sam may kasamang pa cute pa.
" Oh nice bagong students pala kayo, pwede bang makipag kaibigan sa inyo? third year Engineering students kami ako pala si Miguel at itong pogi na kasama ko si Marcus "
" I'm Samantha at ito namang tahimik ko na kaibigan si Brianne " nakipag shake hands pa talaga si Sam kaya ganun nalang din ang ginawa ko.
" You have a nice name, may I ask kung may boyfriend ka na? " biglang salita ni Marcus nagulat naman ako sa tanong nya, si Sam naman hindi talaga nahiya at sya ang sumagot.
" Ay ang bilis mo naman Marcus, bakit ganyan agad ang tanong mo kay Bri, pero ako na ang sasagot sayo wala syang boyfriend pero wala kanang chance kasi ayaw nya sa pogi gusto nya kasi faithful lang " tumawa ni Miguel at Sam pero seryoso ang mukha ni Marcus, ako naman ay namumula dahil sa hiya.
" Kaya nag tanong si Marcus kasi baka magalit ang mga boyfriend nyo kapag i-invite namin kayo sa sabado may gig kasi kami sa Bistro
baka gusti nyo manuod saamin "
" Talaga ba? member ba kayo ng banda? "
" Yes honey sa guitar ako at sa drums naman si Marcus " namimilog ang mata ni Sam dahil hindi sya makapaniwala at halatang interested kaya halos silang dalawa lang ni Miguel ang nag uusap, sumasabat din minsan si Marcus at ako ay tahimik lang hindi ako maka move on sa pinagusapan kanina.
Nasundan pa ang mga pagkikita namin nila Marcus naging malapit na kami sa kanila. Nanliligaw narin sya sa akin, nag aalangan ako noong una dahil masyadong syang gwapo para maging boyfriend, I mean sikat kasi sila at maraming mga magagandang tagahanga compared to me average lang ang ganda ko, pero everytime sinasabi ko sa kanya ang mga bagay na yan ay nagagalit sya dahil ibang-iba daw ako sa kanila. After months of getting to know each other ay sinagot ko na nga sya it was one of my happiest moment dahil pinakita nya talaga na mahal nya ako, if may mga gig sila nag pupunta kami para manuod at suportahan ang banda nila, our relationship went smoothly and we are happy.
Marami na akong nakilalang mga bagong kaibigan, sa ilang bwan nang pamumuhay magisa ay naka adjust na ako. Nasasanay na ako sa city life at aaminin ko na nahahawa narin ako sa lifestyle nila natuto na akong uminom at manigarilyo pero tikim-tikim lang. Marcus lets me experience new things but only when his around, may pagka possessive nga lang sya hindi ako basta basta nakikipag usap sa ibang mga lalaki dahil seloso sya, dapat alam nya kung nasaan ako at kung sino ang kasama ko. Tatawag sya kapag hindi ako agad nakapag reply sa message nya, pero kahit ganyan ang ugali nya hindi pa kami kaylan man nag away, mga simpleng tampohan lang pero nag kakaayos din naman kami agad. Hindi nya ako matiis kaya madalas talaga sya ang nanunuyo nakikita ko naman na nag i-effort talaga sya sa relasyon namin. Madalas silang tumambay sa condo namin, si Sam at Miguel hindi sila umaamin pero nakikita namin na they do things that only lovers are allowed, they even kissed kahit nasa harapan namin sila, sinasabi nila na they're just enjoying each others company with benefits but without any label, hinahayaan ko lang si Sam sa mga desisyon nya alam ko naman na she knows what she's doing at aware sya sa mga pinaggagawa nya.
Sometimes Marcus and I we make out too, noong una naiilang ako pero dahil mahal ko sya katagalan ay nagustohan ko na din. Hindi pa ako handa na isuko ang aking precious jewel kaya hanggang make outs lang kami, mabuti nalang at naiintindihan nya ako hindi ako pinipilit ni Marcus na gawin namin ang bagay na yun.