LITERAL na natigilan si Alexa nang makauwi siya at makapasok sa villa, at makita ang mag-ama niya na naglalaro sa living room. Magulo ang living room dahil sa mga nagkalat na unan at laruan. “Daddy, you’re the villain!” Axel yelled. “I’ll kill you!” Sinugod ni Axel ang ama nito. Natawa na lang ng mahina si Alexa dahil nakasuot ng kapa ang mag-ama niya habang naghahabulan ang mga ito at nag-e-espadahan. Napailing na lang siya saka tumingin kay Kim na nasa likuran niya. Katulad niya natatawa rin ito pero pinipigilan lang nito ang tawa nito. “Kim, pakisabi sa kusina maghanda na sila ng hapunan.” Bahagyang yumukod si Kim saka pumunta sa kusina. Inilapag ni Alexa ang hawak na handbag sa sofa saka umupo at pinanood ang mag-ama niya. “Hi, sweetheart.” Bati ni Zacchaeus sa asawa. Mabilis niy