“SIR, Miss Mendoza is here.” Imporma ni August kay Zacchaeus. Pinagsiklop niya ang dalawang kamay sa kaniyang harapan. “Anong kailangan niya?” tanong ni Zacchaeus habang patuloy sa ginagawang trabaho. Umiling si August. “Hindi ko ho alam, Sir. Basta ang sinabi niya gusto niya kayong makausap.” Napatigil si Zacchaeus saka tinignan si August. “I don’t have anything to do with her. Wala rin akong appointment sa kaniya. Paalisin mo na lang siya.” Bahagyang yumukod si August saka lumabas sa opisina ng amo. Napailing na lang si Zacchaeus saka nagpatuloy sa trabaho. “I told you I wanted to talk to him!” Tumayo si Zacchaeus saka tinungo ang pinto ng kaniyang opisina. Isinara niya ito para hindi siya madistorbo. Ngunit nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto ng opisina niya, napaatras s