Lumapit si Señora Adelaida kay Sailor na umiiyak pa rin. Lumuhod siya sa harapan nito tsaka pinahid ang luha sa mukha nitong madungis.
"H'wag mong pansinin iyon apo, nabigla lamang yon si Ace pagkakita sayo. Alam mo para hindi kana niya asarin, sama ka kay Nanay Salud mo. Maligo ka, magbihis at pagkatapos kakain na tayo ng pananghalian," nakangiti niyang sabi dito.
"Pero Lola, galit po sa akin iyong bata. Baka po saktan niya po ako katulad po noong mga bata sa may talipapa, sinasampal po nila ako. A-Ayaw ko po masampal kasi m-masakit po yon," umiiyak pa ring wika nito.
"Naku hindi ka sasaktan ni Ace, mabait yon. Kaya halika na, tatawagin ko si Caring para mapaliguan ka," aya naman sa bata ng mayordomang si Salud.
"Talaga po? Sige po maliligo na po ako." masayang pagsang-ayon nito tsaka lumapit na kay Salud at humawak sa kamay nito.
Tumingin sa kanya si Salud, tumango naman siya dito tsaka tumalikod na at nagpasyang sundan ang kaniyang apo.
Samantala.
Inis na nahiga si Ace sa kanyang kama, hindi niya matanggap na napagalitan siya ng kanyang Lola dahil lamang sa mataba at panget na batang iyon. Never pa siya napagsabihan o kahit napagtaasan ng boses ng kanyang Lola pero ngayon naranasan na niya. Pinahid niya ang butil ng luhang di sinasadyang pumatak mula sa kanyang mata. Ayaw niyang umiyak, strong boy siya kaya never siya iiyak. Tama na ang pag-iyak niya noong time na namatay ang kanyang parents mula sa isang car accident. Simula kasi ng mamatay ng sabay ang kanyang Mommy at Daddy ang Lola na niya ang nag-alaga sa kanya at naging sandalan niya palagi.
Ngunit mukhang balak yata ng kanyang Lola na ampunin ang batang pulubi, hindi niya matatanggap iyon. Ayaw niyang may makahati sa atensyon at pagmamahal ng kanyang Lola kaya naman gagawin niya ang lahat para mapaalis ang batang babae sa mansyon.
"Apo, Ace buksan mo ang pinto," narinig niyang tawag ng kanyang Lola. Ayaw niya sana ngunit baka tuluyang magalit sa kanya ang kanyang Lola kaya tumayo siya para buksan ang kanyang pinto.
"Galit ka ba kay Lola apo?" tanong nito.
Umiling naman siya pero hindi nagsalita, tsaka lumakad siya pabalik sa kama at nahiga muli doon, sumunod naman ang kanyang lola.
"Apo, wala ng pamilya si Sailor nakita ko siya doon sa may talipapa na pagala-gala kaya naisipan ko na kupkupin nalang natin siya dito. Delikado sa lansangan lalo pa at isa siyang babae. Tsaka apo, wala na rin siyang mga magulang katulad mo. Hindi ka ba naaawa sa kanya? Aba ay hindi maganda iyon apo, hindi kita tinuruan ng pagiging maramot sa kapwa," pahayag nito.
Medyo nakaramdam siya ng awa para sa bata, mabuti siya naulila man siya may lola at may bahay siyang tinitirhan, may mga ari-arian din ang kanyang mga magulang na naiwan pero ang batang babaeng iyon ay wala, sa kalsada ito nakatira at hindi nakakakain ng maayos.
Sa naisip, bumangon siya sa kama at humarap sa kanyang lola.
"Sorry po Lola, okey lang po na patirahin mo siya dito. Sorry po kung pinaiyak ko siya kanina," hinging paumanhin niya sa kanyang Lola.
"H'wag ka sa akin humingi ng paumanhin, doon kay Sailor," wika nito sa kanya.
Parang nais niyang mapasimangot, hindi niya feel humingi ng sorry sa matabang bata na iyon pero dahil nais ng kanyang lola susundin na lamang niya ito.
"Okey po Lola, nasaan na po ba siya?" tanong niya.
"Marahil nasa dining room na siya. Halika na, alam kong gutom na gutom na ang batang iyon dahil tinapay at juice lang ang pinakain ko sa kanya kanina sa talipapa," sagot ng kanyang lola, likas na mabait talaga ito kahit pa hindi nito kaano-ano tinutulungan.
"Okey po Lola, doon na lang po ako magso-sorry sa kanya kasi po nagugutom na din ako ei," nakangiting wika niya.
"Ay mabuti pa nga, bumili ako ng letchon na paborito mo alam kong magugustuhan mo iyon kaya sinadya ko pa yon sa talipapa," wika din nito.
"Wow! Talaga po?!" masayang tanong niya.
"Yes naman, basta para sa apo kong pinakamamahal ko," nakangiti nitong sabi sabay pisil pa sa kanyang pisngi. Tsaka masaya na silang nagtungo sa dining room.
Pagbungad nila, bigla silang natigilan naabutan nila ang batang mataba na sarap ng kain sa mahabang mesa, kinakamay na nito ang lahat ng pagkain at maging ang letchong binili ng kanyang lola para sa kanya ay linantakan na din nito.
Linapitan ito ng kanyang Lola siya naman ay hindi maipinta ang mukha, ngayon palang siya nakakita ng ganito katakaw kumain na batang katulad niya. Nakangiwi siya habang nakatingin sa batang babae, wala lang itong paki sa tao sa paligid. Sige lang ito ng lantak sa pagkain kahit pa nakamasid dito ang ilang katulong.
"Busog kana ba hija?" nakangiting tanong ng kanyang lola sabay haplos sa buhok ng bata.
Lalo siyang napasimangot ng mapansing damit ni Aling Salud ang suot-suot nito. At dahil sa katabaan nito, kasya na iyon dito.
"Medyo po Lola, ang sarap po nitong letchon! Sa may talipapa nyo po ba ito nabili? Alam nyo po ba na halos maglaway po ako sa amoy ng letchon doon, matagal ko na nga pong pangarap na kumain nito doon kaya lang po wala naman po akong pera lola." nakangiting sagot nito sa kanyang lola habang patuloy sa pagkain.
"Talaga ba apo, ay hayaan mo simula sa araw na ito kapag nais mong kumain ng letchon sabihin mo lang para mapabilhan kita kay Simon," nakangiting wika ng kanyang lola.
"Wow talaga po?!Yeheeyyy, salamat po lola!" masayang wika nito tsaka tumayo mula sa upuan at niyakap ang kanyang lola. Lalo naman siyang napasimangot, kahit kelan hindi niya magugustuhan o makakasundo ang panget at matabang ampon ng kaniyang lola.
Tumingin ito sa kanya pero agad niya itong pinanlakihan ng mga mata, sumiksik naman ito sa kaniyang Lola. Ngunit agad siyang ngumiti kunyari ng lumingon ang kanyang Lola sa gawi niya, ayaw niyang malaman nito na hindi bukal sa loob niya na batiin ang bata.
"Ace come here na, kumain na rin tayo at diba may sasabihin ka pa kay Sailor?" aya ng kanyang lola sa kanya.
Lumapit naman siya sa mga ito habang nakangiti pa rin ng peke.
"Sorry Sailor sa mga sinabi ko kanina,"wika niya na nakapagkit pa rin ang pekeng ngiti sa mga labi. Ngumiti naman ang bata na ikinangiwi niya. Malalaki ang dalawang ngipin nito sa unahan at magkakalayo ang pagitan niyon. Lalo lamang iyong naging dahilan ng pagkadisgusto niya dito. Ngumiti nalang ulit siya dito tsaka umupo na para kumain. Minabuti niyang iba na lamang ang ulamin kahit gustong-gusto niya ang letchon, isipin palang niyang nahawakan na ito ng matabang bata nasusuka na siya, kung bakit naman kasi hindi yata ito marunong gumamit ng serving spoon.
Matapos kumain, inaya sila ng kaniyang Lola na magtungo sa mall para ipag-shopping si Sailor ng mga damit nito. Inis na inis siya, ayaw niya sana sumama ngunit mapilit ang kanyang Lola kaya napilitan na siyang sumama. Isa pang ikinakunot ng kanyang noo ng magtungo sila isang shop na puro school supply ang nadoroon.
"Lola, bakit nandito po tayo?" tanong niya sa kanyang Lola.
"Mamimili tayo apo ng mga gamit sa school ni Sailor, dahil simula bukas papasok na rin siya sa school kasama mo," masayang sagot ng kanyang Lola.
"Mag-aaral din siya? Pero Lola, ayokong kasama siya sa school!" di na siya nakatiis, kahit pa magalit ang kanyang lola ayaw niya talaga itong makasama sa school.
"Apo, diba nag-usap na tayong dalawa?" wika nito sa kanya.
"Opo lola pero akala ko po kasi sa bahay lang siya. Ayoko pong makasama sa iisang school ang matabang iyan!" inis na sabi niya sa kanyang lola.
Nakita naman niyang parang maiiyak na ang batang babae, kung kanina napakasaya nito at halos hindi na nawawala ang ngiti sa mga labi, ngayon nagbabanta ng pumatak ang mga luha nito. Habang nakatingin sa kanya.
"H-H'wag nyo nalang po akong pag-aralin lola, baka po kasi tuluyan ng magalit sa akin si Ace," sumisinghot na pahayag nito.
"No, apo kahit anong mangyari mag- aaral ka!" mariing wika ng kanyang lola. "At ikaw naman Ace, mas makabubuting may makakasama ka sa pagpasok sa school, lalo na kapag wala na ako. Gusto kong tiyakin na magiging m-maayos ka," wika nito na medyo gumaralgal pa ang boses sa huling tinuran.
Nabahala naman siya, inisip niya na naiiyak na ang kanyang lola dahil siguro sa hindi niya pagsang-ayon sa nais nito.
"O-Okey po lola, payag na po ko sa gusto ninyo wag na po kayong umiyak," wika niya dito sabay yakap, hangga't maaari ayaw niyang bigyan ito ng sama ng loob. Umaliwalas naman ang mukha ng bata ngunit pinukol niya ito ng masamang tingin sabay ngisi.
Sa kanyang isipan, hinding-hindi niya hahayaang sumaya ang batang mataba na ito, gagawin niyang kumplikado ang lahat dito para kusa na itong umalis sa poder nilang mag-lola.
ITUTULOY