CHAPTER 25 “So–Are you doing it?” Nakataas ang isang kilay ni Gina habang tinatanong ako, na ikinuwento ko sa kanya na may painting session ako kay Teejay. “Yes, I am doing it, kaya nga isasama kita sa sessions ko,” sagot ko naman habang magkasama kaming nag shopping sa malapit na mall sa condominium unit ko. “Wow–bilib din naman ako sa mapapangasawa mo. Pumayag talaga ha?!” Sarkastikong sabi nya. “Yes he did. Alam mo namang malaki ang tiwala ni Jared kay Teejay, at in fairness, magaling talaga ang mokong,” napa hagikhik kong sabi. “Hay naku Arin. You are playing with fire,” sabi nya na hindi maaliwalas ang mukha. Natigil ang paghahanap ko ng damit na gusto kong bilhin sa rack ng damit sa harapan namin. Lumingon ako sa kanya at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nya. “Bakit nama