CHAPTER 24 Masyado akong distracted ngayong araw na ito. I’ve been looking at my phone every 10 mins, waiting for his call. I missed Jared. Four days na siya sa Germany at limited ang time na nakakatawag s’ya. Pitong oras ang time difference ng Germany and Philippines. 4pm na dito 9am na doon ngayon. He might be on this way to his appointment, as he said last night, they have a real-crazy schedule there. Left and right ang meetings nila at gusto niyang matapos agad. I should not feel this way, but I miss him. Na-mi-miss ko na andito lang siya at araw-araw, nagkikita kami kahit sandali lang. “Arin?!” boses ni Harold ang gumising sa tulog at tuliro kong diwa. Naka upo s’ya sa harapan ng desk ko at pinagmamasdan akong mabuti. “Harold?” Natatawa s’ya, “Kanina pa ako salita ng salita dit