CHAPTER 19 Lumalalim na ang gabi pero sige pa rin kami ng kwentuhan. Ang refreshing cold air sa paligid, sapat para mapaganda ang mood namin pareho. Ang saya lang ibalik ang nakaraan. Halos malapit ng maubos ang isang bote ng wine. Okay lang naman ako sa wine, hindi ako malalasing nito. Siniguro ng papa ko na marunong akong uminom ng alak, kasama daw kasi sa trabaho ang paminsan minsang pag-inom ng alcohol, at kung hindi sanay ang sistema ko dito, delikado sa isang babaeng tulad ko ang alak. Kaya sinanay n’ya akong uminom–social drinking, kahit mapadami pa ng konti, okay pa din ako. May mga gabi noon na nag-iinuman kaming pamilya–si papa, si mama at ako. Bonding na namin iyon pag weekends. It paid off, hindi nga ako madaling malasing. Tipsy, babbly but not drunk–alam ko ang ginagawa ko.