CHAPTER 20 “Teejay. I guess I need to sleep now, I will see you tomorrow.” Pahayag ko na tumayo na ako mula sa couch. Kailangan kong makaalis na dito bago pa may sabihing iba si Teejay na nakakaapekto sa pagkakaibigan namin, gayun na rin sa pagkakaibigan nila ni Jared. Mabuti na lang at hindi na tinuloy pa ni Teejay ang gusto niyang sabihin. Hindi na kaya ng utak ko na tanggapin kung ano pa man iyon. “Alam ni Jared kung gaano ka kahalaga sa akin.” Paulit-ulit na parang sirang plaka na umiikot lang sa utak ko ang mga salitang iyon. Kung ano man ang kasunod hindi ko na gustong malaman. Tama na iyong iisipin ko na lang na mahalaga ako sa kanya dahil magkaibigan kami. Hindi lang siya nakipag-communicate sa akin dahil sa nangyari sa kanya. Walang may gusto ng mga nagdaang pangyayari sa