TRIXIE’s POV Kunot na kunot ang kanyang noo habang nagdidikdik ng mani para sa kare-kare. Ang kulit ng batang ito. Oo bata. Ilang taon na ba ito? 18? 19? 20? Diyos mio. Pagtatawanan ako ng mga kasamahan ko kapag nalaman nilang menor de edad ang nakayari sa akin. Pwede pa akong makasuhan ng corruption of minor. Parang nai-imagine ko na ang sasabihin nila. Anak ng tupa. Ako na kinatatakutan ng mga kapwa ko pulis at ng mga hinahabol kong kriminal ay magiging sunud-sunuran sa isang kabataang MMM - maloko, mayabang, manyak. Ganito na ba ka-wild at kademonyo ang mga kabataang lalaki ngayon? I looked at him again. Kulang na lang ay panggigilan nito ang maning dinidikdik. Concentrated na concentrated sa pagluluto ng kare- kare ang walangyang demonyo. I studied his face. He got that boyish look