Chapter 3

2327 Words
NAKALABAS NA NG MAYNILA SILA MONIQUE NGUNIT 'DI pa rin sinasabi sa kaniya ni Rafael kung saan sila pupunta. Sa hitsura ng bag at mga gamit na dala nila mukhang ilang araw silang magbabakasyon. Ngunit saan naman? Sa Baguio? Pwede din naman. Natigilan siya nang may maalala siya. Agad siyang napatingin sa nobyo na kasalukuyang nagmamaneho. " Hon, ' wag mo sabihing sa amin tayo pupunta?" Tanong niya dito. Ngumiti lang ito sa sinabi niya. Kung gan'un tama nga ang hinala niya. " Bakit sa amin? Bakit tayo pupunta d'un?" Sunod-sunod niyang tanong. Hindi ito ang unang beses na pupunta si Rafael sa Pangasinan kung saan ang probinsiya niya. Nagawi na ito noon sa kanila ng ipakilala niya ito na nobyo niya. At naulit iyon ng magpaalam ito sa mga magulang niya na titira sila sa isang bungbong. Hindi nila agad nakuha ang basbas ng mga ito lalo na't nag-iisa siyang anak ng nanay at tatay niya. Ngunit napatunayan nito ang pagmamahal nito sa kaniya. Kung kaya't pumayag din ang mga ito na magsama sila. "Hon?" Sambit niya dito nang 'di ito sumagot. Ngumiti ito. "Na-miss ko na sina nanay at tatay. Lalo na si kulas." Hindi niya napigilang matawa nang banggitin nito ang pangalan ng alaga nilang kalabaw na si Kulas. " Sigurado akong hahalikan ka niya pagnakita ka niya." Biro niya. " Eki-kiss ko pa siya sa lips,eh, kung gusto mo." " Yuck!" Sabay palo niya sa mukha nito. Humalakhak ito sa ginawa niya. " Nakakadiri ka." " Why? I'm a good kisser and you know that." Kumindat ito sa kaniya. Napapailing na lamang siya sa sinabi nito. Hindi mayaman ang pamilyang pinagmulan niya. Ngunit may malawak silang sakahan at palaisdaan na siyang ikinabubuhay nila. Kung tutuusin, sobra-sobra na iyon sa kanilang mag-anak lalo na't nag-iisa lang naman siyang anak. " Hon?" Napalingon siya dito nang sambitin siya nito. " Hmm?." "Come closer." Ngumiti siya at sinunod ang nais nito. Lumapit siya. Sumandal siya sa balikat nito. " I love you." Lumapad ang ngiti niya. " I love you more." Malambing na tugon niya. Halos umabot ng apat na oras ang binyahe nila bago sila makarating sa kanila. Huminto sila sa tapat ng isang two storey na lumang bahay. Panahon pa ng mga kastila nang itayo ng mga ninuno nila ang bahay na iyon. " Nay!" sigaw niya nang makababa siya ng kotse. Bumaba din si Rafael at lumapit sa kaniya. " Monique, anak!" Isang may edad na babae ang dumungaw sa bintana at kumaway sa kanila sa ibaba. " Saglit lang anak, bababa ako riyan." Nawala ito sa bintana. " Na-miss ko na 'yung ginataang tilapia ni nanay. Pwede ba akong magpaluto n'un?" Bulong nito sa kaniya. " Sabihan mo siya mamaya." Nakangiti niyang tugon. " 'Wag na nga lang. Nakakahiya." Pagbabago ng isip nito. " Nakalimutan mo na ba ang sabi ni tatay?" Nagkatinginan silang dalawa. " Parte ka na ng pamilya, kaya walang dahilan para mahiya ka." Tumango ito at ngumiti sa sinabi niya. " Sige nga, susubukan kong lambingin mamaya si Nanay." "Aba, uunahan mo pa yata ako." Nagkangitian sila. " Mas magaling kaya akong maglambing." Buong kompyansa nitong sabi. Napapailing siyang iniwan ito at nagsimulang humakbang papasok ng bahay. "Anak," Bungad ng Ina niya nang makalabas ito ng bahay. Bakas ang ngiti sa labi nito. " Mano po nay," Kinuha niya ang kamay nito. Pagkatapos ay niyapos siya nito. Dama niya ang pangungulila nito sa kaniya. Matagal na rin nung huling siyang dumalaw dito. " Si Rafael nga pala?" Tanong nito nang umalis ito sa pagyakap sa kaniya. " Nandito po ako, nay." Naglakad ito papalapit sa kanila habang hila-hila nito ang maletang dala nila. " Mano po," Kinuha nito ang kamay ng nanay niya. Nakangiti ito sa binata. " Kaawaan kayo ng Diyos." Tumingin ito sa kaniya. " Biglaan yata itong pagdating niyo?" Tanong nito. " Na-miss na daw po kasi ni Rafael ang ginataang tilapia niyo, nay." Nalipat ang paningin nito sa nobyo niya. " Gan'un ba? Hayaan niyo't pakukunin ko si Emoy sa palaisdaan mamaya ng tilapia." Ang tinutukoy nito ay ang matagal na nilang katiwala. Bata pa lang siya noon, nakatira na ito sa kanila. Wala itong pamilyang mauuwian kaya pinatuloy na lang ng mga magulang niya. Mabait din naman ito at masipag. " Naku, ' wag na po nay. Bukas na lang po, ako na lang po ang mamimingwit. " Pagpepresinta nito. " Sigurado ka riyan hijo?" May pag-aalala sa tinig nito. "Oo naman po. "Ngumiti ito. " Si tatay nga po pala?" Pagtatanong nito. Hindi niya masisisi kung hanapin nito ang itay niya. Ang totoo mas nagiging malapit na nga ito sa Ama niya kaysa sa kaniya. " Nandun sa sakahan. Hayaan niyo at pauwi na rin yun. Pinasabihan ko 'yun kay Emoy na nandito kayo." Hinawakan nito sa braso ang binata. " Hali na kayo sa loob at makapagpahinga." Nakangiti nitong aya sa kanila. Nanguna ito sa paglalakad papasok ng bahay. Nakangiti naman siyang inakbayan ng binata. Masaya siya at tanggap ng mga magulang niya ang binata. Sana dumating ang araw na tanggapin din siya ng pamilya nito. Hindi niya hinihinging mapalapit sa mga ito tulad ng pagkakalapit ni Rafael sa pamilya. Ngunit ang malaman niya lang na okay siya sa mga ito ay sobra-sobra na para sa kaniya. Sana dumating din ang araw na iyon. " Monique!" Nasa ikalawang palapag na sila ng bahay nang marinig niya ang boses ng tatay niya. Napangiti siya. Bababa sana siya ngunit bago niya iyon nagawa nakaakyat na ito. " Tay," Nakangiti siyang lumapit dito. Nagbigayngalang siya dito. " Kaawaan ka ng Diyos, anak." Nginitian niya ito. " Magandang hapon po, tay." Nalipat ang atensyon nito nang lumapit sa kanila si Rafael. Nag-mano din ito sa itay niya. Tuwang-tuwa naman ito nang makita ang binata. " Aba, nandito pala ang gwapo kong manugang." Napangiti silang lahat sa sinabi nito. " Siyempre po. Gwapo din po kayo, eh" Pagbibiro rin nito sa tatay niya. " Oo nga pala 'yung bala ng shot g*n?" Kitang-kita ang pananabik sa mga mata nito. Mahilig mangulekta ng mga bala at b***l ang tatay niya. Maging mga patalim ay kinokolekta din nito. "Nasa bag po. Dalawang box po 'yun." Nakangiti nitong tugon sa Itay niya. "Ang dami naman." " Maganda po yun para mas maraming baboy ramo kayong mahuhuli." Pagbibiro nito. " Wala naman akong nakikitang babay ramo dito mula nung bata ako." Singit niya sa usapan ng mga ito. " Yung baboy ramo na may dalawang paa anak." Pagpapaliwanag nito. " Marami kasing nagkakainteres sa mga pananim natin at sa palaisdaan. Kung magloloko-loko sila lagot sila sa akin." Sabay hampas nito sa dibdib nito. Napapiling na lamang siya. " Mag-iingat po kayo sa paghawak ng b***l, tay. Mabuti po yang alagad ngunit masamang panginoon." Pagpapaalala niya dito. Napapangiti itong umakbay sa kanila. " Manang-mana ka talaga sa Nanay mo, anak." Tumingin ito kay Rafael. " Kaya ikaw hijo, alagaan mo itong unica hija ko." Anito. " Pangako po, Tay. Hinding-hindi ko po siya sasaktan." Labis na tuwa ang naramdaman niya nang marinig ang pangako nito sa itay niya. " Luto na ang camote, hali na kayo sa ibaba." Bungad na aya nito sa kanila nang umakyat ito at madatnan sila. " Camote cue po?" Unang lumapit dito ang kasintahan niya. " Oo ang paborito mo." Nakangiting tugon ng nanay niya. " Wow. Sarap." Inakbayan nito ang ginang. " Mauna na po tayo sa baba." Tumawa ang nanay niya. " Oo sige." Bakas sa mukha ng mga ito ang saya. Sana palaging ganito. " Halatang sabik siya sa pagmamahal ng isang magulang." Napalingon siya sa tatay niya. Tumingin din ito sa kaniya. " Kaya hindi ko siya masisisi kung mas nais niyang dalawin kami dito kaysa sa tunay niyang mga magulang niya." Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa labi niya. " Hindi po niya naranasan ang pagmamahal na pinaramdam niyo sa akin. Kaya nga po, hanggang kaya ko pinupunan ko ang kulang na ' yun sa buhay niya." Lumapit ito sa kaniya. Niyakap siya nito. " Ang sekreto sa magandang pagsasama ay pag-unawa sa bawat isa, tiwala at pagmamahal." Napangiti siya sa payo nito. " Tatandaan ko po 'yun." Nagpalitan sila ng ngiti. " Halika na at baka naubos na yung niluto ng nanay mo." Nakaakbay ito sa kaniya habang nasa beywang naman nito ang kamay niya. Kung magkakapamilya siya balang araw ang pagmamahal at pangaral ng mga magulang niya ang ituturo niya sa magiging anak niya. Nais niyang ipabatid sa mga ito kung gaano kahalaga ang pagmamahal. " ANG DAMI NITONG NAHULI MO, AH." May paghanga sa tinig ng tatay niya nang makita ang mga isdang nabingwit ng binata. " Siyempre po, magaling ang titser ko, eh." Sabay na tumawa ang mga ito. Napapangiti naman sila ng nanay niya habang nakamasid sa dalawa. " Tingnan mo yang dalawang 'yan, hindi mapaghiwalay." Bulong ng nanay niya sa kaniya habang nag-aayos sila ng mga gamit nila sa kubo na malapit sa palaisdaan nila. Dito sila tumatambay kapag nais nilang manghuli at magluto ng preskong isda mula sa fish pond nila. " Hindi po kasi nararanasan ni Rafael ang ganyan sa tuwing kasama niya si Chairman." Narinig niyang bumuntong hininga ang nanay niya. " Kawawa naman. Napakabait niyang bata para pagdamutan ng pagmamahal." Bakas ang lungkot sa tinig nito. " Kaya ikaw anak, kung sakaling magkapamilya ka. Iparamdam mo ang buong pagmamahal mo. Kahit na wala ng matira sa sarili mo. Dahil ang mukha ng isang pamilya ay nahuhubog sa kamay ng isang Ina. Ang ilaw ng tahanan ang magiging batayan ng isang masayang samahan." Napangiti siya. " Tatandaan ko po ' yun nay. Magiging buo at masaya ang magiging pamilya ko tulad ng sa atin." Ngumiti ito at marahang hinagod ang likod niya. " Aba nagdrama itong mag-ina." Hindi nila namalayan ang paglapit ng Tatay niya. Inakbayan silang dalawa ng padre de pamilya nila. " Sinasabi ko lang dito sa anak mo, kung anong dapat niyang gawin kapag nagkapamilya na siya." Pagpapaliwanag nito sa tatay niya. Tumawa ito sa narinig. " Anak, gusto ko maging tulad ka ng nanay mo." Tiningnan nito sa Rafael na nakatayo at nakangiting nakatingin sa kanila. " At tandaan niyo Rafael, kapag may problema hindi dapat nililihim sa isa't-isa." " Opo,Tay." Tugon nito. Tumingin ito sa kaniya at lumapit. " Pwede ko bang hiramin saglit si Monique, Nay?" Nagtataka niya itong tiningnan. " Oo naman." " Salamat po." Hinawakan nito ang kamay niya. Hihilahin sana siya nito ngunit pinigilan niya. " Tutulungan ko pa si Nanay." Dahilan niya. " Sige na anak. Baka may importanteng sasabihin yang si Rafael. Hayaan mo na't nandito naman ang tatay mo." " Sigurado po kayo?" " Oo naman. Kaya na namin ito ng Tatay mo, nandito rin naman si Emoy." Paninigurado nito. " Salamat po, nay. Babalik din po kami agad. Diyan lang po kami sa palaisdaan." Sagot ni Rafael sa nanay niya. Nginitian niya ang mga magulang niya bago sila tumalikod ng nobyo. Inalalayan siya ng binata habang naglalakad sila sa dinugtong-dugtong na kawayang tulay sa gitna ng fish pond. " Anong gagawin natin dito?" Ngumiti ito at huminto. Niyakap siya nito mula sa likuran. "Nakikita mo ba 'yun?" Sabay turo nito sa maburol na bahagi ng lupain ng tatay niya. " Oo. Yan na ang dulo ng lupa namin." " Nagpaalam na ako kay Tatay." Humarap siya dito nang marinig ang sinabi nito. " Anong nagpaalam?" Ngumiti ito. Madiin itong nakatingin sa mga mata niya. " Nagpaalam ako na diyan tayo magtatayo ng bahay kapag kinasal at nagkapamilya na tayo." Nakangiti siya habang nagkasalubong ang kilay niya. " Ano?" Pinisil nito ang dulo ng ilong niya. "Sabi ko diyan sa burol na yan tayo titira." Muli itong tiningnan ang burol. " Gusto ko ' yung maliit lang na bahay na yari sa nipa. Tapos 'yung bubong at sahig gawa sa kawayan. 'Di' ba maganda 'yun, para na ring with aircon 'yun kasi malamig." Bakas ang tuwa sa boses at mukha nito habang nagkekwento. Tumingin ito sa kaniya nang 'di siya sumagot. " Bakit?" Nakangiti nitong tanong. Umiling siya. " W-wala lang." Nginitian niya ito at napatingin sa burol. " Masaya lang ako dahil sa mga sinabi mo." Tumingin siya sa mga mata nito. " Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya. I'm so blessed that I have you." Ngumiti ito at hinimas ang buhok niya. " No, Hon. I'm lucky and blessed to have you." Hinawakan nito ang kamay niya. " Kayo nila Tatay at Nanay. Kayo 'yung yaman na kahit kailan hinding-hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano." Unti-unting namumuo ang butil ng luha sa mga mata niya. Ngumiti ito at pinunasan iyon. " I love you, Miss Monique Mendoza and soon to be Mrs. Rafael Gonzalez." Napangiti siya. " Should I consider it a proposal?" Ngumiti ito at hinagkan ang tingkoy ng kanyang ilong." Magpo-propose muna ako kanila nanay at tatay bago sayo." Hinawakan niya ang pisnge nito. " I love you so much, honey." Aniya. " Mas mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita." Napatawa siya sa sinabi nito. " Ang dami naman n'un." " Ayaw mo n'un? Punong-puno na kasi ang puso ko ng pag-ibig para sayo. IUmaapaw na nga, eh." Pabiro niyang hinampas ito sa dibdib nito. " Puro ka kalokohan." Bahagyang tumaas ang nguso niya. Ngumiti ito. Pagkatapos ay ikinulong siya nito sa mga bisig nito. " I love you more than my self, Hon." Napapikit siya nang marinig 'yun. " I love you, too." Mas humigpit ang yakap nito. " May sasabihin nga pala ako mamaya sa inyo nila nanay at tatay." Bulong nito. Namulat ang mga mata niya dahil d'un. Aalis sana siya sa yakap nito. Ngunit 'di siya nito pinahintulutan. " Ano 'yun?" Tanong niya na lang dito habang yakap siya nito. " Mamaya na. I just want to hug you this way. Don't disturb me." Napangiti siya. Niyakap niya rin ito gaya ng nais nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD