CHAPTER 3

2776 Words
"Miss Cyndi, ikaw na ang next na isasalang sa stage," sabi sa 'kin ng baklang si Alex. "Okay, thank you." Tumingin pa ako sa salamin bago ako lumabas sa silid. Nakasuot na lang ako ng red two-piece bikini dahil magkakaroon ako ng pictorial para sa July edition ng Hotties Magazine. Tatlong buwan na akong magkakasunod na cover model ng kumpanya na 'to dahil na rin sa request ng mga readers nila. Bago pa ako kuhanan ng picture ay hinarang ako ng style list at inaayos ang suot kong bikini. "Kailangan mas expose ang dibdib. Gustong-gusto ng mga kalalakihan ang nakakakita ng dibdib." Hinila niya pataas ang bra ko upang makita ang umbok sa baba. "Nandiyan ba si Geoff?" tanong ko. Si Geoff ang boyfriend ko na isa rin modelo. Model din siya ng mga underwear kaya naman halos hubad na rin siya sa tuwing nagpi-pictorial. Umiling ang style list ko. "Hindi siya sumunod dito." Nakaramdam ako nang lungkot sa sinabi niya. Ilang linggo na kaming hindi nagkikita ni Geoff dahil sa magkahiwalay na project. Ang nakakainis lang. Free time niya ngayon, hindi pa niya ako sinamahan nang magkaroon naman kami ng time sa isa't-isa. Hanggang sa set ay dala-dala ko ang inis kay Geoff kaya nakailang take kami bago namin nakuha ang tamang awra na gusto nila. "Cyndi, what's wrong with you?" Tanong sa 'kin ng producer ko matapos ang shoot. Isang matamis na ngiti ang naging tugon ko sa kanya. "Wala naman medyo pagod at gutom lang ako." "I see… nagpa-deliver na ako ng pagkain." "Thank you." Totoong nakakaramdam ako ng gutom, dahil sa tuwing may pictorial ako ay hindi ako kumakain. Ayoko kasing magkaroon ng konting humps ang tiyan ko. Ngunit mas matindi pa rin ang lungkot ko dahil wala si Geoff. Niligpit ko ang mga gamit ko at inilagay ko sa likod ng kotse ko. May kasama akong driver at PA kaya natulog ako habang nasa biyahe. "Miss. Cyndi! Nagising ako sa boses ng PA ko. Tumingin ako sa kanya. "Why?" "Kanina pa tumutunog ang cellphone n'yo baka lang po importante." Kinuha ko ang phone ko sa loob ng sling bag ko at nakita ko ang pangalan ni Mommy. Nagdadalawang isip akong sagutin ang tawag ni Mommy. "Sagutin n'yo na po." Inirapan ko ang PA ko masyado kasi siyang pakialamera sa desisyon ko. Ayoko sanang sagutin ang tawag ni Mommy. Mula kasi nang mamatay ang Daddy ko hindi na kami nagkaroon ng maayos na pag-uusap. Ang bilis-bilis kasi niyang makalimutan si Daddy samantalang ako ay hindi ko magawang tingnan ang larawan ng Daddy ko dahil bumabalik ang sakit nang mawala siya sa 'min. "Hello." "Anak, how are you? Kanina pa ako tumatawag sa 'yo," masayang bungad ni Mommy. "Bakit ka tumatawag?" "Ilang buwan ka ng hindi umuuwi sa bahay dalawin mo naman ako. Nagluto ako ng paborito mong pagkain ngayon." Bumuntong-hininga ako. "Mom, pauwi pa lang ako galing sa shooting." "Maghihintay ako sa 'yo kahit abutin ako ng madaling araw. May gusto rin akong sabihin sa 'yo." "Hindi ba puwedeng ngayon mo na sabihin?" "Hihintayin na kita ngayon. Ingat ka anak, I love you." Pinutol ko agad ang tawag ni Mommy na wala akong kahit isang sinagot sa huling sinabi niya. Ang laki ng inis ko kay Mommy kaya hindi ko siya magawang kausapin. "Kuya Rodrigo, sa mansyon tayo." "Yes, Ma'am," sagot ng driver. "Paano ako Miss Cyndi?" tanong ng PA ko. "May maaga tayong lakad bukas kaya hindi ka puwedeng umuwi sa inyo." Tumango ang PA ko. "Yes, Miss. Cyndi." Tiningnan ko ang inbox ko. Nagbabakasakali akong may mabasa na text mula kay Geoff. Ngunit kahit isang text wala siya. Hindi rin nag-seen sa mga chat ko mula pa kaninang madaling araw. Humanda talaga 'yan Geoff na 'yan. Hindi na ako nakatulog sa biyahe hanggang sa makarating kami sa mansyon namin. Ang lapad ng ngiti ni Mommy nang salubungin ako. Ako naman ay pilit ay pilit na ngumiti . "Sabi ko na nga ba at hindi mo ako kayang tiisin." Nakangiting sabi ni Mommy. "Kumusta ka na rito?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa kusina. "Okay naman, at masaya naman kahit paano." Sumimangot ako. "Mabuti naman at masaya ka kahit isang taon ng wala si Daddy," panunuya ko. Huminto si Mommy sa pag-aayos ng pagkain saka tumingin sa 'kin. "Hindi naman porket masaya ako ay nakalimutan ko na ang Daddy mo. Masaya na siya sa langit at siguradong hindi siya papayag na mag-isa lang ako sa buhay." Nakakunot ang noo kong tumingin kay Mommy. What do you mean?" Inilagay ni Mommy ang mga plato sa lamesa at sinandukan ako ng pagkain. Halatang binibitin niya ako sa sasabihin niya. "Mom, sabihin mo na ang gusto mong sabihin sa 'kin." Tumingin sa 'kin si Mommy at bumuntong-hininga. "I have a boyfriend." Halos manlisik ang mga mata ko. Nanginginig din ang mga panga ko sa galit. "Gano'n lang kabilis?" Sinikap kong huwag magtaas ng boses sa kanya. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. "Anak, alam mo naman na mahal na mahal ko ang Daddy mo at nalulungkot ako dahil wala na siya." "K-Kaya ka naghanap ng iba dahil nalulungkot ka?" Hindi ko na napigilan ang mga luha kong umagos sa pisngi. "C-Cyndi." "B-Bakit ang dali para sa 'yo na kalimutan ang Daddy ko?" "Hindi ko naman siya kinalimutan siya pa rin ang mahal ko." Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi. "Mahal? Ganyan ba ang ibig sabihin sa 'yo ng pagmamahal?" "Anak… huwag mo naman akong husgahan dahil lang sa nag-boyfriend na agad ako. Hindi mo alam ang totoo." "At ano ang totoo? Paano ko malalaman ang totoo kung hindi mo sa 'kin sasabihin?" Bumuntong-hininga si Mommy. "Lumalamig na ang pagkain. Kumain muna tayo bago natin ituloy ang pinag-uusapan natin." Sinimulan niyang kumain. Pinagmamasdan ko siya habang kumakain. Marami akong gustong sabihin at itanong sa kanya ngunit ayaw akong kausapin ni Mommy. Napilitan akong kumain ng hinanda niyang pagkain. Nang matapos kaming kumain ay hindi na kami nag-usap dalawa. Nagkulong ako sa loob ng kuwarto ko at umiiyak habang yakap ko ang picture frame ni Daddy. Nalulungkot ako para kay Daddy dahil ang dali siyang kinalimutan ni Mommy. "I miss you, Daddy." Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Alas-diyes ako ng umaga nagising at siguradong huli na ako para sa pictorial ko ngayong araw. Gayunpaman, hindi ako nagmadali na kumilos para habulin ang photoshoot. Hindi naman ako ang main model ngayon dahil isa lang ako sa mga substitute model ngayon. Isa akong freelancer model kaya naman malaya akong tumanggap ng iba't-ibang raket. Naligo ako at nagbabad sa bathtub. Na-miss ko ang bathtub ko dahil ilang buwan din akong hindi umuwi sa bahay namin. Naging malungkot na ang bahay mula nang mawala si Daddy. "Cyndi!" tawag ni Mommy sa 'kin. Sumimangot na agad ako nang makita ko si Mommy na masaya na sinalubong ako. Wala akong nagawa kung hindi ang humarap sa kanya kahit naiinis ako. "Kumusta ang tulog mo, anak?" "Mukha ba akong okay?" Hindi ko napigilan magtaray. Sinuklay ni Mommy ang buhok ko. Kahit siguro harap-harapan akong magalit sa kanya ay hindi siya magagalit sa 'kin. "Anak, patawarin mo na ako kung may kasalanan ako sa 'yo." "Nagugutom na ako." Hinawakan niya ang kamay ko. "Nagluto ako ng paborito mong almusal." Gusto kong sabihin kay Mommy na kahit magluto pa siya ng mga paborito kong pagkain ay hindi pa rin mawawala ang inis ko sa ginawa niya. Tahimik akong kumakain. Ayoko na rin magsalita dahil baka kung ano'ng lumabas sa bibig ko. "Nagustuhan mo ba ang niluto kong pagkain?" Bigla akong huminto sa pagkain. Masarap ang luto ni Mommy pero ayokong magbigay ng komento sa luto niya. "Oh, bakit ayaw mo na agad kumain? tanong ni Mommy. Napansin kasi niyang hininto ko na ang kinakain ko. "Nawala na ako ng ganang kumain." "Bakit naman? Gusto mo bang ipagluto kita ng pagkain?" Umiling ako. "Ayoko!" Sabay tayo ko. "Parating na ang boyfriend ko." Huminto ako at tinaas ang kilay kong tumingin sa kay Mommy. "Ano? talagang gusto n'yong makilala ko ang lalaki na pinalit mo kay Daddy?" sarkastiko kong sagot. "Cyndi, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi ko pinagpalit ang Daddy mo." "Really? I scoffed. "Please, give me a chance," pakiusap ni Mommy. Bumuntong-hininga ako. "Tawagin mo na lang ako kung nandiyan ang boyfriend mo." Sabay talikod. "Thank you!" Habol na sigaw ni Mommy. Tinawagan ko ang PA para sabihin sa kanya ang mga lakad namin bukas. Nang malaman kasi niyang hindi kami tuloy ay umuwi na ito ng bahay nila. Nagulat ako sa malakas na busina ng sasakyan. Lumabas ako ng kuwarto para makita kung sino ang dumating. Nakita ako ng isang matandang lalaki na may dalang bouquet na sunflower. "Cyndi!" tawag ni Mommy. Shit! Bakit ba siya tawag nang tawag sa 'kin? Nakataas ang kilay kong tumingin sa kanilang dalaw. "Why?" "Bumaba ka muna diyan para makilala mo ang boyfriend ko." Walang akong nagawa kung hindi ang lumapit sa kanilang dalawa. Nasa harap kami ng hapagkainan tatlo. Hindi lang flowers ang dala nito. May dala rin itong mga pagkain na nakahanda ngayon. Napangiwi ako nang makita ko si Mommy na hinawakan ang braso ng matandang lalaki. "Pagpasensiyahan mo na ang ugali ng anak ko. "It's okay, Love, naiintindihan ko ang anak mo. "Sabay halik niya sa labi ni Mommy. "Nandito ba ako para ipakita sa 'kin na sweet kayo?" Pagtataray ko. "Cyndi! Huwag kang bastos!" Galit na sabi ni Mommy. I rolled my eyes. "Whatever." "Gusto namin sa 'yong sabihin na nagdesisyon kaming magsama bilang mag-asawa dahil plano naming magpakasal," sabi ni Mommy. "No way!" Sabay hampas ko ng malakas sa lamesa. Nanginginig ang panga ko sa sobrang galit. "Matanda na ako at gusto kong may makakasama." "Cyndi, college pa lang kami ng Mommy mo ay kasintahan ko na siya. Naghiwalay kami ng Mommy mo dahil lumipat sila sa Manila ng mga magulang niya. Nang magkita kami ay pareho na kaming may sariling pamilya. Tinanggap namin na hindi na kami magkakatuluyan dahil may sarili na kaming pamilya at mahal namin ang pamilya namin. Nagkaroon lang ulit ng pag-asa nang mamatay ang mga asawa namin pareho. Sana maintindihan mo ang desisyon ng Mommy mo." "Hindi pa rin ako papayag na magpakasal kayo at magsama bilang isang pamilya." mariin kong sagot. "Buo na ang desiyon ko na sasama na ako kay Romano at ipagpapatulog ang buhay na kasama siya at ang pamilya niya. Kung mahal mo ako rerespetuhin mo ang desisyon ko." Tumalikod ako at bumalik sa kuwarto para kunin ang susi ng kotse. Hindi na ako tatagal na kasama silang dalawa. Pinigilan ako ni Mommy na umalis ngunit hindi ako nagpapigil sa kanya. Pumunta ako sa puntod ni Daddy at doon ko binuhos ang sama ng loob ko kay Mommy. "Dad, hindi ka ba minahal ni Mommy? Bakit gano'n siya? Ang bilis ka niyang palitan." Tumutulo ang luha ko habang nakaharap sa puntod ni Daddy. "Dad, Miss na kita." Mahigit isang oras ako sa puntod ni Daddy nang maisipan kong umalis at pumunta sa condo ng boyfriend kong si Geoff. "Babe?" Gulat na gulat siya nang buksan niya ang pinto. Dumiretso ako sa loob at humiga sa malambot niyang sofa. "Gusto kong magpakalasing." Yumuko si Geoff at hinalikan ako sa labi. "May alam akong paraan para mawala ang problema mo." Pinagapang niya ang kamay niya sa loob ng aking suot na damit. Nakatitig ako kay Geoff habang inaalis niya ang suot kong bra. "Geoff… stop," pakiusap ko sa kanya. Matagal na kaming magkasintahan ni Geoff pero hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang ibigay sa kanya ang virginity ko. Madalas foreplay ang ginagawa namin dalawa at kapag hindi nakatiis si Geoff ako ang gumagawa ng paraan para makaraos si Geoff. Hindi nakatiis si Geoff. Tumabi siya sa 'kin at umibabaw siya. Tinaas niya ang damit ko at inalis niya ang bra ko. He bent down, and he sucked my breast. Kagat labi ako habang nilalasap ang pagroromansa ni Geoff. May bahagi ng isip ko ang gusto ng bumigay sa kanya ngunit may bahagi naman na nagtutulak na huwag kong isuko ang sarili ko. "Ohh! Babe, I want you more." he whispered. Hinila ko ang batok ni Geoff at siniil ko siya ng halik. Naging malikot naman ang mga kamay ni Geoff sa isang iglap ay nahubad na niya ang suot kong damit. Pilit niyang hinuhubad ang pantalon ko ngunit pinigilan ko siya. "Why?" inis na tanong ni Geoff. "Not now." "Hindi ka na bata Cyndi. May mga pangangailangan ako na kailangan mong ibigay." Tumango ako sa kanya. Bumangon ako at tinulak ko siya para makahiga siya sa kama. Ito lang ang paraan na kaya kong gawin habang hindi ko pa kayang ibigay sa kanya ang sarili ko. Umibabaw ako sa kanya at hinubad ko ang suot niyang t-shirt at shorts. Sinimulan ko siyang halikan habang ang kamay ko ay nilalaro ang kanyang p*********i. "Ohh!" Tuluyan na niyang nakalimutan ang rants niya sa 'kin. Hinalikan ko ang leeg niya papunta sa gilid ng kanyang tainga habang ang kamay ko ay matuloy na nilalaro ang kanyang sandata. Bumaba ang halik ko sa kanyang dibdib papunta sa kanyang puso. Pagkatapos ay dalawang kamay kong hinawakan ang kanyang sandata then I licked and sucked it. Sa kagustuhan kong makaraos si Geoff ay natuto akong gawin iyon kahit nga sobrang sukang-suka ako sa ginagawa ko. "I'm coming…" Finally narinig ko na sa kanya ang warning sign na 'yon. Inangat ko ang bibig ko at ang kamay ko na ang pinagtrabaho ko. Malagkit na ang kamay ko ngunit mas naging malagkit pa ito nang lumabas ang mainit na likido sa kanyang sandata. Tumakbo ako sa banyo upang maghugas ng kamay. Binuksan ko ang gripo at sumuka ako nang sumuka. "Bakit hindi mo kayang ibigay sa 'kin ang virginity mo?" Sabay simangot niya. Pareho na kaming naligo at nag-toothbrush. "Ikaw, bakit hindi mo ako kayang yayain ng kasal?" balik kong tanong sa kanya. "Alam mo naman na may balak akong maging artista. Hindi makakatulong sa 'kin kapag nalaman nilang may asawa na ako." "Kung kaya mo na akong iharap sa altar, kahit hindi na tayo lumabas ng kuwarto ay okay lang sa 'kin." "Bakit ba nagamamadali kang magpakasal? Pwede naman tayong bumuo ng baby kahit hindi kasal?" "Pwede nga pero ayoko." Nagsindi ng sigarilyo si Geoff. "Ikaw ang bahala kung agaw mo." "Okay, fine." sagot ko. Kapag ganito ang topic namin dalawa hinding-hindi ako nagpapatalo sa kanya. Kaya madalas nagkakatampuhan kaming dalawa. Humugot ako nang buntong-hininga habang nilalagay ko ang mga gamit ko sa maleta. Labag sa loob ko ang ginagawa kong ito. Mula kasi sa araw na ito ay sa mansyon na kami nang boyfriend ni Mommy kami titira kasama ng anak niyang lalaki. Hindi ko pa nakikita ang anak niya at hindi ako interesado na makita ang anak niya. Kung hindi nagkasakit si Mommy ay hindi ako papayag sa gusto niyang pakikipag-live in sa boyfriend niya. "Handa na ba lahat ang mga gamit mo?" Narinig kong sabi ni Mommy. "Not yet," tipid kong sagot. "Sige, hihintay kita sa labas." Pinagpatuloy ko ang pagliligpit ng mga gamit at ang panghuli kong inilagay ay ang picture frame ni Daddy. Binitbit ko ang maleta ko pababa ng hagdan. Tinulungan ako ng driver namin para ilagay sa likod ang mga gamit ko. "Let's go!" excited na sabi ni Mommy. Isang oras ang ginugol namin sa biyahe bago kami nakarating sa mansyon ng boyfriend ni Mommy. "Love, mabuti naman at nakarating na kayo agad. Tamang-tama nandito ang anak kong lalaki." Tumingin sa 'kin ang boyfriend ni Mommy. "Siguradong magkakasundo kayo ng anak ko." Tinaasan ko siya ng kilay bilang sagot sa sinabi niya. Hindi ako interesado na makilala ang anak niya. Dinala ng mga katulong nila ang mga gamit namin sa magiging kuwarto namin sa mansyon nila. "Ito ang magiging kuwarto mo. Katabi lang nito ang kuwarto ng anak ko." Pinagmasdan ko ang buong paligid. Kulay gray at white ang kumbinasyon ng kuwarto ko. Mukhang sinadya nilang ipapintura ang paborito kong kulay. "Maraming salamat." sagot ko. "Daddy!" Sabay kaming lumingo nang marinig namin ang boses na 'yon. "David, pumasok ka sa loob at ipakilala ko sa 'yo ang magiging step sister mo," ani ng boyfriend ni Mommy. Halos hindi ako kumirap nang papalapit sa 'kin si David. Nagsimula ng uminit ang ulo ko sa inis. "Cyndi, siya ang nag-iisa akong anak na lalaki. Si David." David Aragon! Lumapit ako kay David nang halos dalawang dipa na lang ang layo namin at bigla ko siyang simampal ng mag-asawang sampal. "Ouch! f**k!" sigaw niya. Hinila naman ako ni Mommy palapit sa kanya para pinigilan ako sa anumang magagawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD