CHAPTER 4

2248 Words
"Cyndi!" sigaw ni Mommy sa 'kin. Ngunit imbes na pakinggang ko ang sinabi ni Mommy ay pang-asar akong ngumiti kay David. "It's nice to see you again…" Halos lunukin na ako ng tingin ni David habang hawak niya ang pisngi niya. "b***h!" he whispered. Hindi ako nasindak sa sinabi niya. Kinulwelyuhan ko siya at nakipagtitigan sa kanya. Hindi ko pinapansin si Mommy na hinihila ako palayo kay David. "Rude!" Sabay irap ko sa kanya. Tinulak ko siya nang bitawan ko siya at tumalikod ako sa kanya. Wala siyang magawa kung hindi ang patayin ako sa mga tingin niya. Hindi naman niya ako kayang saktan dahil babae ako at nasa harap namin ang magulang namin. "What's wrong with you?" Galit na sabi ni Mommy. Tiningnan ko ang kamay niyang mahigpit ang pagkakahawak sa 'kin mas galit na galit pa siya kaysa kay David. "Why are you angrier than him? Tell me Mommy. Is he your son? “I asked sarcastically. Binitawan ni Mommy ang pagkakahawak sa 'kin. "Cyndi! Mag-uusap tayo mamaya," ani Mommy. Tumalikod ako sa kanilang dalawa at taas noo akong naglakad papunta sa kuwarto ko. "Damn it! Damn it!" sigaw ko, nang isara ko ang pinto ng kuwarto ko. Palabiro talaga ang tadhana dahil sa dami ng lalaking pwedeng maging step brother ko ang hudas at mayabang na si David Aragon pa. Patihaya akong humiga at tumingin sa kisame. Kaya pala pamilyar ang Daddy niya sa 'kin nang ipakilala ni Mommy. "Sisiguraduhin kong hindi sila magiging masaya." Narinig ko ang katulong nila na kumakatok sa pinto ng kuwarto ko. Ngunit hindi ko 'yon pinansin sa halip ay nanood ako ng movie. Nilakasan ko ang sound upang hindi ko marinig ang mga katok nila. Ilang saglit pa ang lumipas ay malakas na katok na ang narinig ko na halos gusto ng gibain ang pintuan. "Bwiset na katulong 'yan!" Tumayo ako para buksan ang pinto. "Bakit ba— Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko dahil bigla akong hinawakan sa leeg ni David at sinandal sa dingding ng kuwarto ko. "Damn it!" Pilit ko siyang tinutulak, pero hindi ko siya kaya, at dahil mas malakas siya kaysa sa 'kin nagawa niya akong isiksik sa dibdib niya. Wala ng space sa 'min dahil halos dikit na dikit na ang mga balat namin. Amoy na amoy ko ang hininga niya at pabango niya. "Bitawan mo ako!" "Thank you so much for welcoming me, and this is mine." Tinaas niya ang dalawang kamay ko at tinukod niya ang kanang kamay niya pagkatapos ay hinalikan niya ako." Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Ilang segundo akong natulala sa ginawa niya. Hindi agad ako nakapag-isip ng tamang gagawin. Shit! What should I do? Huminto si David at tinitigan ako. "Masarapa ba akong humalik?" sabay kindat niya. "F*ck you!" Binitawan niya ako. "Hinihintay ka ni Daddy at Tita, sabay daw tayong kakain ng meryenda." I glared at him. "Hindi ako makikipagplastikan sa inyo!" Inirapan ko siya at humakbang ako palayo sa kanya. "Ay!" sigaw ko. Dalawang hakbang pa lang ang ginagawa ko ay hinila ako ni David at kinarga na parang isang sakong bigas. "Ang tigas ng ulo mo!" Sinuntok-suntok ko siya. "Ibaba mo ako hudas ka!" Ngunit kahit anong gawin kong suntok sa kanya ay hindi niya ako pinakinggan. Kinarga niya ako palabas hanggang makarating kami sa kusina. Nakatingin sa 'min si Mommy at ang Daddy niya. "Look what your son did to me! He forced me to eat with you!" "Dad, Aunt, She sleeps without eating. " "I'm full!" "You're hungry!" "And who are you to know I'm hungry? We're not close." I rolled my eyes. "Tama na 'yan away n'yong dalawa. Kung anuman ang dahilan ng pag-aaway n'yo ay isantabi n'yo na 'yan. Magiging magkapatid na kayo kaya dapat kayo ang magkakampi. "Hindi ko siya kapatid," sagot ko. "Magiging legal na kayong magkapatid soon," ani Mommy. Tinaasan ko ng kilay si Mommy. "Why?" "Magpapakasal na kami, " sabi ni Tito Romano. "No way!" sigaw namin dalawa. Nagkatinginan si Mommy at Tito Romano. Inirapan ko naman si David nang magkatinginan kami. "Bakit ayaw n'yo kaming magpakasal?" tanong ni Tito Romano. "Hindi ko pinangarap na magkaroon ng kapatid na mayabang, manyak at makapal ang mukha. Pinagbigyan na kita Mommy na sumama kay Tito Romano kahit labag sa loob ko. Hindi na ako papayag sa gusto mo," sabi ko kay Mommy. "I agree with her. Ayoko rin siyang maging kapatid. Dad, pinag-usapan na natin ito 'di ba? Walang wedding na magaganap," ani David. Mabuti naman at tumutol ka sa gusto nila. Bumutong-hininga si Mommy at Tito Romano. "Hindi na kami magpapakasal pero sana matanggap n'yo ang isa't-isa bilang magkapatid. Napangiwi ako. Iisipin ko pa lang na magiging kapatid ko si David ay para na akong mamatay sa galit. Tumango kaming dalawa ni David, pero sa isip ko ay gusto kong magreklamo. Dahil katabi ko sa upuan si David nakikita ko sa ilalim ng lamesa ang mga hita niya. Nakaisip ako ng paraan para magalit si David. Dahan-dahan kong kinuha ang juice at tinapat kong nasaan ang hita niya at pagkatapos ay sinadya kong ihulog ito para mabasa ang damit niya. "f**k!" sigaw niya at mabilis na tumayo. "Oh, I'm sorry," sabi ko. Pinunasan ko ng tissue na may nakalagay na ketchup kaya imbes na matuyo siya ay nadumihan pa siya dahil sa ketchup. "Lumayo ka sa 'kin!" galit na sigaw ni David. Nagkibit-balikat ako. "Fine!" Muli kong pinagpatulog ang pagkain. "b***h! anito sabay alis niya. "Ul*l!" sabi ko. Wala akong pakialam kung makita nila ang pag-aaway namin dalawa. Siya naman ang nauna...patago ko na nga siyang inaaway para hindi malaman nila Mommy. Hindi naman niya kinontrol ang galit niya sa 'kin. Papunta pa ako sa kuwarto ko nang makita ko si David na nag-aabang sa 'kin. Nakita niya akong papalapit kaya sinalubong niya ako. Mas lalo ko naman siyang ginalit. Umatras ako at tumakbo palayo sa kanya. Mukhang desidido siyang makaganti sa 'kin dahil hinabol niya ako. Tumakbo ako sa labas hanggang sa makarating ako sa malaking swimming pool nila. Huminto ako at biglang nakaisip ng magandang idea. Tamang-tama hindi pa ako naliligo. Huminto ako sa gilid ng pool dalawang pulgada ang layo sa tubig. Nakita ko si David na galit na galit na lumapit sa 'kin. Sige, lumapit ka sa 'kin. "Cyndi! Cyndi!" sigaw niya. Matamis akong ngumiti sa kanya. "Why?" Halos hindi na mai-drawing ang kilay niyang nakakunot. Hinawakan niya ang kamay ko. "You intentionally poured orange juice on my clothes. " "Why would I do that? He glared at me . “You’re so stubborn. "let me go! I'm hurt!" He stared at my face until his eyes stopped on my lips. He swallowed. I don’t know why my heart is beating so fast. "I won't let you be a sister." I raised my right eyebrow. "I don't want you to be a brother either." "I don't want to be my sister, the woman I want to kiss." My cheeks turn red. "I also don't want to be my brother, the man who insulted me." Hinawakan ko ang braso niya at pagkatapos ay umikot ako paharap sa kanya saka ko siya tinulak sa pool. "f**k!" sigaw niya. Hindi niya ako binitawan kaya pareho kaming bumagsak sa pool dalawa. Nagpanggap akong nawalan ng malay para matakot siya. Kaya kong tumagal sa tubig ng limang minuto kaya aakalain niyang hindi ako kumilos. Lumubog ako at hindi lumangoy. Ilang segundo pa ay sumisid sa ilalim ng pool at hinila ako para umangat kami. Binitbit niya ako hanggang hiniga niya ako sa gilid ng pool. Pinigilan ko ang hininga ko. Naramdaman kong pina-pump niya ako at binuksan ang bibig ko at binigyan ako ng CPR. Balak ko lang siyang takutin para lalong maasar pero bakit ganito ang nangyari? Hindi ko magawang idilat ang mga mata ko dahil natatakot sa magiging reaksyon ni David. "Wake up! Wake up!" Nanginginig ang boses ni David habang kinakausap niya. Napilitan akong imulat ang mga ko. Umiiyak ba siya? Nakita ko kasi si David na may luha ang mga mata. Bigla akong niyakap ni David. "Thank you God, you're safe." he said. Na-guilty ako sa ginawa kong pagpapanggap. Gusto ko man bawiin ay hindi ko magawa dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon niya. "Cyndi!" Sabay pa kaming lumingon ni David. Tinulak ko si David pero hinigpitan niya ang yakap sa 'kin. "Let me go!" Utos ko sa kanya. Ngumisi siya. "Now it's my turn." "Bullshit!" halos sumigaw na ako. Tumayo kaming dalawa ni David nang papalapit na sa 'min si Geoff. Kasama niya ang mga personal Assistant ko. Buong lakas kong tinulak si David. Kaya nabitawan niya ko. Lumapit ako kay Geoff. "Babe!" Kinuyapit ko ang mga kamay ko sa leeg ni Geoff at hinalikan ko siya sa labi. "Sino ang lalaki na 'yan?" Nakasimangot na tanong ni Geoff. "He's my stepbrother." Nakasimangot na tumingin si Geoff kay David. "Bakit kayo magkayakap?" "Nalunok ko ang laway ko, hindi dahil sa tanong ni Geoff. Nanlaki ang mga ko dahil hinubad ni David ang basang damit niya. Hindi lang anim na pandesal ang nakita ko sa katawan niya walong pandesal ang nakita ko. Lumunok ako dahil tila natuyuan ako ng laway. "Cyndi…" Nakasimangot si Geoff nang tumingin ako sa kanya. "Bakit ka ba nandito? Pagalit kong tanong sa kanya. Kailangan kong magpanggap na galit para hindi niya maisip na nakatingin ako sa abs ni David. "Pinuntahan kita sa condo pero wala ka." "I'm sorry, hindi ko sinabi lumipat na kami ng bahay." Hinaplos ni Geoff ang mukha ko at tinitigan niya. "I miss you." "I miss you too." Hinila ko si Geoff sa papunta sa pool at tumalon na kasama siya. Nakasuot na lang ako ng bra at panty. "How do I look?" I asked. Hinaplos ni Geoff ang mukha ko. "You're so sexy and hot." Ipinikit ko ang mga mata ko nang dahan-dahan na inilapit ni Geoff ang mukha niya upang halikan ako. Nang isang pulgada na lang ang layo ay bigla kaming tinalsikan ng tubig. Nakita namin si David na tumalon sa harap namin. Nakasimangot akong tumingin kay David. Sagabal talaga siya sa kaligayahan ko. Alam kong sinadya niya 'yon para hindi matuloy ang tukaan namin ni Geoff. "Don't mind me, ituloy n'yo lang ang tukaan n'yo," sabi niya. Sa tingin ba niya magagawa pa namin ituloy ang maghalikan sa harap niya? Napilitan kaming dalawa na umahon sa pool. Nagbanlaw kami ng katawan at pagkatapos at pinapasok ko sila sa loob ng mansyon para kumain. Hindi kami nakapag-make out dahil hindi hinayaan ni Mommy na papuntahin si Geoff sa kuwarto ko kaya umalis na lang ito. Nasa loob ako ng kuwarto at nang pumasok si David. "Hindi ka ba marunong kumatok?" Pagtataray ko. Umupo siya sa gilid ng kamà ako naman ay tumayo at nameywang sa harapan niya. "Bakit ka nandito?" Tumingin siya sa 'kin. "Hiwalayan mo ang boyfriend mo." "Tss… are you crazy? Why should I do that for you?" "Geoff is not the right man for you." Tumawa ako. "And who do you think is the right man for me?" "Cyndi, I'm concerned with you." "Oh, really?" Yumuko ako at inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Nagtitigan kaming dalawa. "Sinasabi mo lang ba 'yan dahil nagseselos ka?" Kinindatan ko siya. "Hindi ako nagseselos 'wag kang gumawa ng kuwento ko." "Okay." Tumalikod ako at umalis. Dalawang araw kaming hindi nagkita ni David. Naging busy ako sa mga pictorial ko kaya hindi ako umuuwi sa mansyon nila. Nang umuwi naman ako ay wala siya. Si Mommy at Tito Romano ay parang laging bagong kasal. Hindi sila nahihiya na ipakita ang pagiging sweet nila sa isa't-isa. Mag-isa akong naliligo sa pool nang lapitan ako ng katulong. "Senyorita, may naghahanap po kay Sir David." Tumaas ang kilay ko. "Sino?" "Babae siya, ang sabi niya siya raw ang girlfriend." "Sige, papuntahin mo dito." "Okay po, Ma'am." Umahon ako sa pool upang hintayin ang babae na girlfriend ni David. Balak ko silang pag-awayin dalawa. Malayo pa lang ang babae ay natatanaw ko siya. "Who are you?" pataray na tanong niya. Pinagmasdan ko ang babae mula ulo hanggang paa. Mahilig pala si David sa mga morena at maikli ang buhok na babae. Mapanga ito at mahaba ang pilikmata. Sexy siya pero mas sexy ako sa kanya. "Ako yata ang dapat magtanong niyan sa'yo. Bakit mo hinahanap ang asawa ko?" Pataray ko rin na sagot. Halos lunukin niya ako sa galit niya. "Hindi totoo 'yan! Ako lang ang mahal ni David!" "Sinabi pala sa 'yo yan ng asawa ko. Kawawa ka naman. Well, isipin mo kung ano ang gusto mo isipin pero ngayon alam ko na kung sino ang kabit ng asawa ko. May karapatan akong ipakulong kayo." Umatras ang babae. "Sinabi niya na ako lang ang mahal niya." "Gaga! Naniwala ka naman!" Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko ang personal assistant ko. "Yes, Miss. Cyndi," sagot ng PA ko. "Atty. Delrosario, nakita ko na ang kabit ng asawa ko," sabi ko habang nakatingin ako sa babae. "Miss. Cyndi, ano'ng sinasabi n'yo?" "Atty. Magsasampa na ako ng kaso sa kanilang dalawa." Umatras ang babae at tumakbo palayo. Tumawa ako nang malakas nang makaalis ang girlfriend ni David. "Buti nga sa 'yo!" Muli kong pinagpatuloy ang paliligo sa pool. Siguradong mamaya lang ay susugurin ako ni David kapag nagsumbong sa kanya ang girlfriend niya, kaya ngayon pa lang ay magmamadali na akong umalis ng mansyon. Plano ko siyang galitin, at humabol sa 'kin bilang kabayaran sa ginawa niya sa 'kin noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD