Nagising ako ng alas-diyes ng umaga ngunit wala na sa tabi ko si David. Agad kong kinuha ang cellphone baka sakaling may text siya o 'di kaya ay chat sa 'kin. Hindi kasi ugali ni David na gisingin ako kapag aalis siya o 'di kaya ay magluluto sa umaga dahil ayaw niyang magising ako ng sobrang maaga. Ang gusto niya ay mahaba palagi ang tulog. To my wife, I can't wait for you to wake up. I know you were tired last night. See you later. I love you. Hindi ko maiwasan ang ngumiti matapos kong basahin ang text niya sa 'kin. Bumangon ako para gawin ang daily skincare ko. Habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin ay napansin ko ang isang hello kitty na stick note. Nakadikit ito sa salamin. Kinuha ko iyon at binasa. Oh, my gosh! You don't have to look in the mirror because you are still beauti