"Cyndi, bilisan mo magbihis ng damit darating na ang wedding designer mo," sabi sa 'kin ni Mommy bago siya lumabas ng kuwarto ko. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko pagkatapos ay napilitan akong bumangon para maligo at ayusin ang sarili. Alas-nuebe pa lang ng umaga at ang ganitong oras ay masyadong maaga para sa'kin. Ngunit dahil kailangan kong pumili ng isusuot kong wedding dress ay napilitan akong kumilos at gawin ang daily routine ko bago lumabas. Paglabas ko ng kuwarto nakita ko si David na serysong nakikinig sa in-explain ng wedding designer. Lumapit ako sa tabi ni David. "What is that?" tanong ko. Binaling niya sa 'kin ang tingin. "Yum, mabuti naman at gising ka. Ito nga pala si Cedric ang wedding designer na mag-design ng gown mo." Kunot ang noo ko. "Gown?" Ang alam ko kapag civ