"Da-di… Da-di," paulit-ulit kong pinapagaya kay SamSam ang saling Daddy. Dalawang taon na si SamSam ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kayang bigkasin ng malinaw ang saling Daddy, samantalang kaya na niyang bigkasin ng malinaw ang Lolo at Lola. Alas-otso na ng gabi ngunit hindi pa rin natutulog ang anak namin. Nasa loob kami ng kuwarto at binabantayan ko siya. Abala kasi si Cyndi sa paghahanda ng mga kailangan namin bukas. Tumulong din siya sa mga katulong na ihanda ang mga dadalhin pagkain bukas. "Da—di," sagot naman ni SamSam. "Say Daddy." "Didi." Napakamot ako ng ulo dahil hindi pa rin kayang bigkasin ang salitang Daddy. Niyakap ko siya at pinugpog ng halik "Hindi mo ba love si Daddy?" Nakatingin naman siya sa akin at hinawakan niya ang mukha ko. "Daddy… Daddy." Tumawa