Pinagmasdan ko si David at Samsam na mahimbing na natutulog sa kama. Pagod na pagod silang dalawa dahil sa paglalaro. Nang matapos kaming maligo sa dagat ay nakipaglaro pa si David sa anak namin kaya sabay silang nakatulog. Isa-isa ko silang hinalikan sa pisngi bago ako lumabas ng kuwarto para uminom ng kape. Alas-otso pa lang ng gabi at gising pa ang kasambahay namin. Pagdating ko sa kusina ay nakita ko si Mommy at Daddy na seryosong nag-uusap. "Cyndi, " tawag sa akin ni Mommy nang mapansin nila akong nakatayo. Ngumiti ako sa kanila nang lumapit ako. "Magtitimpla lang ako ng kape." "Hindi ka makakatulog sa kape," sabi ni Mommy. Sa halip na sumunod ako sa kanila ay na nagtimpla pa rin ako ng kape. "Kahit naman uminom ako ng kape ay nakakatulog pa rin naman ako basta inaantok ako. N