Chapter- 1

2535 Words
KYLE POV. LUMAKI ako sa kalye, at sa batang edad ko ay sanay na akong mangalakal. Wala akong kinagisnang magulang kundi ang kaisa-isa kong Lola, na isang bulag. Ganun pa man ay sinisikap kong makapag-aral, dahil libre naman sa pang publikong eskwelahan. Minsan nagagawa ko rin ang mangdugas sa kapwa ko dahil sa hirap ng buhay. Hanggang nag binata ako at nasanay na sa gulo ng kapaligiran. Isang araw ay nasali ako sa rayot at hindi sinasadya ay nasaksak ako. Ang akala ko ay katapusan ko na ng mga oras na iyon ngunit nakaligtas pa rin ako. Hanggang maka graduate ako ng high school. Sinubukan kong kumuha ng exam sa isang pamantasan at nagbabakasakali na makapasa sa mataas na pagsusulit. At hindi naman ako nabigo, sa katunayan ay mataas pa ang score na nakuha ko kaya nagpasya akong kumuha ng kursong criminology. Ako si Kyle Anderson Parker, edad 28 years old, anak sa labas ng isang bilyonaryong si JB Montemayor. At kailanman ay hindi ko pa nakikita ang aking tunay na ama. Ang aking ina naman ay umalis noong sanggol pa lamang ako at hindi na raw nakabalik magmula ng nakipagsapalaran ito sa ibang bansa. - Ang kasalukuyan…. “Parker! Pinapatawag ka ni hepe, sabi ko naman sayo ay hindi pwede ang kayabangan mo rito sa headquarters. Kabago bago mo ay ang angas mo kaya yan ang napapala mo,siguradong masasabon ka roon!” “Hindi ako mayabang sadyang wala ka lang kakayahang gawin ang tungkulin mo dahil sa pera.” “Hoy! Wala kang katibayan sa pinagsasabi mo Parker! Baka kasuhan kita sa pagbibintang mo!” “Eh, kasuhan mo ako! Puro ka lang naman salita!” “Aba’t!” “Ano yan Valdez? Ang aga aga ay mainit ang ulo mo?” “Paano hindi iinit ang ulo ko diyan kay Parker! Kabago bago rito ay napaka yabang!” “Pagpasensyahan mo na iyon kusa, ginawa lang siguro n'on ang trabaho niya.” “Alam mo Montereal kung hindi lang dahil sayo ay may kalalagyan ang kayabangan ng kaibigan mo!” “Huwag gano’n dahil kapwa pulis natin iyon, hayaan mo at pagsasabihan ko.” Samantala ay namataan kong palabas ng building ang kaibigan ko kaya’t malakas na nag busina ako para tawagin ito. At sinagot naman ako nito ng kaway na agad ding lumapit at mabilis na sumakay sa aking jep. “Galit sayo si Valdez, ano ba ang ginawa mo roon at malaki ang galit sayo?” “Sinupalpal ko yan pare, masyadong natapalan na ng pera ang pagmumukha kaya kahit maling gawain ay pinasok. Dapat hindi na siya nag pulis eh, nadadamay tuloy tayong mababait.” Natawa sa akin ang kaibigan ko dahil sa sinabi ko. "Mabait raw eh napaka terror kaya nating dalawa." “Tama lang naman yon, tara pare magpalipas muna tayo ng oras?” “Sure, saan tayo?” “Aba syempre doon sa may mahihimas tayo.” “Manyak ka talaga, bagay nga sayo ang isang pulis masyadong patulis.” Malakas akong natawa sa tinuran ng kaibigan ko sabagay totoo naman yon at aminado ako. Wala eh hilig ko na talaga ang mga babae, iyon lang naman ang pang pawala ng aking stress at problema. Kasalukuyan kaming nagtatawanan nang biglang nag pugak pugak ang makina ng aking pinakamamahal na jeep. Hinampas ko ang manibela sa inis, ngayon pa talaga tumirik kung kailan nasa highway na kami. Kaya’t napilitan kaming bumabang dalawa at sinilip ang makina. “Ganito na lang pare ako ang magmamaneho at itulak mo baka aandar pa ito ng hindi na tayo maantala.” “Aba'y bakit ako? Ikaw ang may-ari ng jeep kaya ikaw ang magtulak at ako roon sa manibela.” “Sige na nga!” Agad akong nag pwesto sa likurang bahagi ng aking jeep at nang magbigay ng signal ang kaibigan ko ay malakas kong itinulak ang kikuran ng jeep. Subalit pawisan na ako ay hindi pa rin umaandar kaya napilitang igilid na lang namin ang sasakyan. “Kung bakit naman hindi mo pa ito ipadala sa junk shop pare?” “What? Aba pare huwag kang magsalita ng ganyan, alam mo namang mahal na mahal ko ang sasakyan kong ito.” “Mahal mo nga pero hindi ka naman mahal, tingnan mo nga at pinahamak pa tayong dalawa at dito pa talaga sa highway. Ganito na lang pare, mag taxi na lang ako at tatawag na rin ng mekaniko kaya maghintay ka muna rito.” “Ano? Iiwanan mo ako dito na mag isa?” “Oh, eh ‘di iwan na natin ang jeep mo saka tayo tumawag ng mag aayos niyan?” “Ay! ‘Di ko ito iiwan pari, baka pagbalik natin ay kalansay na ito, or baka mahila pa ito at matuloy ng madala sa junk shop.” Nang may biglang dumaan na taxi ay agad na pinara iyon at sumakay agad ang kaibigan ko. Talagang iniwan niya ako sa ganitong kalagayan. Gusto ko siyang habulin ngunit agad na nakalayo. Kaya napa kamot na lang ako ng ulo habang nakatanaw sa palayong kaibigan, mabuti at nakapag palit pala ako ng damit. Kung nagkataon ay naka uniporme pang suot sa gilid ng highway. Nagpalinga linga ako sa paligid at naghahanap ng pinakamalapit na maaari kong mabilhan ng maiinom dahil mainit. Isang nagtutulak ng kariton ang aking natanaw na may mga sakay na buko kaya’t pinayapayan ko ito. Subalit suminyas na hindi daw pwede kaya napilitan akong lumapit dito. “Pasensya na bossing bawal ho ako doon dahil may cctv at sigurado matitikitan ako.” “Ah, okay ayos lang ho, paki bigyan mo na lang ako ng isang basong malamig na buko.” “Ano po ba ang nangyari sa sasakyan mo?” “Biglang tumirik manong at iyong kasama ko ay tumatawag na ng mekaniko.” “Maari ko hong tingnan kung papayag ka? May kaunting alam ako sa pag aayos ng makina.” “Sige nga at baka mapapaandar mo, tara na manong.” “Naku! Bawal nga po ang kariton ko doon, baka mahuli ako ng pulis ay malaki ang babayaran ko para matubos ito.” “Huwag kang mag alala akong bahala,” ngunit atubiling sumunod ang lalaki kaya’t napilitan akong ilabas ang aking ID. “Pulis ka pala sir, pasensya na hindi ka kasi nagpakilala agad, tara na bossing.” At walang pang sampung minuto ay umaandar na ang aking jeep kaya naman lubos ang naging pasasalamat ko sa magbubuko kaya’t aking inabutan ito ng isang libo. “Naku! Sir masyadong malaki ito, kahit tatlong daan lang ay ayos na para may pang puhunan ako bukas.” “Sayo na yan manong, at maraming salamat ho.” “Maraming salamat bossing, tumanda na ako ng ganitong edad ay ikaw pa lang ang pulis na nakilala kong may mababang loob.” “Walang anuman manong, mag ingat po kayo at salamat ulit.” Kumaway pa ako sa matanda bago pinasibad ang aking jeep. At tinawagan ang kaibigan para ipaalam na huwag nang magdala ng mekaniko. Kinabukasan ay malakas ang bulongan sa biglaang pagkawala raw ni Montereal. Naalarma agad ako dahil kahapon lang ay magkasama pa kami. Kaya sinubukan kong tawagan ito ngunit out of coverage ang linya ng kaibigan ko. Samantalang nakausap ko pa siya bago ako umuwi ng bahay, ibig sabihin ay gabi ito nawala? Agad akong nagtungo sa opisina ni hepe at napag alaman kong kompermadong na missing nga ito. Nakaramdam agad ako ng kirot sa dibdib at kalungkutan, ito lang ang kaisa isang pulis na naging kaibigan ko magmula ng madistino ako sa lugar na iyon. “Ngayon ay wala na ang kaibigan mo Parker! Siguro naman ay maging mabait ka na dito sa headquarters?” Sa halip na sumagot ay tuloy tuloy lang akong naglalakad patungo sa loob ng building. Hindi ko sasayangin ang panahon ko na makipag-usap sa mga nonsense na tao. May mas mahalaga akong dapat gawin, palihim akong mag-iimbestiga kung sino ang sangkot sa loob dahil sa aking pagkakaalam ay walang kaaway ang kaibigan ko. Kaya’t sino ang nasa likod ng biglaang pagkawala nito? Aminado akong terror na pulis ito na kagaya ko ngunit maingat at walang naagrabyadong kahit sino. Pag napatunayan kong may taong kasabwat sa loob ay hindi ako mangingiming ilagay ang batas sa aking mga kamay. Ngunit lumipas ang mga araw ay walang nakuhang kahit isang lead kung nasaan ang aking matalik na kaibigan. “Parker! Pinapatawag ka ni hepe!” “Bakit raw?” “Aba iwan ko, bakit hindi ka na lang magtungo roon ng malaman mo?” Sasagot na sana ako ngunit wala na ang kasamahang pulis, isa pa ang isang ito parang may lihim na galit sa akin kung maka sagot ay pabalang. Pagpasok ko sa loob ay natigilan ako sa paghakbang dahil naroon ang General. Kaya ang ginawa ko ay kumatok na muna ng isang beses para makuha ang attention ng mga ito. “Parker, wala ka bang ibang alam na maaaring pinuntahan ni Montereal? Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan kayong dalawa?” “Hanggang ngayon ay wala pa ho akong lead na nakukuha, kahit sa mga lugar na maaaring puntahan niya ay clear ang lahat ng mga cctv.” “Malakas ang pakiramdam kung walang nangyaring masama kay Montereal, i give him three weeks at pag hindi pa nag report ay awol na siya.” “Sir, permission to leave?” “Go!” Eksaktong isang buwan nang biglang nagpakita ang aking kaibigan at tila okay naman ang aura nito. “Lanya ka pare, saan ka naman nag suot at bigla ka na lang nawala? Galit na galit sayo si heneral at ang sabi ay fired ka na raw!” “Ay, kung ganun pala ay kukunin ko lang ang mga gamit ko.” “Ano? Gano’n lang ‘yon? at hindi ka man lang magpa paliwanag sa kanila?" “Para saan ay sesante na nga ako, saka marami namang kumukuha ng serbisyo ko.” “Saan ka naman lilipat pare? At doon rin ako apply.” “Ano? Kaya ka napagkamalang bakla ay sunod ka ng sunod sa akin.” “Aba! Alam mong lalaking lalaki ako pare?” “Pare mag ingat ka rito, habaan mo ng konti ang iyong pasensya, ayaw kong malaman na may nangyari sayong masama.” “Huwag mo akong isipin pare, kayang kaya ko ito.” “Syempre naman, so paano alis na ako see you when i see you.” Pa-pilosopo niyang sagot sa akin. Nakaramdam ako ng lungkot ng mawala na sa paningin ang kaibigan. Isang umaga kararating ko lang sa headquarters ng biglang may nanapak sa akin at dahil hindi nakapag ready ay sapol ako sa panga. Hindi naman masyadong malakas iyon ngunit susundan pa sana ng isa kaya mabilis na ilagan ko iyon. “Tarantado ka! Bakit ka nanakit?” “Gago ka! Anong sinumbong mo kay hepe at nasabon ako ng maaga?” “Bakit may dapat ba akong sabihin kay hepe? Nasaan ang katibayan mo sa sinasabi mo?” Ngunit hindi ako sinagot nito kaya tinalikuran ko na lang at nagpatuloy sa paglalakad, subalit kasa ng baril ang nagpatigil sa aking paghakbang. “Pag nagkasa ka at tinutok mo ay dapat pinuputok mo, ulol!” isang mabilis na move ay na release ko ang mga bala at nalaglag iyon sa sahig. Saka ko malakas na sinapak ito ngunit sa aking pag lingon ay nasa likuran ko ang hepe at galit na sinabihan akong sumunod sa opisina nito. Mukhang na setup ako ng mga tarantado, bahala na pag tinanggal nila ako sa serbisyo ay babalikan ko ang gagong Valdez na ‘yon. “Ilagay mo ang kapa at baril mo, suspended ka ng isang linggo!” Walang imik na nilagay ko sa harapan nito ang lahat ng gamit at mabilis na umalis. Ngunit galit na sinigawan ako nito kaya agad na tumigil ako sa paglalakad ngunit nanatiling nakatalikod. “Wala ka talagang modo!” “Sabi mo suspended ako SIR?” kaya aalis na ako dahil wala naman akong sasabihin.” at mabilis kong hinila ang pintuan at tuloy tuloy na umalis. Nadaanan ko ang ilang pulis na nakangisi at pa insultong nakatingin sa akin. Kaya sa halip na lampasan ay umikot akong pabalik dahil namataan ko si Valdez. Nabigla ang lahat ng malakas kong suntokin ito sa mukha at bagsak sa sahig. Bubunot pa sana ng baril ang alipores nito ng mabilis kong paliparin ang sipa sa bawat isa at tumilapon ang mga baril na hawak nila. “Ikaw Valdez! Hindi pa tayo tapos!” At tuloy tuloy na sumakay sa aking jeep. Matapos ang pangyayaring iyon ay tuluyan na akong nag awol sa serbisyo. Hindi ko na rin kayang sikmurain ang harapang ginagawa na ilegal ng hepe amin at mga kapwa pulis ko. Halos isang taon na rin akong walang permanenteng trabaho at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin na hahanap ang aking kapatid. Ngunit ayaw ko pa ring sumuko, kaya kahit sobra na ang pagod ko ay dumaan lang sa bahay at nilagay ang damit sa backpack ko, dahil may lalakarin ako. Sana lang abutan ko doon ang aking pakay, hinawakan ang suot na kwintas. Ang bagay na iyon lang ang tanging palatandaan ko para mahanap ang aking kapatid. Kahit saan pa ako mapadpad ay tutuparin ko ang aking pangako sa namayapa kong Ina. Once na nakita ko ang aking half sister ay alagaan, po-protektahan at paka mamahalin ko siya. Barrio, San Quintin ay isang liblib na lugar at ayon sa kaibigan kong si Lexus na kamakailan lang ay may dalaga raw roon na napadpad. Pupuntahan ko ang kugar at mag bakasakali akong iyon ang nawawala kong kapatid, bitbit ang bag na lumabas ng pintuan. Subalit nakatayo roon ang aking kaibigan at tila hinihintay ako nito. “Kumusta pare? Tagal na nating hindi nagkita, saan ka pupunta ngayon? I mean anong pinagkakaabalahan mo?” “Halika pasok ka muna at dito na tayo mag kwentohan, ano gusto mo bang uminom?” “Saan ka pupunta at may bag kang dala?” “Ah, may pupuntahan nga ako pare, halika samahan mo ako.” “Saan naman? Wrong timing yata, kaya nga ako narito ay isasama kita sa isang mission.” “Naku! Matagal na akong umalis sa serbisyo pare, halos magkasunod lang rin tayo. Saka may mahalaga akong lalakarin, kung gusto mo samahan mo muna ako at pagkatapos nito ay doon tayo sa sinasabi mo.” “Saan ba at sino ang pupuntahan natin?” “Barrio, San Quintin pare dahil sabi ng isang kaibigan ko ay may namataan raw doon na bagong salta na dalaga.” “Tangna! Hindi ka pa rin nagbabago, napakahilig mo talaga sa babae.” “Gago! May importante akong hinahanap, ano sasama ka ba?” “Sige sasama ako dahil doon rin ang punta ko.” “Oh, eh ‘di ayos pala at iisang route tayo.” “Huwag mong sabihin na sa jeep mo na naman tayo sasakay?” “Natural! Bakit may sasakyan ka na ba?” “Wala!” “Yon naman pala eh, wala tayong pagpipilian, let’s go!” “Naaamoy ko na ang pag tirik natin pare,” saka malakas pang tumawa na tila nang-aasar pa ang kaibigan. 2535/5000
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD