Chapter- II

1419 Words
ZOEY POV. NAIA… “Welcome back Dra. Zoey,” na-imagine ko na ang sasabihin ng aking kaibigan pag nagkita kami mamaya sa arrival area. At habang nakatayo ako at hinihintay ang aking mga maleta ay hindi ko maiwasan ang mapangiti. Kung may makakakita sa akin na kilala ako ay siguradong mapapag kamalan akong baliw. Sobra yata ang lapad ng aking ngiti, hump! Pakialam ba nila eh masaya ako eh. Nang makuha ko ang dalawang bagahe ko ay lumabas na ako ng arrival. “Best Friend! Welcome back! Oh my God, isa ka ng Doktora ngayon. Inferness mas lalo kang gumanda, siguradong magkandarapa na siya sayo pag nakita ka.” sa haba ng sinabi ng aking best friend ay natawa na lang ako. Dahil mali ang inaakala kong sasabihin nito. “Humn… O.A mo, parang hindi naman ako nagbago. Ganun pa rin naman ako ah, ikaw kumusta ka naman?” “Ito, hanggang ngayon wala pa ring nakikitang gwapo. Kaya single and available pa rin huh!” “Bakit naman parang sobrang disappointed ka?” “Kasi naman siguradong hindi magtatagal at mag-aasawa ka na. Dahil nakakasiguro akong hindi ka na bibitawan ng lalaking iyon pag nakita ka niya.” “Paano pala kung may asawa na siya.” hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa aking bibig. “Bakit wala ka bang balita sa lalaking ‘yon?” “Wala eh, ang tanging alaala lang niya sa akin ay itong bracelet ko." “Hanggang ngayon suot mo pa rin yan?" "Oo naman, ito lang ang bagay na pinanghahawakan ko. Noong ibigay niya ito sa akin maliit pa lang kami at nangako ako sa kanya na siya lang ang lalaking pakakasalan ko. Kaya nga pinadugtungan ko ang tali nito upang magkasya sa akin." "Paano yan saan mo kaya siya hahanapin ngayon?” “Ewan ko, wala akong idea." nakaramdam ako ng sobrang lungkot. Ang isipin na hindi kami magkikita at baka may girl friend o maaaring nag-asawa na ang lalaking itinatangi ay nagpapasakit sa aking dibdib. "Sabagay may kasabihan, kung talagang kayo ang itinakda ay pagtatagpuin pa rin kayo ng tadhana." pampalubag loob na pahayag ng aking kaibigan. ".... halika na ihahatid na kita sa bago mong bahay. Kung bakit kasi ayaw mong sa amin na lang mag stay. Lagi namang nasa ibang bansa ang parents ko at kami lang ni Kuya ang naiiwan sa amin." "Huwag na, mas mabuti nang ganito. Saka magkaiba tayo ng trabaho at siguradong maiisturbo lang ang isa sa atin sa ingay natin pareho." Nakangiti kong pahayag sa kanya. Ayaw ko rin isipin niya na umiiwas ako at baka magtampo pa ito sa akin. "Saan ospital ka dito sa Pilipinas, last na nag-usap tayo sabi mo ay may nag hire sayo dito na malaking ospital?" "Sa Philippine Heart Center, kailangan nila ng surgeon maraming heart transplant na naka schedule. Supposed to be by next month pa ako dapat uuwi. Pero nakiusap ang head dahil kailangan na nila." "So, bukas papasok ka na agad?" "Hindi pa baka sa susunod na araw pero kailangan kong mag report na bukas ng umaga. Kukunin ko na rin ang schedule ko, ang gusto nga nila ay maging oncall ako. Pero pinag-iisipan ko pa dahil mahirap lalo at sunod sunod ang ooperahan ko." "Napaka galing mo kasi bestfriend, ikaw ba naman one take lang at mataas pa ang nakuhang score. Kaya pag-aagawan ka ng mga ospital dito sa atin." "Kundi lang dahil kay Kap, hindi ko naman tatanggapin ang offer nila sa akin. Maganda ang trabaho ko sa California, pero dahil gusto ko na siyang makita kaya pumayag na rin ako." "Tapos ngayon hindi mo alam kung saang lupalop mo siya hahanapin huh!" "Kaya nga eh, haist…." muli akong nakaramdam ng lungkot. "Huwag na nga natin siyang pag-usapan, mas mabuti na magpahinga ka muna ng ilang oras tapos mag bar tayo." "Hindi naman ako sanay uminom." "Ladies drink lang ang inumin mo best friend." "Okay sige," kahit ayaw ko ay napapayag na rin ako nito. Kundi sigurado hindi ako kakausapin ni Thalia, ng buong isang buwan. Pagdating namin sa bar, pinag titinginan kami ng mga tao. Siguro dahil sa itsura ko. Ang akala siguro ng mga ito ay ibang lahi ako. Dahil iyon sobrang puti ko at nakasuot pa ako ng contact lense. Blond din ang aking mahabang buhok at nakasuot ako ng mini-skirt. "You're stunning, my best friend." Narinig kong pahayag ng aking kaibigan. Ngunit hindi ako ng komento bagkus ay ngumiti lang sa kanya. Naupo kami sa bakanteng table na malapit sa dance floor. Hindi ako makapagsalita ng dumating nag aming order one bottle of tequila at isang ladies drink margaretta. Ganun ba kalakas uminom itong best friend ko? Napapa iling na lang ako nang simulan na nitong tunggain ang bawat baso na puno ng alak. Ilang oras na kaming umiinom ng maisip kong yayain ng umuwi ang aking kaibigan. Sa tingin ko ay hindi din ito nasisiyahan dahil kitang kita ko ang katamlayan niya. “Best friend, check out na tayo?” “Sige ikaw ang bahala.” Hindi na ako sumagot at suminyas na lamang sa nakitang waiter upang mag bill out na. “Pasensya ka na best friend, medyo sumama ang pakiramdam ko.” hinging paumanhin pa nito sa akin. “Okay lang, marami pa namang pagkakataon.” Matapos kong bayaran ang nainom namin ay inakay ko na ang aking kaibigan na medyo tipsy na rin ito. At pagdating namin sa labas ay sumakay kami ng taxi nang may huminto sa tapat namin. “Saan po tayo, Ma’am?” “Paki hatid mo kami sa pinakamalapit na maaaring kainan.” “Okay ma’am.” Pagbaba namin sa isang fast food ay inakay kung muli ang kaibigan ko ngunit kaya na raw niyang lumakad mag-isa. Maraming tao sa lugar na iyon kaya nagmasid muna kami sa paligid kung saan may bakanteng table. At sa pinakadulo ngunit mayroong katabing table na puro lalaki ang naka upo doon. Walang ibang pwesto kaya doon kami naupo at agad na kinawayan ang waiter. Matapos mag order ay nakita kong yumuko ang kaibigan ko siguro antok na talaga ito kaya hinayaan ko. Mamaya ay gigising ko na lang pagdating ng order namin. “Alam nyo mga tol, malapit nang maputol ang pasensya ko kay Parker. Kabago bago sa headquarters ay napaka yabang. Pasalamat lang siya ay kaibigan siya ni Montereal. Dahil may kalalagyan talaga sa akin ang mayabang na yon.” sa aking narinig ay bigla akong nagkaroon ng interest makinig. Naalala ko ang laging sinasabi ni Kap noong maliit pa kami. Pangarap niyang maging pulis at tutuparin niya raw iyon. Hindi ko maiwasang umasam na sana ang Parker na pinag-uusapan ng mga pulis na ito ay si Kap. “Para naman aari ka doon, nakita mo naman kung gaano kagaling n’on?” “Aari ba sa bala ang galing niya huh!” “Iyan ay huwag mong gagawin dahil siguradong kaso na ay tanggal ka pa sa serbisyo.” “Saan ba nakatira ang tarantadong yon?” “Taguig tol, malapit sa 7/11 store.” Taguig, agad akong nag search sa google map at malapit lang pala sa way ko pauwi sa aking bagong bahay. “I see, salamat sa information.” “Ma’am, tama po ba ang order nyo?” “Yes, thank you.” “Tol, ganda ng nasa likuran mo, tanungin mo ang number.” “Ayaw ko baka iba ang isipin niya sa ating mga pulis.” “Para number lang naman eh.” “Pag ganyan ang girlfriend ko ay hindi ko na palalabasin nang kwarto, ganda niya talaga.” “Shhh, baka marinig kayo.” Sa aking narinig ay nagmamadali na akong kumain, “best friend, bilisan mo na at inaantok na ako.” “Okay best friend, konti lang kakainin ko at baka isuka ko lang din ang lahat ng ito.” “Okay sige, by the way baka hindi muna ako makakalabas. Baka maghapon ako sa ospital bukas, nakiusap ang head na mag attend ako ng meeting at nang ma-introduce na rin daw nila ako sa lahat.” “Ikaw ang bahala best friend, sigurado maging busy ka na sa dami ng pasyente sa heart center.” “Parang gusto mo na huwag na akong tumuloy magtrabaho ko doon?” “Aba, hindi sa dami ng pasyente na nangangailangan ng magaling na doktor bakit naman kita pipigilan.” Napangiti ako sa naging reaksyon ni Thalia. Kahit ganito ang kaibigan ko na mukhang easy go lucky ay dedicated naman ito sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD