CHAPTER 8

2113 Words

“ SURPRISE! ” Bahagyang nagulat si Nathaniel sa tinig mula sa bumukas na pinto. Ngunit nang ma-sino ang bisita ay agad itong nagpababa sa ina at nagpakarga sa bagong dating na si Robert. “ ’Nong! ” nagtatalon ito sa harap ng ninong niya habang inilalapag ng binata ang mga dalang mga paper bags sa sahig. “ Hello, big boy! ” Agad nitong kinarga ang bata at pinupog ng halik sa mukha. “ Dalawang buwan lang akong nawala, ang laki mo na. Ano’ng ipinapakain sa iyo ni Mommy? ” “ Bee Paghetti, yummy! ” Pumalakpak pa ito tanda ng matinding kasiyahan. Sabay na nagtawanan sina Robert at Zenna. “ Jollibee Spaghetti pa rin ang paborito niya, Rob. Kahit yata hindi na kumain ng kanin, basta may spaghetti. Pero madalas nilulutuan ko na lang siya ng pasta. Mainam nang lutong-bahay ang kainin niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD