Day 1

1389 Words
“Day 1 of chasing a Silvenia.” Mabilis kong itinago ang marker ko at isinabit ang kalendaryo na hawak ko. Bagong pag kaka abalahan na naman. Lumabas ako ng kwarto at sinulyapan si Mama na nag luluto sa kusina. “Ma ano yan?” tanong ko kay Mama at inakap ito mula sa likod. “Nako, nako. Mag toothbrush ka muna. Itong batang ito, tanghali ka na naman nagising.” Sermon ni mama habang naghihiwa ng sibuyas. Hindi s'ya sweet, hindi rin ganun ka-sungit. Parang sa kape, hindi matamis hindi rin mapait. Swabe lang, HAHAHAH. Nakasimangot naman akong tumabi kay Papa na ngayon ay nahigop ng kape. “Gising na pala ang prinsesa ko, kumusta ang tulog?” Nakangiting sambit nito matapos ilapag ang tasa ng kape sa lamesita. Prinsesa talaga ako ni Papa, pero kay Mama? Prinsesa n'ya din ako syempre pero with a twist. Prinsesa na taga hugas ng plato forever. “Okay naman Pa, nagising parin naman akong maganda.” pagmamalaki ko dito. Sinundan nya naman ito ng mga sunod sunod na halakhak. Wala namang nakakatawa, ano ba ako lang 'to. “Manang mana ka sa Mama mo, napaka pilya.” pahabol pa nito. “Oh? nadamay na naman ako. Nananahimik ako dito.” Sigaw ni Mama mula sa kusina. Napailing na lamang akong kumuha ng tinapay na nasa harapan ko. “Ikaw Teleng huh, baka may boyfriend ka na. Ipakilala mo muna sa amin ng mama mo. Madami pa akong natitirang sibaking kahoy d'yan sa labas.” Napatigil naman ako sa pag nguya ng marinig ang sinabi nito. Si Papa lang ang tumatawag sa akin na Teleng, ang panget kasi. Parang may tililing lang, kung mga kaibigan ko ang tatawag nun sakin. Baka nasasapak ko. Naalala ko na naman yung Yoseff. Hindi ko pa sya nakakausap, pero naaamoy ko na malapit na HAHAHHA. “Si ate oh! nangiti mag isa,” pag susumbong ng kapatid ko na ngayon ay nasa tabi ko na. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko man lang naramdaman ang pag lapit n'ya. “Oy hindi ah, ang issue mo naman. Ikaw nga may nililigawan na. Hindi ka pa nga tuli,” pang a-amok ko. Nakita ko kasi noong isang araw ang love letter sa kwarto n'ya. Ang cringe lang, ang pangit pa ng penmanship n'ya. Grrr. “Asus, walang mag kakagusto sayo, ang panget mo,” banat pa nito. Kung hindi ko lang ito kapatid na salakab ko na ang bunganga nito. “Tigilan n'yo na 'yan, agang aga. Lagi nalang kayo nag inisan,” ma-awtoridad na sermon ni Mama habang naka dungaw sa pintuan ng kusina. “Hayaan mo na mahal, nag lalambingan lang ang mga anak mo,” agad naman akong ngumiwi sa sinabi ni Papa. Maliban sa tinawag n'yang mahal kuno si Mama. At lambingan namin ng kapatid ko na tarantado. Hindi kami mayaman, pero masaya ako sa pamilya na ibinigay sa akin. Si Mama, Papa, ako, at ang kapatid ko na bunso. Kahit apat lang kami na nakatira sa isang bahay okay na ako. Sabi nila mas masaya daw pag maraming mag kakapatid. Pero isa ako sa mga makapag papatunay na kahit kaunti lang kayo sa isang pamilya malaki naman ang possibilidad na nag kakaintindihan kami. Pero siguro dipende parin 'yun sa mga taong miyembro ng isang pamilya. Wala na akong hihilingin pa, masaya na ako na kasama sila. “Aalis na po ako, late na ako,” pagpapaalam ko sa mga ito. Dire-diretso akong pumunta sa pintuan ngunit pinigilan ako ni Papa. “May pasok kayo ng Sabado?” tanong nito na s'yang kinagulat ko. Mabilis kong tinahak ang hagdan at pumasok sa silid ko. Inabot ko ang kalendaryong nakasabit sa tukador ng kwarto ko. “Ano ba yan!” inis na sambit ko at tiningnan ang date ngayon. Tingnan mo itong sina Mama at Papa, nakita na nila na naka uniform ako, hindi agad ako tinanong. Hawak ko na ang kalendaryo ko kanina bakit hindi ko napansin na Sabado pala. Sa sobrang excited ko na gawin ang plano ko sa Silvenia na 'yon. Nalulutang na ako ng sobra. Tumunog ang cellphone ko mula sa bag na nasa likod ko. Agad ko naman itong kinuha at sinagot nang makitang si Louisse ang tumatawag. “Babaita Sabado pala ngayon, ang aga ko naligo,” naiinis na wika nito mula sa telepono. “Oh bakit parang kasalanan ko pa?” tanong ko rito. “Ako nga paalis na para pumasok, mabuti pinigilan ako,” dagdag ko pa at sumimangot. Sinundan n'ya naman ito ng mga sunod sunod at malalakas na tawa. Agad ko naman itong pinatay ng walang paalam Bastos na kung bastos pero naiinis ako, baka mapukpok ko s'ya ng kaldero sa ulo. “Anak, magbihis ka na. May pasok ka ba?” Bigla nalang sumulpot si Mama mula sa pintuan ng kuwarto ko. “Wala Ma, lutang lang,” pag amin ko at s'yang pag kamot ko sa batok ko. “Bilisan mo mag bihis, tanghali na. Mag dadala tayo ng pa order sa palengke,” mabilis na turan nito. Ang init, alas dyes palang ng umaga pero sobrang init na. Free trial ba ito sa impyerno? hindi pwede! Mabait naman po ako lord, h'wag naman ganito. “Anak, hawakan mo nang mabuti ang bilao, baka matapon ang pansit.” paalala ni mama habang may kinukuha na wallet sa bag n'ya. “Ate? saan po ba ang bahay ni Marites Salvacion?” tanong ni mama sa babaeng nagtitinda ng ukay-ukay sa kanto. Marites? Maritesssss ang anak mooooo buntisss! dejok lang. Nadala lang ng mga inusong chismosa. “Doon sa may malaking gate na ang nakalagay ay Silvenia,” tugon nito kay mama. May kung anong pamilyar akong narinig sa pagkakasabi nito. Silvenia daw? seryoso? myghadd ang swerte ko naman. Kahit mainit maglakad, susuungin ko 'yon. Baka naman kamag anak lang nila? O 'di kaya ay, nag kataon lang na mag ka-epilyido sila ni Yoseff. Malayo pa ang nilakad namin, grabe wala bang tricycle dito. Biglang nag liwanag ang paningin ko nang may nakita akong kulay silver na gate na may Silvenia na naka ukit sa taas ng gate. Hindi ako nag kakamali, si Yoseff 'yon. Hinawakan ko ang kamay ni Mama. At sumabay sa paglalakad nito. Parang titiklop pa nga ata ako. Ano ba naman yan Ethel, hindi ko naman alam na may free trial din ang pagkikita namin. Hindi man lang ako nakapag ready. “Tutoy? ikaw ba ay anak ni Marites Salvacion?” tanong ni Mama kay Yoseff. “No, she's our maid. Hmm? ito na po ba lahat?” tanong nito kay Mama. Hindi ko makita ang kabuuang mukha nito. Nandito parin ako sa likod ni Mama at nagtatago sa kan'ya. “Anak sa kanila yang hawak mo, ibigay mo na,” bulong ni Mama sa akin. Saka pa lamang ako na alarma at mabilis na inabot ang dala-dala 'kong bilao. “Thanks,” masungit na sambit nito. Nginitian ko na lamang ito pero hindi ito ngumiti pabalik sa akin. Mukhang mahihirapan pa ata ako dito. But, let's see Mr. Yoseff. Pumasok na ito sa loob ng gate pagkatapos mag bayad kay Mama. Ang tangkad n'ya, sana all nalang koyah. “Ma? ang gwapo no?” ngiting ngiti kong sabi kay Mama. “Oo nak, wala ka agad pag asa.” Bulong nito. Wala man lang support. Nanay ko ba talaga ito? Benta ko kaya si Mama, jwk. Umupo muna kami ni Mama sa isang bench. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at nag punas ng pawis. Grabe, nakita ako ni Yoseff na ganito. Ang dugyot mo Ethel Rose. Naalala ko si Louisse, kailangan ko na sabihin sa kan'ya na nakita ko ang lalaki 'yon. Mabilis ko na kinapa ang cellphone sa bulsa ko pero, wala?! “M-ma,” kabado na tawag ko kay Mama. “Oh? bakit na naman?” masungit na tanong nito. “N-nakita mo ba ang cellphone ko?” Patay ako nito, kabibili lang nun. Nanlilisik ang nga mata nito na tumingin sa akin. Nanunuyo na ata ang lalamunan ko, hindi ako makalunok. Umay naman. “Aba'y malay ko sayo. Saan mo ba nilalagay?” tanong nito. Hindi puwedeng mawala 'yon, hindi ko 'yon nalagyan ng password. Naka lagay pa naman doon ang mga plano ko. Lalo na kay Yoseff. Hindi puwede. To be continued...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD