Prologue

1441 Words
Tumatagaktak ang pawis ko mula sa noo hanggang sa aking leeg. Kung hindi ko lang talaga hinu-hunting ang lalaki na 'yon, hindi ako magtatago dito sa likod ng damuhan. “Aray!” “Shsss, ano ba Louisse. Ang ingay mo paano kung tumingin dito sina Cobe?” Saway ko kay Louisse na iniipit ang buhok ko, sa sobrang siksik sa gilid ko. “Ano ba naman 'yan Ethel, ang pawis mo tulo ng tulo sa pisngi ko!" reklamo ni Kaycee. Isa pa itong babae na ito, kung hindi ba naman siraulo, doon sumiksik sa ilalim ng halaman. Grabe, kung hindi lang ako na intriga sa lalaki na 'yon hindi sana ako nag skip ng isang klase. “Lord, kung ma papa guidance po kami sana si Ethel nalang. Plano n'ya naman po itong lahat—” Agad kong tinakpan ang bunganga ni Kloe na putak ng putak. Gosh muntik na kaming mahuli ni Cobe, napaka ingay kasi. “Ang init na Thels, hindi na ako maka hinga.” Naiinis na reklamo ni Louisse. Agad kong hinila ang neck tie nito at kinalas. “Konting oras nalang sis, isang sulyap lang doon kay Yoseff uuwi na tayo,” natatawang sambit ko at hinawakan ang dahon ng halaman na nasa unahan ko. Apat kaming mag ka-kaibigan, at sa totoo lang aminado naman ako na ako ang pinaka pilya sa aming apat. Ewan ko ba, isa lang naman ang puyo ko sa ulo. Pero katumbas ng kakulitan ko tatlong katao. Pero kahit naman ganun, hindi ko hinahayaan na mawalan ako sa scholarship. Ngayon lang talaga, promise maniwala kayo. Madami akong crush kulang ang mga galamay ko sa paa at kamay para mabilang. Crush na nga lang ang pwedeng sumobra, bakit hindi pa lubusin diba? Ang babaeng maganda ay hindi isang kabet kundi ang babaeng sobra sobra ang crush. Grabe nakaka proud, hayss ang ganda ko lord. Thank you muawhhh. “Oh ayan na!” mabilis ako napa balik sa ulirat ng nag salita si Kloe. Para ba akong kinisig at natumba nalang bigla mula sa pagkaka luhod. Sabay sabay kaming napa-aray ng biglang nag tumbahan kami. Ano ba naman 'yan, gusto ko lang naman makita yung magiging bebe ko kailangan ko pa maghirap. “Oyy! Hulihin nyo ang mga dalaga na ‘yon. Hindi pa labas ang Senior High nasa labas na agad kayo ng building.” Sigaw ni kuya Ramill. Mabilis kaming tumayo, at nag takbuhan, sa sobrang taranta namin nagka iba-iba pala kami ng direksyon na pinag takbuhan. Guardia namin sa school si kuya Ramill. Pero kung umi-style parang principal. Nag paalam lang ako na bibili ng biogesic sa labas ayaw pa agad. Sabagay siomai naman ang binili ko mwehehehhe. Okay na din Kuya Ramill, wag ka pa sanang mamatay. “Sinusundan mo ba ako?” Isang baritonong boses ang narinig ko mula sa likuran. Sana po gwapo, sana po gwapo. Ay! gwap lang, kinulang HAHAHAHA. Nawala yung "o" kasi isnabero. “Tinatanong kita kung sinusundan mo ako,” ulit pa nito. “At sinong may sabing sinusundan kita Cobe? crush ba kita? hindi naman.” maarte kong sagot dito. Naks self, lume-level up ka dzaii. He's Cobe Leviant, hindi ko alam kung saan' lugar 'yan sumulpot at wala akong balak alamin. Ang alam ko lang napaka sungit, akala mo naman gwapo. Mas gwapa ako dzaii, hanggang sakong ka lang ng bebe ko. “Hindi ko naman sinasabi na crush mo ako, napaka defensive mo,” nag lakad ito palapit sa punong malapit samin. Naka pamulsa itong nag lakad at sumandal sa puno ng mangga. Dahan dahan akong lumapit dito na para bang nang aasar. “Baka ako ang crush mo?” pang hahamon ko dito. Mahina nitong tinulak ang balikat ko. “Ang asim mo, saang lupalop ka ba nanggaling?” Inamoy ko ang polo ko at muling tiningnan ito ng diresto, ang yabang talaga hindi naman. “Asus, alam ko naman ang teknik nyong mga lalaki, kunyare nang iinis pero deep inside tuwang tuwa dahil napapansin sila ng babaeng nagugustuhan nila.” Mahabang lintaya ko habang winawagayway ang kamay sa ere na para bang nag bibigay ako ng isang mahalagang aral sa mga naka tingin sakin. “Ang dami mong sinasabi, lumapit ako para sabihin na ang dugyot mo.” nandidiring saad nito at tinalikuran ako. Aba!, ang yabang! Akala mo kung sinong gwapo. Humanda ka sakin Cobe pag nakita kita. Hinayaan ko na lamang itong iwanan ako. Para namang hindi ko alam na nag kagusto s'ya sakin nung nasa Junior High pa lamang kami. S'ya lagi ang nag papadala ng mga sulat. Minsan hindi ko na magawang basahin, feeling ko paulit ulit nalang din ang content ng message n'ya. Pero thankful parin ako sa kan'ya dahil hindi naging boring ang JHS life ko. Akala n'ya siguro hindi ko alam, well baka si Ethel Rose Madrigal ito. “Thelsss!” Isang matinis na boses ang narinig ko mula sa malayo. Boses palang alam na agad, nakaka irita ang boses ng gaga. Pag naiisip ko ang future nito, alam ko na kakaawa ang magiging pamilya nito. Ikaw ba naman ang mag karoon ng nanay o asawa na laging nag rap uma-umaga. Sinong hindi maririndi? “Hoy saan ba kayo pumunta? alam n'yo ba na hinanap ko kayo?” pag da-drama ko sa kanila, kahit hindi ko naman talaga sila hinanap. Nakakainis kasi si Cobe. “Asus, tigilan mo kami. Nakita namin' kausap mo si Cobe mahlobes.” naka simangot na ani ni Kloe. “Gagi ka, dapat sinugod mo sabay dakma,” pag bibiro ko pa at nag hanap ng mauupuan. Mabilis akong tumakbo sa isang bench dito sa school. Sosyal may lamesa, sana sa inyo din. Agad silang sumunod sa akin at umupo sa kaharap kong bench. Presko ang hangin, dito maganda tumambay lalo na pag walang klase. Tanaw na tanaw ang soccer field. “Oh ayan!” Isang papel ang nilapag ni Louisse sa lamesa at tiningnan ako ng napaka lagkit na tingin. Agad ko naman na dadamputin ang papel pero mabilis nya itong inilayo sa akin. “Ano ba yan?” inaantok na tanong ko at sumandal sa balikat ni Kaycee. Nauubusan na agad ako mg enerhiya, alas tres pa lamang ng hapon. “Magugustuhan mo ito Thels, Maniwala ka sakin. Baka hindi ka makatulog pag nakita mo ito.” natatawang pang iinis pa ni Louisse. Napukaw ng atensyon ko ang isang pirma ng pamilyar na tao. Registrar's office? schedule? permit? “Bilis na. Sabihin mo na,” naiinis na sambit ko. “Schedule nung Yoseff Silvenia,” pag amin ni Kloe. Bahagya naman akong natigilan ng marinig ang pangalan ng lalaki na 'yon. Bakit parang sumasang ayon sa akin ang tadhana. “Gaga bakit mo sinabi, mambuburaot pa ako ng corndog 'e. ” nagtatampo na sambit ni Louisse kay Kloe. Mabilis ko na kinuha ang papel na hawak nito at itinaas. Blessings 'to no, kaya ako na ang bahala. “Yoseff Silvenia,” muling basa ko sa pangalan na nakalagay sa papel. Muli kong binalingan ng tingin ang mga kaibigan ko na nakatingin sa akin. Sa totoo lang, ayoko ng ganito. Yung babae mag hahabol para lang sa isang lalaki? Oo, madami akong crush. Pero ngayon ko lang 'to naisip. Hindi ko alam kung ano ang magiging resulta nito sa huli. Mapapa-lapit ba ako? or ako lang din masasaktan? Sabi nila nasa huli ang pag sisisi, pero nakapag sisisi kung hindi ka man lang susubok kahit isang beses. Seryoso lamang sila na naka tingin sa akin, hinuhulaan siguro nila ang mga tumatakbo sa isip ko. Binigyan ko sila ng isang hindi pangkaraniwan na ngiti. “Ayoko sumama sa binabalak mo Ethel, ayoko na ma Guidance.” Naalala ko na naman, napunta kami sa Guidance dahil sa isang ginawa ko. Sinabi ko lang naman doon sa babae na nakita ko yung boyfriend n'ya sa may kanto at may ka-subuan ng fishball. Tapos bigla akong sinabunutan, at 'yon. Nag damay damay na kami. “Ako din, tama na ang isang beses wala nang susunod.” “Ah, basta ako buhay. Okay na ako dun.” Sunod sunod na apila nila. “Ayaw nyo akong samahan? seryoso kayo? adventure din ito,” pang ko-konsens'ya ko sa mga ito. Naka iwas lang ang kanilang mga tingin sa akin. Alam ko naman na sasamahan nila ako. Kunware pa, mga pabebe. “k.” “Sige na nga, sayang experience.” “Ano pang magagawa ko? edi sasama na ako.” Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko. Ngayon lang naman ito, sorry Batman. Ikaw na muna ang bahala. 30 days of chasing you, Mr. Silvenia. Goodluck to me? - Happy reading everyone!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD