CHAPTER 01

1375 Words
Jana's POV" Nandito ako sa new school ko, maganda naman but I don't care. Anong pake ko kung maganda pero ang mga estudyante saksakan ng sama ang ugali hindi ba?! Kung manglait wagas kala mo walang kamalian sa sarili. I Don't really want that kind of people lalong lalo na yung bully nakakabwisit sila. Duh akala mo kung mga sino tao lang din naman sila mamatay at uuurin ang katawan pag nilibing sa lupa. Hay shet kakabasa ko 'to kung ano-ano na naman tumatakbo sa utak ko. Hanggang sa kotse ba naman kasi ni kuya tinuloy ko pa 'yung librong binabasa ko kagabi at inis na inis ako sa mga character na mapang-api. Kaya ayan dalang dala 'ko hanggang sa pagpapasok sa school. Habang naglalakad ako may naghagis naman nang balat ng saging at hindi ko naiwasan yun kaya saktong saktong naapakan ko. Kaya ayun nadulas ako at solid ang lagapak ko sa sahig. "HAHAHAHAHAHAHA!" umalingawngaw ang malakas na tawanan ng mga estudyanteng nandito sa hallway. Mukhang nakagawa ako ng live show ng funny moments kung makatawa sila. Shet! Para akong bida bida dito. Pero anong nakakatawa kung nadulas 'yung isang tao? Diba dapat tulungan nila hindi pagtawanan mga walang dulot sa mundo. "Shut up walang nakakatawa, imbis na tulungan n’yo 'yung tao pinagtawanan n'yo pa." sabi ko at tumayo na. Nakakairita this is my first day at my new school at hindi ko akalain na mangyayari agad 'to sa akin. Grabe talaga napahiya ako doon. Aish! kainis talaga. Kung makita ko lang ang bumato ng saging na 'yun ipapakain ko talaga sa kanya 'yung binato niya. Damn! I'm serious about that. Nang mahanap ko na 'yung room ko ay agad na kong pumasok dito. Naghanap ako ng vacant chair at nang makakita doon na ko umupo. "She's ugly right?" bulong ng babaeng nasa harap ko. Bumulong pa siya 'e rinig ko naman sana okay lang siya. "Yah sa totoo lang wala sa lebel natin." sabi ng katabi niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Kasalanan ko ba kung natural 'yung beauty ko. Hindi naman kasi ako nag-mamakeup ng makapal and I just usually wear light makeup. Hindi katulad nila porket ang kakapal ng makeup feeling nila maganda sila. Mukha nga sila Clown eh. Bigla namang may pumasok na estudyante. Classmate siguro namin. Nagulat naman ako ng bigla siyang sumigaw sa harap."Hoy! Magsi-ayos na kayong lahat nand'yan na si President Tyrone." sabi ng lalaki at biglang tumakbo sa likod at umayos ng upo. President? Ah I think supreme student government president. May pumasok namang serious mood na lalaki pero ang gwapo niya ha, sana lang ay mabait siya. "Good morning President Tyrone." sabi nila at tumayo so nakigaya na rin ako. Nagulat naman ako nang tingnan niya ako. Lah bakit anong meron? "Bago ka lang ba dito?" tanong niya at lumapit sa akin. Yah so what's wrong? "Yes is there anything problem about that President?" tanong ko sa kanya. "Okay newbie welcome to this school I hope you like it." sabi niya at binuhusan ako ng mineral water na dala niya. Bully president! I thought he was a kind person but I was actually wrong thinking about that. Nakakawala ng gana gwapo pa man din sana, sayang siya. Kinuha ko yung bag ko at padabog na lumabas ng room. Pumunta ako sa locker ko para kumuha ng extrang uniform doon. Pagtapos ko magpalit naghugas ako ng kamay ng may pumasok na isang babae. Nakita ko naman sa salamin na nakatingin siya sa akin. "Wag ka nang lumapit sa president mabait kung titingnan pero mapanganib 'yon. Lalo na kung ikaw pa ang nagpagtripan di mo gugustuhin magtagal." sabi ng babae at lumabas na sa comfort room. Actually wala akong pake sa president na 'yun. Ang akala ko nga kung sinong mabait ang lalaking 'yun bully pala. Hays bahala siya sa buhay niya akala niya naman natatakot ako sa kanya. Pagdating ko sa room nandoon na ang teacher namin. Late tuloy ako dahil sa ginawa ng lalaking 'yun. Abnormal ba 'yon? Hindi ako aware na ganito pala ang mga tao dito. they're all weird. "Good morning po sorry I'm late." sabi ko bago pumasok ng room. "Oh come in Miss Castillo." sabi ni Miss sa akin. Nakita ko naman yung president na deretso lang nakatingin sa kinatatayuan ko at sa akin talaga nakatuon ang atensyon niya. What the hell? Sa tingin niya natutuwa ako na nakatingin siya? Tusukin ko mata niya d'yan eh makita niya. "Everyone pay attention in front by the way she is your new classmate and I hope everyone will be nice to her, Miss Castillo please introduce yourself in front of your classmates." sabi ni Miss sa akin, tumango ako ss kanya bago magsalita. "Hi! I'm Jana Pearl Castillo I'm a new student here so please be nice to me and also I don't like bullies." sabi ko at tiningnan ng masama ang president na ngayon ay natingin din sa akin at binigyan ako ng isang ngisi. Napairap na lang tuloy ako dahil sa ginawa niya. Ano akala niya matatakot na ko sa kanya dahil sa ginawa niya? Hell no. May araw rin siya sa akin. Pagtapos ko magpakilala bumalik na agad ako sa kinauupuan ko kanina na katabi ang letcheng president na 'yan. Why is this happening to me? Ano bang nagawa kong kasalanan para maging ganito kakumplikado ang lahat sa bagong paaralan na pinapasukan ko. Bakit sa dinami daming pwedeng katabi eh siya pa. Ang malas ko naman wala naman akong balat sa pwet bakit ganito. "Your name is Jana hmm nice name, by the way I'm Tyrone Kirby Carven President of this school nice meeting you Miss Jana Pearl Castillo." sabi niya at nilahad sa harap ko ang kamay. Napairap na lang ako at tinabig ang kamay n'yang nasa harap ko. Tinanong ko ba pangalan niya? Wala naman nagtanong at wala akong pake sa pangalan niya. At kung sino pa siya. Ang init ng dugo ko ang aga-aga pa lang para na kong bulkan na sasabog sa inis sa lalaking 'to. "At hindi mo pala gusto ang bullies ah, so I guess hindi mo rin gugustuhin magtagal sa school na 'to. Dapat hindi ka na lang pumasok dito." sabi niya at ngumisi. Aish! I don't care bakit ba siya nangengealam kung dito ako pumasok. Nakakagigil naman oh, naiirita na ko sa boses niya sana naman manahimik na siya. Kung alam ko rin lang naman na ganito ang school na 'to bakit ako papasok dito? Hindi naman ako tanga. "Can you please shut up I don't want to hear your nonsense thoughts. Don't talk to me." sabi ko at inirapan siya. Ang ingay na nag-lelesson si Miss. Wala naman dulot ang mga pinagsasabi niya. "Okay fine masusunod." sabi niya at sumandal sa kanyang upuan. Aish! Ewan bakit ba kasi siya pa ang katabi ko. Onti tiis lang Jana next year gragraduate kana pero ang tagal pa no'n. Nang matapos mag-lesson si Miss ay lumabas na kaagad si Tyrone Buti naman at umalis na siya. Nakakaasar na eh, alam mo 'yun nakakapang-init ng dugo di ko pa rin malimutan ang ginawa niya sa akin. Naligo naman ako tas pinaliguan niya ulit ako? Grrrr!! Hindi rin naman ako mabaho. Wala na kaming teacher kaya na pag-isipan kong lumabas ng room wala lang gusto lang din maka pag-ikot ikot para mabawasan man lang ang inis na nararamdaman ko. Pagkalabas ko naman madaming nagkalat na estudyante. Pero napukaw ang atensyon ko sa isang babaeng nakaluhod sa sahig. Anong meron? "Didilaan mo ba 'yang sapatos ko o kakaladkarin pa kita palabas ng school na 'to? Mamili ka lang sa dalawa, I will give you 10 seconds to choose between the two option." Sabi ng babae at tiningnan ng masama 'yung babaeng nakaluhod sa harap niya. Ang sama niya! Everyone have their own rights bakit ganyan siya? Babae rin siya at ang pinaparusahan niya pa ay kapwa babae rin. Paano kaya pag sa kanya ginawa 'yun? Ano mararamdaman niya. Habang tinitingnan ko sila bigla na lang nawala lahat ng estudyante na nakikinood sa eksena sa 'di ko malamang dahilan. Bakit sila nawala ng parang bula? Napalinga linga ako at wala ng ibang tao bukod sa akin. They are all gone in just a glimpse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD