CHAPTER 02

1363 Words
Jana's POV" Napahinto naman ako sa paglalakad ng may nagsalita sa aking likuran. Kaya humarap ako para tingan ko sino 'yun. "Anong ginagawa mo dito sa hallway may klase pa diba ano ka supervisor at naggaala?" Sabi niya sa akin at halos wala kang makikita sa ekspresyon sa kanyang mukha sa pagkakasabi niya. And let me call him the bully president. "I know papasok na nga ko 'e kaya chill ka lang diyan. Init ng ulo." sabi ko at nag-umpisa na ulit maglakad. Nang magsalita ulit siya kaya napahinto ako, ano na naman ba ang gusto niya? Hindi pa ba enough na binuhusan niya ko ng tubig na wala naman akong ginagawa sa kanya? "Isa sa mga rules ko ay ayukong makakakita ng estudyanteng pakalat kalat habang may klase pa. And for your information Miss Castillo you disobeyed one of my rules, so now I will give you a punishment. You need to clean this corridor for one hour you may start now. The clock is ticking pakibilisan naman." sabi niya, nagulat naman ako dahil doon. Damn! seryoso siya maglilinis talaga ako. Class time, seriously? Parang break time pa lang kanina ah. Gano'n na ba kabilis ang oras. Humingan naman ang ng malalim para pakalmahin ang sarili 'ko. Okay fine maglilinis na ko tutal nalabag ko daw yung rules na sinasabi niya. "I will repeat Miss Castillo you may now start." sabi niya ulit. Kaya kinuha ko na yung walis at dusk pan na katabi nung trash can. Hay! Napaglinis pa ko ayoko na nga lumabas sa susunod. "Faster!" sigaw niya. Nagmamadali may lakad siya ha?! Excited masyado eh. Edi siya maglinis kung nagmamadali siya. Pala desisyon kasi akala mo naman talaga. Ihampas 'ko kaya 'to sa kanya? Tapos tumakbo na 'ko, char classmate ko nga pala mamaya mas malala pa mangyari sa akin. Nang matapos ako maglinis umupo agad ako sa sahig sa dahil sa sobrang pagod. Grabe ang hirap sana detention na lang ang inabot ko kaysa dito. Mas maganda pang tumunganga ng one hour kaysa maglinis ng hallway. Habang nakaupo ako sa sahig bigla na lang akong napatayo dahil wala na pala ang magaling na President na 'yun. Bigla bigla na lang nawawala ang mga tao dito.Tch! Sana mawala na siya forever. Pabalik na ako ng room nang may nakasalubong na naman akong student at humarang pa siya sa dadaanan ko. Lah problema niya?! Dami naman may saltik dito. School pa ba 'to o mental? "Can you please get out of my way?" sabi ko, bwisit na ko ngayon araw h'wag niya ng dagdagan pa. Pero parang bingi ata ang kausap ko na hindi man lang ako narinig at nag-stay pa rin sa dadaanan ko, sana all nag-stay ay joke lang. Kaya ako na lang ang nag adjust kasi nakakahiya naman pero humarang pa rin talaga siya, nangiinis ba talaga siya? Isa pa 'tong may sayad 'e. "hello bago ka ba dito?" Tanong niya sa akin. Ayan na naman 'yung mga tanungan na ganyan. Mamaya buhusan ako ng tubig dito ha. "Yes, Why?" Tanong ko naman sa kaniya pabalik. "Ahh by the way I'm kelvin Sam Erbil Vice president of this school." Sabi niya sa akin, mukha naman siyang mabait pero naalala ko wala naman nagtanong ng name niya. Out of nowhere bigla siyang magpapakilala ah okay baka friendly lang siya since Vice nga siya ng school. "Okay." Maikling sagot ko. "Ikaw anong name mo?" Tanong niya at sinabayan pa ko sa paglalakad. "I'm Jana Pearl Castillo." Sabi ko sa kanya, bigla naman siyang tumawa after no'n. Mukha bang clown name ko? Sana all happy. "Bakit ka natatawa, may nakakatawa ba sa pangalan ko?"sabi ko at tinaasan siya ng kilay. "Nothing, may naalala lang ako." Sagot niya at biglang nagseryoso. "Bakit ka nandito Vice kelvin diba may ginagawa ka sa office?" Sabi ni President Tyrone. Bigla bigla siyang sumusulpot para siyang kabute. Kabute ka sis? "Napadaan lang naman ako." Sabi niya at umalis na habang ako naglakad na lang ulit. "Wait." Sabi ni Tyrone sa akin, ano nanaman bang kailangan niya. "Kung paglilinisin mo lang ako. Sana nag-apply na lang ako bilang janitress sa school na 'to at hindi estudyante so please h'wag ako dahil hindi ako janitress dito okay? Tsaka nagbabayad ako ng tuition dito noh." Sabi ko at muli nang naglakad. Tyrone's POV" Ang dami niyang sinabi ni hindi pa nga ako nagsasalita. Hindi ko naman siya ulit paglilinisin. Ibibigay ko lang sana 'yung bracelet niya na nalalag kanina sa paglilinis niya. Ang babaeng yun talaga masyado rin aish! "Hoy! Ibabalik ko lang 'yung bracelet mo, nalaglag kaya kanina kung ayaw mo edi huwag 'di naman kita pinipilit." Sabi ko sa kanya. Bumalik siya at lumapit sa akin. Babalik din naman pala dami pang sinabi. "Nasaan na ibibigay mo o ibibigay mo?" Sabi niya sa akin, parehas lang naman nagbigay pa ng pagpipilian. Psh! Baliw. "Yung O yung pipiliin ko." Sabi ko. Na nagpataas ng kilay niya. "Damn you Mr. President where is my f*****g bracelet ibalik mo na?" sigaw niya sa akin, mukhang galit na siya. Pero pake ko? "Here." Sabi ko at tinaas. Pilit niyang inaabot 'to sa kin pero hindi niya talaga maabot. Ang liit kasi. "Bwisit ka talaga bully president." Sabi niya na nagpangisi sa akin. Tama siya I'm the bully president in this school. Kaya walang gustong kumalaban sa akin kasi takot nga sila. "Abutin mo muna." Sabi ko at lalong tinaas, ang sarap niya naman inisin. "Ayan na nga nakakaawa ka." Sabi ko at inabot na sa kanya. Pagtapos ay umalis na ko hays walang kwenta. Jana's POV" Naglalakad na ako matapos kong makuha sa President na 'yun ang bracelet ko. May nakitang naman akong lalaki naalala ko naman siya bigla siya 'yung lalaki na naghagis ng saging kanina hallway. "Hoy! Ikaw lalaki." Sigaw ko sa kanya, siya pala may kasalanan. Bwisit siya! nadulas tuloy ako kanina at napahiya tuloy ako sa maraming tao. Unggoy ba siya at kain siya ng kain ng saging ha?! Ay hindi baka healthy living lang. "Me?" Takang tanong niya. Hindi ba obvious kami lang kaya tao dito o baka may nakikita pa siya na di ko nakikita? "Hindi yung katabi mo syempre ikaw sino pa ba 'e tayo lang naman tao dito?" Sabi ko sa kanya at lumapit. "Why, did I do something wrong to you?" Sabi niya at nag-crossarm pa. "Alam mo ba may basurahan at sa daan ka pa nagkakalat ng basura mo ha!!" Inis na sabi ko sa lalaking naka-crossarm sa harap ko. "Problema mo?" Tanong niya na nagpainit lalo ng ulo. Problema mo daw? Umiinit talaga ang dugo ko sa kanya. Bakit ba first day ko stress ko? Ni hindi pa nga naguumpisa ang first semester. "Nakakadisgrasya 'yan noh! Alam mo ba nadulas ako kanina dahil sa pagtatapon mo ng balat ng saging and really tinapon mo siya sa hallway? Didn't you see that everywhere you go may available trash can? Gusto mo ikaw na lang ilagay 'ko diyan?" Tanong ko at tiningnan siya ng masama. "Pake ko saiyo. Sino ka ba?" Sabi niya, aba siraulo pala 'to 'e ang attitude pa. Huminga ako ng malalim bago ulit magsalita. "Gusto mo bang ipakain ko 'to sa'yo ha hindi ako nagbibiro?!" Sabi ko at dinampot 'yung saging. "Gawa!" Pagmamatapang niya. Bigla niya naman akong hinila sa sulok malapit sa locker. "Sshhh!!" sabi niya at tinakpan ang bibig ko. May dumaan namang babae at nang makalayo 'yung babae ay lumabas na kami. Bakit kami nagtatago? "Anong problema mo bakit tayo nagtatago ha?" Asar na tanong ko sa kanya. "Di mo ba siya kilala She's the secretary of the president at ayoko mabigyan ka ng punishment, buti nga niligtas pa kita 'e."sabi niya at naglakad na. Iniwan niya lang akong nakatayo doon. Ay naalala 'ko na ang babaeng 'yon siya pala 'yung may pinaluhod kanina. "Edi thank you ha! Buti naman may natira pang kabaitan sa puso mo!" sigaw ko at tinapon na sa trash can 'yung basura niya. Pagtapos no'n ay dumeretso na ako sa room para pumasok sa next subject. Stress agad ghorl wala pa nga kaming masyadong ginagawa sa mga subject pero stress ako dahil sa mga tao dito. Nakakapang-init ng dugo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD