Chapter 9 Mist Villareal's Point of View Dahil lunch break naman ay naisipan kong sa garden na lang ako gagawa ng assignment. Ang tahimik kasi dito at masarap ang simoy ng hangin. Hay salamat! Makakagawa na din ng assignment ng matiwasay. Ang ingay-ingay kasi doon sa library. Ang librarian na nandoon, hindi man lang sawayin ang mga maiingay doon. Paano ba naman kasi, busy siya magpa-cute sa isang teacher na nandoon. Kaya wala na siyang pakialam kung maingay ba ang paligid o hindi. Parang canteen na ang dating ng library eh, makalat, magulo at higit sa lahat maingay! Ang ganda na ng mood ko dito eh. Maayos kong nagagawa ang assignment ko nang makarinig ako ng kumakanta. Napatigil ako at pinakinggan ko maigi. Maganda ang boses niya at malamig. Pero feeling ko pamilyar ang boses na iyan.