St. Luke's Hospital, Taguig Angelo's Point of View "How is she?" tanong ko kay Dr. Dimla na siyang ama ni Cez. Wala pa ring malay ang girlfriend ko nang mga oras na iyon. "She's fine now. She still needs to go under observation. Mabuti na lamang at tinawagan mo ako agad at naiuwi mo siya rito. I owe you once again," saad ni Dr. Dimla. Ilang oras din ang biyahe from Paris to Singapore then Singapore to Manila. Mahabang biyahe rin kaya siguro hindi pa ito nagigising. "Ano na po ang posibleng mangyari sa kaniya?" nag-aalalang tanong ko. Kitang-kita ko ang paghugot niya ng buntong-hininga ng ama ni Cez sa harapan ko. Maging ako ay nag-aalala naman. "To tell you honestly, malaki ang posibilidad na pagkagising niya ay bumalik na ang kaniyang alaala. It's been three days na mula nang dinala