Chapter 4

2005 Words
Chapter 4 Demetrius Pov KASAMA KO si Honey na papunta sa Quezon Province at inutusan kami ni Sid na sunduin si Morgan at Nisse. Nagkaroon na kasi ng girlfriend ang kaibigan namin pero palagi namang nasa panganib dahil sa ama nito. Kanina pa kami nakatambay dito ni Honey kasama ang dalawa pa niyang kaibigan na si Rufus at Keanu. Mag iinuman kami mamayang gabi at susulitin namin ang bakasyon. Si Sid ba naman ang nagbayad sa hotel room namin ni Sid. Kaya sabi ni Honey ay utakan namin ang kaibigan naming si Sid at dalawang room ang kinuha namin para tig isa kami ni Honey. Hindi naman kami ang magbabayad kaya ayos lang. Kumakain lang kami ni Honey at halos mabilaukan siya sa kinakain niya. Nagpa libre lang kami kay Morgan na agad na galit ng makita kami ni Honey. Hindi na sila nagkita ni Rufus at Keanu dahil natagalan dumating ang dalawa. “Ang lakas mo talagang kumain. Maghinay hinay ka nga!” Saway ni Keanu kay Honey. Pero hindi pinansin ng mga kaibigan ko. “Sana may makain akong pvke dito. Tangina! Gusto ko ng makatikim ng pvke eh,” sabi pa ng kaibigan ko kaya natawa ako. Gustong gusto niya kasi makakain ng pvke dahil naiingit na daw siya kay Sid, Koa at Morgan na kumakain ng pvke. Ewan ko ba sa baliw na ‘to at kung ano-ano na lang ang hinihiling. Akala mo talaga ay may girlfriend eh wala naman. “Tanga! Syota ang hanapin mo. Hindi pvke. Para kang tanga talaga!” Singhal na sabi ni Rufus. Ang lalaking may pulang buhok. Akala ko talaga ay pinakulayan niya ang buhok niya kaya naging pula. Pero nalaman ko na natural pala talaga niya yun na buhok. Hindi din daw nya alam kung bakit lalo na’t purong pilipino ang ama at ina niya. “Hindi ba pwedeng pvke muna bago ang syota? Ayaw ko ng syota eh,” inosente niyang tanong. “Pwede naman. Pero punta ka na lang sa bar, buddy. Maraming babae do’n kaya sigurado akong maraming pvke.” Saad ni Rufus kaya napatango tango na lang ako. Dumating ang gabi at nag inuman na kami. Sa isang floating cottage kami pumunta. Kumpleto dito, may alak, videokehan, billiard ngunit ayaw namin gamitin dahil gustong mag concert ni Honey. Unang napili pa ng gago ay T’wing umuulan by Regine Velasquez. Okay na sana ang kanta na napili. Pero sa boses nagkakatalo dahil ang pangit. Tangina talaga ‘to si Honey. Akala mo’y inihaw na baka. Sa inis ko ay sinabayan ko na lang kaysa naman makipag away pa ako sa kanya eh sanay siya sa gulo. Maging si Rufus at Keanu ay mahahalata na sumasakit na ang tenga nila kay Honey. Gusto sana namin kunin ang songbook pero ayaw naman ibigay ni Honey. Magbubuwis muna yata ang isa sa’min para lang makuha ang lintik na songbook. “Thank you sa pag imbita mo sa concert mo ha! Nag enjoy kami.” Sarkastikong sabi ni Keanu. Pakiramdam ko talaga ay masasakal na nila ang kaibigan namin. Tinungga ko na lang talaga ang alak na nasa harapan ko. Wala pa si Morgan at hindi ko alam kung nasa’n ang gago. Duda ko ay hindi siya pinayagan ni Nisse na mag inuman kaya wala pa siya. Halata talaga na under ang gagong yun. Yan talaga ang napapala kapag nagmahal eh. Mabuti na lang ako ay walang nagugustuhan na babae. Nagagandahan lang ako pero takot ako makipag relasyon. Baka matulad ako kay Morgan na under.. understanding. Si Koa naman baliw, baliw sa pag ibig. Si Sid, loyal sa asawa. Habang si Deimos naman ay naliligaw parin ng landas at sana ay balikan na siya upang makawala na siya sa kadiliman. Magpapakalasing ako ngayong gabi. Wala namang babawal sa ‘kin at magagalit lalo na’t wala naman akong girlfriend. Kaya malaya akong gawin lahat ng gusto ko. Sana lang ay ihatid ako ni Honey sa room ko at baka malasing ako. Ilang sandali pa at dumating si Morgan. Akala ko ay hindi na pinayagan ng baby girl niya. Ibig sabihin lang nito ay hindi pa siya under. Napangiwi pa ‘to ng marinig niya ang boses ni Honey na panay ang kanta. Hindi parin matapos ang concert ng gago. Nag uusap na lang kami ni Morgan habang si Rufus at Keanu ay may sarili ding mundo. Palalim na ng palalim ang gabi at timatamaan na ako ng alak kaya nahihilo na din ako. Mahina ako sa alak, hindi katulad sa mga kaibigan ko. Pero marunong pa din naman ako umuwi kahit papano. Wala naman yatang mangyayaring masama sa ‘kin dito sa resort kahit malasing ako. Her Pov NAGLALAKAD AKO papunta sa office ng pinakamataas namin sa grupo. Kailangan kong mag report sa kanya sa mga nagawa ko. Isang buwan din akong walang pahinga at gusto ko sanang humingi ng bakasyon. Tamang tama kasi dahil nasa Quezon Province na din naman ako. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko pa ang babaeng kasamahan ko pero hindi ko siya pinapansin dahil napaka yabang at feeling magaling sa lahat ng bagay. “Nagbalik ka na pala..” sabi pa niya habang nakatingin sa direksyon ko. Agad naman akong lumingon sa likuran ko at baka hindi pala ako ang kinakausap niya. Duling pa naman siya. Baka mapahiya pa ako. “Ako ba kinakausap mo?” Tanong ko sa kanya sanay turo pa sa sarili ko. “Tanga ka ba at hindi mo makita kung saan ako nakatingin.” Mataray niyang sabi. “Malay ko. Duling ka diba? Baka kasi lumihis yang paningin mo.” Bored kong sagot sa babae. “What did you say?” Galit niyang sabi kaya napabuga ako ng hangin. “Pwede ba, Mayumi.. pagod ako at gusto kong mag report para makapag pahinga na ako. Kaya kung pwede.. wag mo akong simulan.” Mataray ko ding sabi saka ako naglakad papunta sa office ng mini-boss namin. Mini lang siya dahil hindi naman siya ang big boss. Nang makarating ako sa pinto ay agad akong kumatok ng tatlong beses. “Pasok..” saad ng matandang boses na lalaki. Binuksan ko ang pintuan at agad akong pumasok. “Sir, I’m back. Reporting!” Saad ko ng makapasok ako. “Nagawa mo ba ang mission mo?” Tanong sa ‘kin ni sir Jim. “Ako pa ba, sir Jim. Syempre nagawa ko. Wala naman akong mission na hindi ko nagagawa ng maayos.” Mayabang kong sabi. Nagsasabi lang naman talaga ako ng totoo. “Good. So, magpahinga ka na muna ngayon. Tulad ng sinend mo sa ‘kin na message ay napagpaalam ko na sa big boss. Pumayag naman siya at bibigyan ka niya ng three months na pahinga.” Saad ni sir Jim kaya nanlaki ang mata ko sa tuwa. “Talaga, sir Jim? Yes!! Mabuti naman at pumayag siya. May na book na akong resort eh at pupunta ko ngayon. Mukhang magiging masaya ako sa bakasyon ko.” Tuwang tuwa kong sabi habang ang lawak ng ngiti ko. “Magsaya ka na. Magkita na lang tayo sa pagbalik mo. Well done!” Sabi ng mini boss ko kaya napasaludo ako at agad na naglakad palabas ng office. Ang lawak talaga ng ngiti ko ngayon habang naglalakad. Nakakatuwa at makakapag bakasyon ako. Simula kasi mapadpad ako sa trabaho ko ay wala na akong ginawa kundi ang magtrabaho. 8 years na akong naninilbihan dito at kahit isang beses ay hindi ako nagbakasyon. Ganun ako ka loyal. Nag eenjoy kasi ako sa trabaho ko. Dati ay ayaw ko pero nong nagtagal ay nakayanan ko ng sikmurain ang ginagawa ko. Wala naman kasi akong pamilya. Sarili ko na lang talaga kaya kahit mag day off pa ako ay wala naman akong mapupuntahan. Kaya bakit pa ako mag da-day off. Lumabas ako ng building namin at naisipan na dumiretso na talaga sa resort kung saan ako nakapag book. May sasakyan naman ako kaya agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito. Kinuha ko ang phone ko at agad na pinatay dahil baka tumawag sila Zeref at Gray. Ang kukulit pa naman no’n at baka alamin pa nila kung nasa’n ako. Gusto kong magbakasyon mag isa. Gusto kong subukan na hindi sila kasama. Mga lalaki talaga ang kaibigan ko dahil ayaw ko ng babae. Mga maldita kasi. At least kapag lalaki ay walang arte sa katawan. Isang oras lang ang nagdaan ay nakarating ako sa resort. Madilim na din kaya kinailangan ko ng pumasok muna ss hotel upang mailagay ko ang dala kong gamit. Ang dami palang tao dito. Hindi din naman nakapagtataka dahil sikat ang resort na ‘to. Maraming mga dayo dito na hindi pilipino. Nagkalat lalo na mga lalaki. Pero hindi ako mahilig sa may mga lahi. Gusto ko pilipino lang. Pumasok na ako sa hotel at inasikaso na muna ang booking ko. Inassist naman agad ako ng nasa front desk kaya nakuha ko agad ang key card ng hotel ko. Dumeritso agad ako sa elevator at may nakasabay ako na lalaki na paakyat din yata. Nakuha niya ang atensyon ko dahil ang gwapo niya. Hindi siya nakatingin sa ‘kin, sa cellphone nakatuon ang mata niya at parang may ka text siya. Napatingin ako sa mga daliri niya at ang haba na maugat. Napalunok ako ng ilang beses dahil daliri pa lang ay alam kong yummy na. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ng lalaki. Agad naman siyang sumagot kaya pinakinggan ko siya. “Babalik din ako agad. May nakalimutan lang ako sa room. Oo, sa floating cottage nalang tayo.” Saad ng lalaki ngunit hindi ko na narinig ang pinag usapan nila lalo na’t bumukas ang elevator at agad na lumabas ang lalaking pogi. Muntik ko ng makalimutan na same floor lang kami. Nawala na sa isipan ko dahil sa poging lalaki. Ang tangkad ba naman niya. Hanggang balikat lang niya ako. Shemms.. ano kaya ang feeling na may boyfriend na ganun ka tangkad. Sigurado ako na may mahaba siyang sandata na tinatago. Sa katawan pa nga lang ay halatang may abs ang binata. Kararating ko lang pero gwapong lalaki agad ang nakita ko. At ang swerte ko pa kasi magkatabi lang kami ng floor. Pumasok ang lalaki kaya pumasok na din ako sa room ko. Gusto ko tuloy malaman kung anong pangalan ng gwapong lalaki. Mamaya talaga ay lalabas ako para pumunta sa floating cottage at hanapin siya do’n. Duda ko ay mag iinuman ang lalaki do’n at may kasama yata siyang mga kaibigan. Sana lang ay wala pang girlfriend ang lalaki dahil ito ang unang beses na na-attract ako sa isang lalaki. Nang mailagay ko na ang gamit ko ay agad na akong lumabas ng room ko. Nagugutom na ako dahil gabi na din naman pero kaya ko pa naman tiisin dahil uunahin ko munang hanapin ang pogi na nakasabay ko sa elevator kanina. Lumabas ako sa hotel at nagtanong pa ako sa staff kung saan ang floating cottage. Tinuro naman niya kaya agad akong tumungo. Hindi naman ako nahirapan ang binata at agad na nakita siya. May kasama siyang tatlong lalaki. Yung isa ay kumakanta. Habang ang dalawang lalaki at nag uusap. May kulay pa ang buhok ng isa na pula. Yung lalaking pogi ay nakaharap sa gawi ko kaya nakita ko ang mukha niya na hindi na naka side view. Ang gwapo pala talaga niya. Mas umaangat ang kagwapuhan niya kaysa sa mga kasama niya. Ano kaya ang pangalan ng gwapong lalaking ‘to. Parang gusto kong gapangin at dilaan ang buo niyang katawan. s**t! Habang iniisip ko yun ay nag iinit ang katawan ko. Hindi talaga ako makakapayag na hindi ako makalapit sa gwapong lalaki na busy tumutungga ng alak. Napangisi ako habang pinagmamasdan parin ang lalaki. May dumating pa na isang lalaki na gwapo din pero ang sungit ng mukha. Mas gwapo parin ang lalaking nakasabay ko sa elevator kanina. Nawala na tuloy ang gutom ko dahil sa kanya. Dito na lang muna ako at panoorin siya mag inum ng alak hanggang sa umakyat siya sa room niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD