Chapter 32 Gabi na nang marating namin ang beach resort na pagmamay-ari ni Creed. Nagugulat pa rin talaga ako sa tuwing dinadala ako ni Creed sa mga lugar na pag mamay-ari niya. Malinaw naman sa akin kung gaano siya kayamanan ngunit hindi pa rin talaga ako makapaniwala minsan. Sa isa sa mga private villa kami namamalagi ngayon, medyo malayo sa maraming tao ngunit tanaw na tanaw pa rin naman sa kinalalagyan namin ang mga tao na nagsasaya sa dalampasigan. Mahimbing ng natutulog si Haru samantalang busy naman ako sa pag-aayos ng gamit namin. Si Creed? Ewan ko kung saan siya nagpunta, pagkarating na pagkarating namin dito ay bigla na lang siyang naglaho. "Miss Kryst, bilin po ni Mr. Winchester na huwag na muna raw kayo lumabas o kung lalabas man po kayo ay kailangan niyong magdala ng secur