Chapter 42 With two different choices. You only need to choose one. Mahirap pumili lalo na't alam mo na ang pipiliin mo ay ang mismong ikakasira mo. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa nakikita ko. Iba't-bang mukha na sa tingin pa lang alam mo nang hindi sila basta-bastang p'wedeng banggahin. Hindi bumalik si Creed sa mansyon kaya ang nagsundo sa akin ay si Deon. Bawat pag click ng camera, bawat tanong na ibinabato sa akin, at mga taong kahit hindi ko kilala ay bumabati sa akin na para bang isa ako sa highlight ngayong gabi — totoo pa lang magkaiba kami ng mundong ginagalawan. Nanatili akong nakangiti habang pareho naming binabaybay ni Creed ang red carpet. Tahimik pa rin si Creed at alam kong galit siya. Naglalakad man kaming magkatabi ngayon ramdam ko ang malamig na nababalot sa am