Chapter 17

1936 Words

Pagkababa sa telepono ay hinawakan ni Vera ang kanyang batok at marahang minasahe iyon. Unang araw niya sa bagong trabaho bilang call center agent pagkatapos ng isang buwan na training. Nag-resign na rin siya sa fast food chain na matagal niyang pinagtrabahuhan. Nalulungkot man siya na iwan iyon kung saan malaki ang naitulong sa kanilang mag-ina sa mahigit dalawang taon pero wala siyang magagawa. Sa sitwasyon nila ngayon ay mas kailangan niyang maging practical at labanan ang emosyon. Maganda ang benepisyo sa bago niyang trabaho bukod sa mas malaki ang kanyang sahod. At sa tantya niya ay malaki-laki ang maiipon niya sa loob ng isang taon para sa operasyon ng kanyang Ina. At kung kukulangin man iyon ay pwede na rin niya i-loan sa mismong company. Tiningnan niya ang oras sa nakabuka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD