“Achoo!” Napakuskos si Vera sa kanyang ilong nang mapabahin dahil sa alikabok na naglabasan pagkatapos niyang alisin ang mga puting tela na nakabalot sa luma nilang sofa. Halos tanghaling tapat na nang makarating siya sa luma nilang bahay mula sa mahabang byahe galing sa probinsya ng San Lorenzo. Pagkatapos nilang mag-usap mag-ina at makuha ang kapatawaran nito sa ginawa niya ay napagpasyahan niya na simulang kumilos para gawin ang ipinangako niya rito. At iyon ay makita ang anak niya. Napahirap para sa kanya na tuparin ang kahilingang nito lalo na ‘t hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa isipan niya ang kontratang pinirmahan niya. Sa simula pa lang nang marinig niya ang tanging kahilingan iyon ng kanyang ina ay hindi na niya sigurado kung matutupad pa iyon o kung may sapat pa siy