Mariin niyang kinagat ang labi habang tahimik na pinakikiramdam ang kanyang ina. Ngayon pa lang ay gusto na niyang maiyak. Buong byahe ay nanatiling tahimik sa loob ng sasakyan. Maya’t maya ay nililingon niya ang Nanay niya na walang imik at hindi man lang siya kinikibo. Hindi niya tuloy alam kung ano ang gagawin niya. Mula nang umalis sila sa Maynila apat na taon na ang nakakaraan ay paulit-ulit niyang hinihiling na sana ay mabaon na lang sa limot ang lahat. Na kasama nilang iiwan doon ang malaking kasalanan na ginawa niya. At kailanman ay hindi malaman ng kanyang Ina ang tungkol doon. Pero sinong mag-aakala na sa una at isang beses na pagbalik nila sa Maynila ay napakaraming mangyayari at halos sumabog sa mismong harapan ng kanyang Ina ang pinakatatago niyang lihim dito? All she wan