“YOU LIVE here?” tanong sa kanya ni Engr. Ortega. Tumango siya bilang sagot dito. “She also live here. Pucha baka makita tayo tapos mag-isip ng kung ano ano.” Natawa siya dahil sa frustrations na bumalatay sa mukha ng engineer. Inalis niya ang seat belt saka pumihit paharap dito. “Hindi ‘yon dahil ‘di kaselos selos ang mukhang ito,” aniya saka kinuha ang bag niya at paper bag sa gilid at bumaba na. Engr. Ortega followed her outside. “Thank you sa paghatid. Kahit huwag mo na ko daanan bukas. Grab na lang ako dahil hassle pa sa’yo iyon,” “Site din punta mo bukas so bakit hindi pa sumabay?” They used Engr. Ortega’s car when they visit the site awhile ago. Ginabi na sila dahil nagpunta din doon ang may-ari kaya hinatid na lang siya nito kaysa bumalik pa siya ng office. Mabait naman si Engr.