ITS been a draining day for Baste. Ang dami niya kinausap na iba’t ibang tao na related sa kasong hawak niya. Iba ibang tao, iba iba din ang ugali kaya nasabi niya agad sa sarili niyang mahihirapan siya ngayon kahit pa ang lahat ng ebidensya ay tinuturo ang mga nasasakdal. Fingerprints were all over the place and that’s the biggest mistake that the defendants did. Madali na para sa kanya na maipakulong ang mga ito. Marahas siyang napabuntong hininga bago bumaba sa sasakyan niya. His attention went to a familiar car entering the carpark. It was Shalee’s car but driven by a valet attendant. Naiiling siyang naglakad nang maisip na wala namang imposible sa bratinellang katulad nito. He press the up button and waited until it open. Nasa condo niya ang mga kapatid niya kaya triple ang securit