Miguel POV Gusto kong murahin ang sarili. Kahit buo na ang loob ko sa paghihiganting gagawin ko ay hindi ko pa rin maiwasan ang masaktan sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak sa harapan ko. Malaki pa rin ang epekto niya sa akin at hindi ko matatangap yun. Hindi ako pwedeng magpatangay sa aking puso. Naumpisahan ko na ito at tatapusin namin ito ni Lucio! Kahit masaktan pa si Lhira ay wala akong paki-alam! Disidido na akong patayin si Lucio. Napatigil ako sa paglakad papalayo at bahagya kong nilingon si Lhira. Ngunit nanlaki ang mata ko nang imbis na sa kubo siya pumunta ay papailalim na siya sa dagat. Malalakas ang alon dahil high tide pag umaga. “Lhira!” Tawag ko sa kanya ngunit nagpatuloy siya hangang lamunin na siya ng alon. Mabilis kong itinapon ang baril at kaagad na lumangoy sa kinar