Lhira POV Wala pang labin-limang minuto ay itinigil na niya ang kotse sa tapat ng mataas na building. Nagtaka akong tinignan siya dahil akala ko ang bubungad sa akin ay resto-bar. “Were here,” Sambit niya. “Wait akala ko ba sa resto-bar tayo? Bakit nandito tayo na hotel? Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan kaya lang nakakaduda talaga dahil ngayon lang kami unang nagkita. “Don’t worry baby, just trust me.” Trust him? Wow! Ngayon lang kami nagkakilala tapos trust him na kaagad? Bumaba siya at umikot sa gawi ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan pa niya akong makababa. “Thank you.” Ikinawit niya ang kamay ko sa kanyang braso at pumasok na kami sa hotel. Dire-direcho lang kami sa elevator na parang alam na ng mga tao na naroon ang pu